Tawag ng Tanghalan 3 winner Elaine Duran reveals why she wanted to quit in the past

by Arniel C. Serato
Oct 9, 2019
Elaine Duran on those criticizing her physical attributes: "But I hope sana, sana, kahit na hindi ako kagandahan, kahit hindi ako pasok sa standards, I really hope po na sana mahalin pa rin ako ng madla.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi pa raw nagsi-sink in kay Elaine Duran ang pagkapanalo bilang grand champion sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime Year 3.

Sabi ng singer mula Butuan, “Wala pa po, just like sa sinabi ko po kanina, parang kulang yung one month or two months para i-grasp yung parang realidad na nandito na ako sa one step na sa pangarap ko.

“And yun, adjust-adjust lang din po sa new environment na meron ako.

“Hindi ito madali...yung journey na tatahakin ko.

“There will be ups and dows po sa mga mangyayari pero sana, sana, sana kakayanan kong i-ano yun dalhin yun para sa pangarap ko.”

Ano ang tumatakbo sa isip niya noong araw ng grand finals last September 28?

Lahad ni Elaine, “Ano po, give your best po sa lahat-lahat kasi ano lang yun kasi ano lang yun, e, isang moment lang yun, e.

“Whatever happens po, kung ano man ang magiging resulta, as long na ma-give ko yung best ko, is enough for me kasi papunta lang Top 6 hindi na birong journey yun, so thankful na ako sa ganun po.”

Continue reading below ↓

Pagkatapos siyang hirangin bilang grand champion, lumabas sa resulta na panalo siya sa madlang pipol’s vote at hindi sa hurado’s votes.

Lamang sa kanya ang second placer sa “hurado’s votes” na si John Mark Saga.

Anong masasabi niya rito?

Sabi ng dalaga, “I respect po the decision of the hurados because sila po yung mga experts and sila ang mas nakakaalam sa akin.

“Sila po yung mas nakakapuna ng mga mali and deserve po ni Kuya John Mark yun with that exceptional performance na talagang pang grand champion yun.

“And nagpapasalamat din ako alongside with the madlang piol kasi despite sa mga technicalities na nagawa ko during that time, hindi ko po yun dini-deny, nandun pa rin sila to believe in me, to vote for me.

“Kasi they think, they saw something na siguro ano ako na kailangan i-vote.

Continue reading below ↓

“And then, I’m just very thankful kasi hindi ko makuha yung ganitong title kung wala yung pagmamahal at support po nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elaine noong nakaraang Lunes, September 30, sa grand presscon ng It’s Showtime para sa kanilang 10th anniversary.

INSECURITIES

Aminado naman si Elaine na hindi madali ang naging journey niya sa pagkanta.

May mga araw daw na gusto na niyang sumuko sa kanyang pangarap.

Ito ay dahil daw sa mga acne sa kanyang mukha na lagi daw napapansin sa kanya.

Saad pa niya, “A, siguro po, ang nakatulong talaga dun ay yung family and friends ko kasi sila yung taga-pukpok sa ulo ko, e.

"Na, ‘Keep on pushing, keep on going sa dreams mo,’ kasi, ‘Wala naman yan sa mukha,’ or ‘Ang pinupuntahan mo naman dito sa Tawag ng Tanghalan is to perform, to sing, hindi naman talaga sa physical attributes mo.’

Continue reading below ↓

“Pero, in reality, normal, isa yun sa mga factors.

“But I hope sana, sana, kahit na hindi ako kagandahan, kahit hindi ako pasok sa standards, I really hope po na sana mahalin pa rin ako ng madla.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elaine Duran on those criticizing her physical attributes: "But I hope sana, sana, kahit na hindi ako kagandahan, kahit hindi ako pasok sa standards, I really hope po na sana mahalin pa rin ako ng madla.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results