Pancho Magno reflects on life lessons in GMA-7 drama series Dahil Sa Pag-ibig

by Rommel Gonzales
Oct 4, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Nainterview namin ang GMA-7 hunk na si Pancho Magno nitong Oktubre 2, Miyerkules, sa pamamagitan ng email.

Kaugnay ito sa pagtatapos ng Kapuso afternoon series na Dahil sa Pag-ibig ngayong Biyernes, Oktubre 4.

Ano ang natutunan niya sa naturang teleserye?

Ani Pancho, “Being a father, kung paanong maging isang ama.

“Na ang isang ama, gagawin ang lahat at ibibigay ang lahat para sa anak niya.

"Na kahit magbuwis pa siya ng sarili niyang buhay, gagawin niya para lamang sa kapakanan ng mga anak niya.”

Sa pagwawakas ng kanilang GMA drama series, ano ang nais ni Pancho na iwang alaala o impresyon sa mga manonood?

“God is Love. Mabuhay tayo dahil sa pag-ibig, lumaban tayo para sa pag-ibig, magmahal tayo dahil sa pag-ibig.”

Hindi makakalimutan si Pancho ang fight scenes at confrontation scenes sa Dahil sa Pag-ibig.

“Ang dami naming nagawang mga ganoong eksena, at ang nakakatuwa, dahil sa mga ganoong eksena, fight scenes, confrontation scenes, mas lalo kaming naging close off-camera!”

Continue reading below ↓

Paano binago ng DSP ang pananaw ni Pancho sa buhay may-asawa at bilang isang mister?

“Huwag maging makasarili. Kasi, may pamilya ka na, hindi puwedeng sarili mo lang ang iisipin mo.

“Kailangan, priority mo palagi ang pamilya mo.”

Sa direksyon ni Ricky Davao, nasa cast din ng Dahil sa Pag-ibig sina Sanya Lopez, Benjamin Alves, at Winwyn Marquez.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results