Phytos Ramirez offered to do sexy indie film

by Rommel Gonzales
Sep 29, 2019
“Open po ako sa mga ganun! Ever since, iyon po talaga yung gusto ko. Maging daring, yes!” says Phytos Ramirez.
PHOTO/S: @iamphytosramirez on Instagram

Sa Madrasta ay may mga eksena si Phytos Ramirez na hubad siya.

“Dahil nga si Juancho, medyo yung character niya is formal, balot. Yung character ko po is…” simula ni Phytos nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung September 16 sa pictorial ng Madrasta sa GMA Network building. Nabanggit pa niya ang kasama sa show na si Juancho Trivino.

Magpapaseksi si Phytos sa Madrasta na ipapalabas na sa October 7. Sa pelikula ba ay handa rin siyang maging daring?

“Open po ako sa mga ganun! Ever since iyon po talaga yung gusto ko. Maging daring, yes!”

PHYTOS ON DOING DARING INDIE FILM

Kaya niyang gumawa ng love scenes at magkaroon ng butt exposure sa pelikula?

“May nag-offer sa akin for indie, pero hindi pa puwedeng sabihin. Wino-work out pa po namin with my handler sa GMA, kay Tita Becky, kasi yung schedule po nito is M-W-F-S,” sagot ni Phytos.

Continue reading below ↓

Monday, Wednesday, Friday o Saturday ang taping ni Phytos para sa Madrasta. Alaga siya ng talent manager na si Becky Aguila.

Sexy raw ang indie film na inaalok sa kanya.

“As in matanda po yung babae… well, hindi naman po super-tanda, mga nasa forties,” kuwento ni Phytos.

Magkakaroon sila ng love scene ng older leading lady niya at may butt exposure din si Phytos kapag natuloy na ang naturang indie film. Payag daw si Phytos na magpakita ng puwet.

“Okey naman po sa akin, wala naman pong problema sa akin, e.”

Kaya ba niyang higitan ang ginawa ni Marco Gumabao sa Just A Stranger? Nagpakita ng puwet at nakipag-love scene si Marco kay Anne Curtis sa nabanggit na pelikula. O kaya ba niyang higitan ang ginawa ni Tony Labrusca sa sexy film na Glorious kung saan kapareha ni Tony si Angel Aquino?

“Ang napanood ko po yung kay Tony, yung kay Marco not yet po.

Continue reading below ↓

“Kaya naman po. Depende po sa istorya, e. Hindi natin masabing kaya nating higitan or hindi natin kayang higitan. Kasi nasa flow pa din po ng story.

“Ngayon po, nag-one-month workshop po ako kay Ms. Anna Feleo,” lahad pa ni Phytos.

FAT MEMO

At mabuti at pumayat na siya. May mga pagkakataon dati na mataba si Phytos. Pero hindi naman daw siya napadalhan ng “fat memo” ng GMA, na karaniwang ipinadadala sa Kapuso artists na medyo nagdadagdag ng timbang.

“Pero alam ko po sa sarili ko na kaya paputul-putol yung shows ko is because of my weight. Naglalaro.

“O, ‘pag may show, payat, after the show, lumalaki ako.”

Mahilig ba siyang kumain?

“Hindi naman po mahilig kumain, pero, parang ‘pag masyado mong dineprive yung sarili mo, masyado kang nagpatuyot. I think mapapagod yung utak mo, so gusto mong for a time, magpahinga ka.

“’Tapos ang hirap ibalik, kasi yung mind mo sinasabi, ‘Gusto ko pang kumain, hindi pa ako tapos kumain, hindi pa ako tapos mag-enjoy!’

Continue reading below ↓

“Pero at the end of the day, ito yung isa sa mga puhunan ng isang actor, kailangan maayos yung figure mo kasi nakikita ka ng mga tao, idol ka ng mga tao.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Open po ako sa mga ganun! Ever since, iyon po talaga yung gusto ko. Maging daring, yes!” says Phytos Ramirez.
PHOTO/S: @iamphytosramirez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results