Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rita Daniela downplays renewed rivalry with Julie Anne San Jose

by Rommel Gonzales
Sep 17, 2019
Rita Daniela (left) on being pitted against Julie Anne San Jose: "Mas naniniwala ako sa... lahat tayo, may season, e. Yung time na yun, after kong manalo, that was my season. Then after that, it was Julie Anne’s season. And after nun, season ko naman ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal

Mas mahal ni Rita Daniela ang pagkanta kesa sa pag-arte.

Iyon ang passion niya. Iyon din ang pinagsimulan niya bilang grand champion ng Popstar Kids (2005), kung saan Rita Iringan ang screen name niya na naging Rita de Guzman bago siya naging Rita Daniela.

Ngayon ay Journey Host si Rita sa singing competition na The Clash (Season 2).

Sa tingin niya, anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng mga bagong henerasyon ng mang-aawit?

“Ang hinahanap ko, galing sa puso kapag kumakanta!

“Kasi tama yung sinabi ni Ms. Lani [Misalucha], kahit na sobrang galing mong kumanta pero kung hindi mo nare-relay nang tama yung kanta, hindi ka talaga tatamaan.

“Puso. Kasi sabi ko nga, anyone can be a great singer, anyone can be great, lahat 'yan puwedeng maging magaling dahil sa praktis, pero hindi lahat, may puso kumanta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa grand mediacon ng The Clash Season 2 noong Setyembre 11, Miyerkules, sa Hive Hotel sa Sgt. Esguerra sa Quezon City.

Continue reading below ↓

RITA AND JULIE ANNE

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang Clash Masters o hosts ng The Clash.

First time na makakatrabaho ni Rita si Julie Anne, na tinalo niya sa Popstar Kids.

Kumusta katrabaho si Julie Anne na dati ay kalaban niya sa isang singing competition?

Ayon kay Rita, “Siyempre masaya, 'tsaka kung anuman yung... kung may nanalo, may natalo, tapos na yun, e!

"Bata pa kami noon at, alam mo yun, grateful kami, kasi hindi naman kami pinabayaan ng GMA.

“Andito pa rin kami at napakasuwerte namin dahil pinagtagpo kami ulit, at ngayon magka-work na kami ulit.

“So masaya, exciting, sobra!”

Kahit si Rita ang nanalo sa Popstar Kids, may mga panahong mas umalagwa ang career ni Julie Anne bilang Kapuso, na tila mas naalagaan ang career ni Julie Anne.

Ngayon ay maging si Rita dahil magagandang projects ang ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

“Hindi naman po sa tingin ko na mas inalagaan si Julie," paglilinaw ni Rita,

Continue reading below ↓

"Mas naniniwala ako sa... lahat tayo, may season, e.

"Yung time na yun, after kong manalo, that was my season.

"Then after that, it was Julie Anne’s season.

“And after nun, season ko naman ngayon.

"So, wala po kasing ano 'yan, e... Parang hindi ko po nakikita na may samaan ng loob o kung anuman kasi ganun talaga, e!

“May season lahat ng tao at kung ano ang para sa iyo, mangyayari at ibibigay siya sa iyo.”

Mapapanood ang Season 2 ng The Clash tuwing Sabado (after Pepito Manaloto) at Linggo (after Daig Kayo Ng Lola Ko) simula September 21.

The Clash Panel o judges dito sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas.

LOVE TEAM WITH KEN CHAN

Kasama rito ni Rita bilang Journey Host si Ken Chan, na katambal din niya sa bagong Kapuso series na One of the Baes.

Nag-rate at pinag-usapan ang tambalan nina Ken at Rita sa My Special Tatay.

Continue reading below ↓

Ano ang gagawin ni Rita para tangkilikin at mahalin din ng publiko ang tambalan nila ni Ken sa bagong serye?

“Ganun pa rin po. Gawa lang nang gawa.

"Kasi, ganun din naman ang nangyari noon sa My Special Tatay, no expectations, as long as, you know, I do my work passionately at gawa lang ako nang gawa, okay na yun!

“Kasi, ganun yung naging ano namin, wala namang mag-aakala, di ba, na talagang papanoorin ng madla yung My Special Tatay.

“Pero dahil ginalingan lang namin, gawa lang kami nang gawa, e, nakita ng mga tao yung work namin.

“And that’s good, kasi talagang kakalat at kakalat siya, e. So this time, ganun pa rin.

“Wala namang nagbago, pero most importantly siyempre, I know this will be a success because God is with us.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela (left) on being pitted against Julie Anne San Jose: "Mas naniniwala ako sa... lahat tayo, may season, e. Yung time na yun, after kong manalo, that was my season. Then after that, it was Julie Anne’s season. And after nun, season ko naman ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results