TOTOO BA: Maja Salvador was not first choice as lead star of The Killer Bride

by Julie E. Bonifacio
Oct 6, 2019
Maja Salvador drops hints about the original Kapamilya actress who was supposed to star in The Killer Bride.

Bida si Maja Salvador sa iWant digital series Hinahanap-hanap Kita na tumatalakay sa mga buhay ng nga overseas Filipinos.

Co-star ni Maja ang leading man niya sa ABS-CBN primetime series na The Killer Bride, si Geoff Eigenmann.

“Ito po ang audition namin,” birong seryosong ni Maja.

“Kaya po kami napansin pati ng mga writer namin, oo.

“Etong nauna po. Uh, March namin ito ginawa.

“Habang nasa Dubai kami, kinukulit ko po yung boos ko, yung BUH [Business Unit Head] ko, si Mama Roda [dela Cerna]. Nag-a-apply ako sa kanya sa The Killer Bride.

“Tapos ang sinasabi nga po nila, ‘Meron ka nang ibang serye,’ oo. Tapos sinasabi ko sa kanila, ‘Mukhang okay po talaga diyan.

“So, after one month, parang March kami nag-shoot.

“After one month, mga May doon po ako, nakapasa po ako sa audition.

“Pasok po ako sa Killer Bride."

Totoo ba ‘yan?

“Totoo talaga yun,” diin ni Maja.

Continue reading below ↓

“Si Geoff, ano na, naguusap na kami noon.

“Sabi ko, ‘Huy, Kuya [tawag niya kay Geoff] nakakatuwa kasi,’ sabi ni, siyempre, kahit bawal itsismis, natsismis ko na agad kay Goeff na may show na siya pag-uwi ng Manila.

“Sabi ko, ‘Hoy, may serye ka na raw paguwi ng Manila,’ sabi kong ganyan.

‘Nag-au-audition nga ako doon, e.’ Pero, hindi niya alam, hindi nila alam na nakapasa nga ako.

“Pati sina Pamu [Pamorada] hindi nila alam, meron na silang ano, embalsamo na training.

“Nagtri-training na sila, hindi pa nila alam kung sino yung sa final na makakasama nila.”

Sinorpresa niya si Geoff?

“Oo,” natatawang sabi ni Maja.

“Pwede ko bang sabihin kung sino talaga yung una,” tanong ni Maja kay Roda.

“Hindi na?”

Sasabihin ba niya kung sino ang original Kapamilya actress na magiging bida sana ng The Killer Bride?

“Huwag daw po, e.

“Pero, si ano po ‘yan, kaso nga lang po kasi, may anak na siya.

Continue reading below ↓

“Gusto niyang mag-focus sa anak niya.

“Malayo, ganyan,” bigay na clue ni Maja.

Si Ellen Adarna ba ‘to?

“Hindi. Hahaha!”

Pangungunahan ni Maja Salvador ang first digital original series ng ABS-CBN’s global content platform na The Filipino Channel (TFC) and Philippine streaming service na iWant, ang Hinahanap-hanap Kita.

Iikot ang kwento ng bagong digital series sa karakter ni Helen na ginampanan ni Maja.

Kuwento ni Maja, “Si Helen ay isang valedictorian. Uhm, maraming pangarap. Pero dumating ang panahon nung na in-love siya kay Troy, ang pinili niya ay magkaroon ng isang masaya at mapagmahal na kapamilya.

“So, isinantabi ni Helen ang kanyang mga pangarap para sa kanyang mga pamilya.

“Pero uhm, nangyari ang mga nangyari, dahil nagkaroon siya ng pamilya, nagkaroon na sila ng anak.

“Kinailangang mag-ibang bansa ni Troy para mabigyan kami ng buhay ng aking anak.

“Pero biglang isang araw na lang, hindi ko na matawagan, makausap ang asawa ko. Kaya si Helen ay nagpunta po ng Dubai para hanapin ang kanyang asawa.

Continue reading below ↓

“Pero nung ‘pag punta ni Helen doon, hindi lang yung asawa niya ang hinahanap niya, kundi nahanap pala ni Helen, may hinahanap pala si Helen para sa sarili niya.”

Ang Hinahanap-hanap Kita ay eight-episode series na tumatalakay sa highs and lows ng buhay ng mga overseas Filipinos (OF) at kung paano na ang magiging kapamilya na rin nila ang mga kaibigan nakilala nila sa foreign land as they pursue life.

Ayon kay ABS-CBN Global Content Head na si Ned Legaspi, “This is our way of paying tribute sa ating kababayan na nasa ibang bansa. Uh, parati po kasi nating sinasabi, di ba, they are the heroes. Pero hindi pa po talaga natin nakikita yung mga, you know, yung mga sakripisyong ginagawa nila, buhay nila. Kaya naman po ang TFC, ay, gumawa nitong kauna-unahan ng TFC. At we hope, kung magustuhan ito ng audience ay gagawa pa po kami ng mas marami pa na ganitong series.”

Continue reading below ↓

Since TFC ang nag-produce ng Hinahanap-hanap Kita, in dollars or another foreign currency ba ang ibinayad sa kanya na talent fee?

“E, may network contract po ako. Nasali doon.

“Hindi, ano po, pineso. Hahaha!”

Bukod kina Maja at Geoff, kasama rins sa Hinahanap-hanap Kita sina Pepe Herrera, Pamurada, Hannah Ledesma, at Prince Stefan.

Ito ay mula sa panulat ni Benson Logronio, Ned Legaspi, Josel Garlitos, Kim Lorraine Cruz, at April Jalandra sa direksyon ni Dado Lumibao.

In life, meron pa ba siyang hinahanap-hanap?

“Sa akin naman ano, nahanap ko na siya ulit.

“Nagpahanap po siya.

“Or, mas magandnag sabihin na, hinanap niya ako. Wow!

So, love life ang hinahanap-hanap niya?

“Oo, kasi ang career naman, lagi ko namang pinipili ang career, di ba?

“So, ayun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador drops hints about the original Kapamilya actress who was supposed to star in The Killer Bride.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results