Angel Locsin concerned for fan who had an accident “para lang makita ang ending ng General’s Daughter”

by Jet Hitosis
Oct 11, 2019
Through Twitter, Angel Locsin checks on a fan who suffered a bad fall in order to see the ending of her show The General’s Daughter.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Nag-aalala si Angel Locsin para sa isa niyang fan na naaksidente para lang matutukan ang mga huling eksena ng teleserye niyang The General’s Daughter, na nagtapos noong Biyernes, October 4.

Nag-reply si Angel nitong October 10 sa post ng isang Twitter user na may litrato ng isang babaeng may malalaking pasa sa braso.

Mag-aalas dos ng madaling araw nang i-post ng Twitter user ang tatlong litrato ng isang tinawag niyang “Ma’am Evangeline,” isang nursing assistant sa ospital.

Ang unang dalawang litrato ay malapitang kuha sa mga pasang natamo ni Ma’am Evangeline sa “accident matapos mag madali lumabas sa CR para lang makita ang ending ng #thegeneralsdaughter ni @143redangel.”

Sa ikatlong litrato, makikita si Ma’am Evangeline na nakangiti at naka-thumbs up sa camera, ipinakikitang maayos na ang kanyang kalagayan matapos na madulas.

Tiniyak din naman ng netizen na okay na si Ma’am Evangeline sa tweet niyang “good thing she's fine now.”

Continue reading below ↓

Reply ni Angel: “Ma’am Evangeline (loudly crying face emoji) sana hindi po kayo nagka-injury :( at sana po hindi na po masakit ang arm nyo (disappointed but relieved face emoji).”

Pinawi naman ng nag-post ang pag-aalala ni Angel.

Sumagot kay Angel ang nag-post: “OK na po sya Ms. @143redangel, medyo ma sakit ng kunti but her xray is fine. She’s your super fan!”

Continue reading below ↓

Isa pang Twitter user ang nagkomento na hindi naman kailangang abangan ni Ma’am Evangeline sa telebisyon ang finale ng The General’s Daughter dahil “meron naman po sa @iwant.”

Sagot ng nag-post: “It happened sa last night ng #thegeneralsdaughter wala syang access sa technology.”

Continue reading below ↓

Nagtapos na nitong Biyernes ang The General’s Daughter na nagsimulang mapanood sa primetime slot ng ABS-CBN noong January 21, 2019.

RELATED STORY

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through Twitter, Angel Locsin checks on a fan who suffered a bad fall in order to see the ending of her show The General’s Daughter.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results