PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Victor Neri shocked to meet 5- to 9-year-old children being rehabilitated for drug addiction

Victor Neri says there are young children being rehabilitated because they have become solvent and shabu addicts.
by Rommel Gonzales
Published Sep 25, 2019
Beautiful Justice actor Victor Neri says there are young children being rehabilitated because they have become solvent and shabu addicts.
PHOTO/S: Noel Orsal

Naniniwala si Victor Neri na napakalaki ng problema sa droga dito sa Pilipinas.

“Nakakaawa nga ang mga law enforcer, kasi, kung gawin nila yung trabaho nila, patay sila,” matamang lahad ni Victor.

“Kung hindi naman nila gawin yung trabaho nila, laging galit ang tao.

“E, kung hindi nila gawin?

“Yung mga casualty, iyan lang naman ang inaalma ng mga anti, e, yung mga casualty.

“Yung mga sinasabi ng mga tao, na tao, tao tayo lahat, may pamilya yung pusher...

“Pati naman yung law enforcer, may pamilya rin.

“So iyon muna, siguro kaya ganyan ang reaksyon din ng karamihan. Kasi, for the past decades, walang nangyari, e.

“Walang ganun, e, di ba? Noon kasi, ang mga drug pusher, ang dala nila, pag may buy bust, pera. Kasi, nasusuhulan.

“E, alam nila ngayon, hindi puwedeng suhulan, nagdadala na rin sila ng baril! Di ba?”

Ngayon ba ay wala nang suhulan?

“E, tandaan ninyo, mas marami pa ring mabait kesa sa masama. You have to always think about that,” saad ni Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, yung news, ang gusto nila, yung hindi magandang news. Kasi, pag laging masayang news, boring, e, di ba?

“Sa end of the day naman, e, kahit kayo, sa press, kung laging magaganda yung sinusulat sa artista, tinatamad na kayo,” at tumawa si Victor.

“Gusto niyo, yung intriga, di ba? Kasi, iyon din ang binibili. Iyon ang binibili.

“So yung highlight ng media is more on the low percentage casualty, e, di ba? Rather than, itong mga pusher na ‘to, alam mo ba kung ilang buhay ang sinira niyan?

“Parang kanina, galing ako sa isang drug rehabilitation na may PDEA [event], nagkaroon kami ng parang awarding doon sa rehab.

“Kanina lang, nag-guest yung some cast ng Beautiful Justice kasi may partnership [with Philippine Drug Enforcement Agency].

“Rehabilitation ito ng five to nine years old!”

Drug addicts ba ang mga batang ito?

“Oo, oo! Five to nine! Solvent, shabu addicts! Biro mo? Kasi pagpunta ko roon, sabi ko, ‘Akala, ko rehab ‘to?’ ‘Opo, sir.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“E, bakit puro bata?’ ‘E, mga solvent saka shabu!’

“Kita mo? Five to nine! Di ba? Kinukupkop ng DSWD saka PCSO.”

Ang DSWD ay ang Department of Social Welfare and Development samantalang ang PCSO ay ang Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi halos makapaniwala si Victor pagkakakita sa mga pagkababatang drug addicts.

“Kaya mas nagagalit ako ngayon sa ano, gusto ko na rin ubusin lahat ng pusher! Di ba? Sana, sila na lang ang mamatay! Nandadamay pa sila.

“Iyon yung reality natin, na hindi siyempre ipapalabas dahil boring, e! O, di ba?

"Biro mo, isang rehabilitation center ng mga bata? Hindi teenager, ha, mga bata! Mga bata, ha!”

Sa tingin ba ni Victor ay may solusyon pa ang drug problem ng Pilipinas?

“You know, the drug problem, like in any other third world country, is always poverty, but still it’s not an excuse, di ba? The end does not justify the means, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, pag nilinis mo ang isang bagay, kailangan, sunud-sunod. Hindi lang yung kumbaga, hindi ka naman maglilinis ng isang kuwarto lang. Kailangan lahat, kundi dudumi rin yun, madudumihan din.

“The only solution is to continue fighting. Kasi, masyadong malaking industriya siya, billion-dollar business. Hindi ganun-ganun lang. Kahit nga Amerika, hindi nila kaya ang ano, e, tayo pa?

“Even the first world countries who have… na napakalaki na ng budget nila, ha? Bilyun-bilyong pesos na ang budget nila pero hindi nila masu-solve, di ba?

"Ang kailangan lang is parang... ang drugs is just like any other crime, so anti-crime.

“Dapat, alam ng mga pusher o mga kriminal na merong batas, merong mga law enforcer.

“Kaya sila yung dapat nag-iisip kung paano, hindi tayo dapat ang nag-iisip kung paano sila anuhin, kuha mo yun?

“Sila kasi yung masama, sila yung tumatakbo, tayo yung humahabol. Di ba? Hindi baligtad.”

Na-interview namin si Victor sa taping ng Kapuso primetime series na Beautiful Justice noong September 20 sa Felicidad Mansion Events Place, Roosevelt Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONDING WITH CO-STARS

Sa sobrang close ng cast members ng Beautiful Justice, nagpa-block screening si Victor ng pelikulang LSS: Last Song Syndrome noong September 19 sa Greenbelt, Makati City.

Bida sa LSS ang Beautiful Justice co-star niyang si Gabbi Garcia at boyfriend nito na si Khalil Ramos.

“Para sa cast and crew iyon,” lahad ni Victor.

“Tatay-tatay na ako rito, parang ganun. I wanted everybody to see it...

“Parang family na kami dito sa Beautiful Justice. Ang ganda ng movie!”

RELATED STORY

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beautiful Justice actor Victor Neri says there are young children being rehabilitated because they have become solvent and shabu addicts.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results