Arra San Agustin feels “very nervous” about being Madrasta lead star

by Jet Hitosis
Oct 7, 2019
Madrasta lead star Arra San Agustin on her first taping day: "Nung bago mag-start yung first taping namin, yung pilot taping namin, grabe yung stress ko. Hindi ako makatulog, kasi parang ina-anticipate ko na yung mangyayari the next day. Nagwo-worry na ako, ine-expect ko na kasi yung worst.”
PHOTO/S: Noel Orsal

“Pressured. Very nervous.”

Ganito inilarawan ni Arra San Agustin ang nararamdaman niya ngayong bida na siya sa bagong GMA-7 teleserye na Madrasta, na mapapanood na simula ngayong Lunes ng hapon, October 7.

Inamin pa nga ni Arra sa mga entertainment reporters na dumalo sa media presscon ng Madrasta nitong Lunes, September 30, sa GMA Network sa Quezon City, na hindi siya nakatulog sa sobrang stress sa unang araw ng taping ng serye.

Kuwento ni Arra, “Pressured. Very nervous.

“Nung bago mag-start yung first taping namin, yung pilot taping namin, grabe yung stress ko.”

Patuloy ng 24-anyos na aktres, “Hindi ako makatulog, kasi parang ina-anticipate ko na yung mangyayari the next day.

“Nagwo-worry na ako, ine-expect ko na kasi yung worst.”

Paliwanag niya, “Alam mo yung feeling na pag in-expect mo na kasi yung worst, pag nangyari yung worst, yung feeling, alam ko na, e. Na-prepare ko na yung sarili ko.

Continue reading below ↓

“Stress na stress talaga ako nung first taping day namin!”

Una nang napanood si Arra sa mga teleseryeng Encantadia, Meant To Be, The Cure, at My Special Tatay.

ARRA PREPARES FOR THE ROLE

Ayon kay Arra, pagkatapos niyang tanggapin ang project ay siniguro siyang handa siya sa napakalaking responsibilidad at expectations na kaakibat nito.

Sinabi ni Arra na sumailalim siya sa extensive acting workshop.

“Nanonood po ako ng mga movies,” dagdag pa ng StarStruck alumna.

“Yun naman po yung one of the main preparations when you’re acting. Observe, kailangan nyong mag-observe. Kailangan niyong manood.

“I’m reading a book, yung Irreverent Acting by Eric Morris.”

Kuwento pa ni Arra, ginagamit niya ang mga natutuhan niya sa acting workshop sa aktuwal niyang pakikitungo sa mga mahal niya sa buhay.

“Sa personal, kapag kasama ko yung mga people na I feel strongly of, mine-memorize ko kung paano sila.

Continue reading below ↓

“Kasi ganun yung exercise namin sa workshop, yung sensitizing.

“Gusto ko ime-memorize ko yung appearance nila, yung feeling ng skin nila.

“Mas ia-appreciate ko sila, so more of pagiging grounded. More of being empathetic, at saka more of being tactile.”

A STEPMOM AT 24

Sa Madrasta, gaganap si Arra bilang si Audrey, isang nurse na na-in love kay Sean (Juancho Trivino), isang doktor na kalaunan ay iiwan ng asawang si Katharine (Thea Tolentino), kaya naman sa huli ay si Audrey ang magsisilbing ina ng mga anak nina Sean at Katharine.

Ayon kay Arra, hindi niya kinailangan ng malaking adjustment sa pagganap bilang stepmother, sa edad niya.

Paliwanag niya, “May mga friends naman ako na may mga anak na, and I’m 24, yung age ko naman may mga nagkaka-family na rin po nun.

“Puwede na po, puwede na yung age ko.”

Nilinaw din ni Arra na ang pagganap niyang stepmother ay iba sa karaniwang pagkakakilala sa mga madrasta, na masungit at nananakit.

Continue reading below ↓

“Itong Madrasta na ito po kasi, hindi siya yung typical na evil stepmother,” sabi ni Arra. “Mabait siya.”

Bukod kina Arra, Thea, at Juancho, kasama rin sa cast ng Madrasta sina Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Almira Muhlach, Phytos Ramirez, Ahron Villena, Anjo Damiles, Kelvin Miranda, Faye Lorenzo, Divine, Aucina, at Isabelle de Leon, sa direksiyon ni Monti Parungao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Madrasta lead star Arra San Agustin on her first taping day: "Nung bago mag-start yung first taping namin, yung pilot taping namin, grabe yung stress ko. Hindi ako makatulog, kasi parang ina-anticipate ko na yung mangyayari the next day. Nagwo-worry na ako, ine-expect ko na kasi yung worst.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results