Is Judy Ann Santos willing to do sensual May-December projects?

by Melba R. Llanera
Oct 3, 2019
Judy Ann Santos quips: "Yung panahon ko, lumabtim-loveteam na ako, rurok na na yun ng pakikipaghalikan ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Umaasa pa rin ang fans sa balik-tambalan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos, sa pelikula man o telebisyon.

“Wala, wala pa!” bulalas ni Juday sa presscon ng ABS-CBN series na Starla noong Setyembre 28, 2019, sa Matrix Creations Events Venue.

“Yung last time kasi na sinabi ko ay mayroon kasing nag-offer, pero di natuloy, di kasi kami nagkasundo with the story pa lang naman.

“May story naman na ino-offer. Ngayon lang, walang nag-o-offer sa amin. Yun ang sinabi ko before, it's very critical for Juday-Piolo project, for reunion project, kasi, the story should be very well thought off.

“Need ma-excite kami pareho. Pag nabasa mo yung material, di naman kailangang i-dictate kung sino ang leading man, alam mo na dapat kung sino ang gaganap nun, kasi, nakikita mo na siya o nakikita ka niya na gumaganap dun sa character na yun."

Aminado si Juday na nandoon ang pressure tungkol sa pagbabalik-tambalan nila ni Piolo.

Continue reading below ↓

“Habang tumatagal ang panahon na di kami gumagawa ng project, mas lalong nandun yung pressure to find a story that is worth watching because ang tagal, e.

“Hintay lang. Habang wala pa, focus muna sa ibang bagay."

ON PROJECT WITH CLAUDINE BARRETTO

Kumpirmado na ang paggawa muli ng pelikula ni Piolo with Claudine Barretto.

Ngayong magiging aktibo muli sa kanyang showbiz career si Claudine, payag si Juday na magkatrabaho sila.

“Oo naman, posibleng-posible naman, wala namang imposible na sa panahon ngayon.

“Saka lagi ko namang sinasabi, I'm looking forward to work with Claudine. Totoo yan, ilang years ago pa, sinasabi ko na sana at some point, makagawa kami ng pelikula together ni Clau.

“Kasi, it will really be nice to work with her."

WILL JUDY ANN DO MAY-DECEMBER-AFFAIR THEMED PROJECTS?

Uso ang sensual May-December affair sa movies at digital projects. Kaya ba iyong gawin ni Juday?

Continue reading below ↓

“Hindi, hindi kaya ng powers ko yan!” tahasang tugon ng 41-year-old actress.

“Ibigay na natin yan sa mga sexy, okay na ako sa mga kontrabida. Parang di ko talaga kaya.

“Parang kasi yung panahon ko, lumabtim-loveteam na ako, rurok na na yun ng pakikipaghalikan ko.

“Graduate na ako dun, may mga anak ako, may asawa ako. I know it's part of being an actress, just accept the role na bigay sa iyo.

“Para sa akin kasi, natapos na ako dun. Nagawa ko na siya. Nagkataon, itong mga May-December na dumarating, napapanahon na ang focus ko is my family and my career.

“Whatever I do, I consider my children first and then my husband. Yung sanity ng lahat na members ng family ko, my sanity para everybody's happy.

“Saka di ko talaga siya kaya. Siguro, kahit wala akong mga anak, di ko yata kayang gumawa ng ganun ka-daring na role."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos quips: "Yung panahon ko, lumabtim-loveteam na ako, rurok na na yun ng pakikipaghalikan ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results