Ethel Booba says GGV already settled her talent fee; wins “Tawag ng Tanghalan” Celebrity Champions

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2019
Ethel Booba performs "Help" by the Beatles during her live performance on "Tawag ng Tanghalan" Celebrity Champions today, October 11, 2019.
PHOTO/S: Courtesy: Tawag ng Tanghalan Facebook page

Napuno nang biruan ang pagsali ni Ethel Booba sa "Tawag ng Tanghalan" Celebrity Champions sa It’s Showtime ngayong araw, October 11, 2019.

Sa VTR pa lang bago siya sumalang, nagbiro na kaagad siya na, “Sumali ako sa 'Tawag ng Tanghalan' kasi maniningil ako, charing.”

Nakalaban ni Ethel ang Koreanong si Jinho Bae o Songyupsal, Alex Castro, at Marlo Mortel sa daily round ngayong araw.

Maayos na naitawid ni Ethel ang kanyang pag-awit ng kantang “Help” ng English rock band na Beatles.

Panimula pa ni Ethel sa interview portion kasama sina Vice Ganda at Vhong Navarro, “Hapit na hapit.”

Continue reading below ↓

Tanong ni Vice, “Ano na, nakapag-down na ba kanina?”

Nag-ugat ito sa sinabi ni Ethel sa recent interview nito na sinigurado raw muna niyang makukuha kaagad ang kanyang talent fee bago niya tanggapin ang alok ng It’s Showtime na sumali sa celebrity edition ng singing contest.

Kamakailan lamang kasi ay nag-tweet ang singer-comedienne tungkol sa hindi pa nabayarang mga guesting niya sa ABS-CBN, kabilang na ang sa Gandang Gabi Vice (GGV).

Tugon niya sa tanong ni Vice sabay tawa, “Nakuha ko na kanina.”

TALENT FEE FROM GGV ALREADY SETTLED

Ayon pa kay Vice, kapag mga special occasion sa mga palabas na kasama siya, isinasama niya ang kanyang mga kaibigan katulad ni Ethel bilang guest.

Sabi naman ni Vhong, “E, bat ka nanghihingi ng TF [talent fee], dapat friendship na lang.”

Sabi ni Ethel, “Uy, hindi, a, may premyo to, di ba?”

Sabat ni Vice, “Kailangang makabawi kasi nga yung isang may utang sa kanya programa ko din, GGV.

Continue reading below ↓

“Naayos na ba ng finance?”

Ayon kay Ethel, “Okay na.”

Paglilinaw naman ni Vice, “Wala akong kinalaman diyan ha, finance yun ha, host lang ako.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba performs "Help" by the Beatles during her live performance on "Tawag ng Tanghalan" Celebrity Champions today, October 11, 2019.
PHOTO/S: Courtesy: Tawag ng Tanghalan Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results