Angel Locsin wins two awards at 33rd Star Awards for Television

by Julie E. Bonifacio
Oct 15, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

Two major awards ang nakamit ni Angel Locsin sa 33rd PMPC Star Awards for Television nitong Linggo, October 13, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Best Drama Actress si Angel para sa ABS-CBN teleserye na The General’s Daughter, at isa siya sa 12 TV Queens at the Turn of the Millennium.

“Ang sarap pong magtrabaho, at madaling magtrabaho kapag ang mga katrabaho mo ay mahuhusay, mababait, professional,” sabi ni Angel sa acceptance speech bilang Best Drama Actress.

“At ako po ay sinuwerte lang po kami na nilagay sa isang proyekto na perfect po ang lahat.

“Kaya gumaganda ang trabaho. Kaya sa mga co-actors ko na, whom I fell in love with... sa producers ko po na sobrang bait po sa akin, Sir Deo [Endrinal], si Miss Kylie [Manalo], si Miss Hazel, si Ate Len, thank you so much.”

Dagdag ng aktres, “Sa lahat po ng patuloy na sumuporta sa akin, ayan... Sa mga fans ko, sa Papa ko, sa bawat mall show, nagpapa-trending, nakikipag-discussion, maraming salamat po, naging parte kayo ng The Generals’ Daughter.”

Continue reading below ↓

Inialay ni Angel ang kanyang award sa kanyang fiance na si Neil Arce.

“Sa mga kaibigan, pamilya, at sa fiance ko na iniintindi ako. Hahaha!

“Habang may teleserye ako, laging may taping, may taping.

“‘Pag wala naman pong taping, pagod o masakit ang katawan.

“Sobrang salamat sa ‘yo, mahal. I love you. Para ‘to sa ‘yo.”

Pagkatapos tanggapin ni Angel ang kanyang Best Drama Actress award ay nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) backstage.

“Sa totoo lang, gusto kong magpasalamat. Pero alam kong pagod na kayong lahat,” masayang sabi ni Angel.

“Pero, grabe. Alam mo yung kapag nasa stage ka na, nakakalimutan mo na yun mga gusto mong pasalamatan sa dami. Pero maraming-maraming salamat sa inyo, sa Star Awards.

“Maraming salamat sa patuloy na paniniwala ninyo sa akin. Thank you. Thank you. Thank you,” paulit-ulit na pasasalamat ni Angel.

Ano ang gagawin niya for the rest of the year?

“Mag-aayos po ng kasal,” ngiti niya.

Continue reading below ↓

“Sinusundo na po ako ngayon,” sabay tawa ni Angel.

Nakita na kasi ni Angel ang papalapit na sa kanya si Neil. At agad na inalalayan ni Neil si Angel.

Sabi ni Neil sa amin, “Sorry, kailangan na naming mauna.”

“Sorry, birthday pa kasi ni Bea [Alonzo]. Opo, sorry po,” paumanhin pa ni Angel.

RELATED STORY

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results