Rayver Cruz wants to do action-packed television series

by Rommel Gonzales
Oct 19, 2019
Rayver Cruz wants to do an action-packed TV show in GMA-7. He also talks about the impending finale of Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

Sa pagtatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ngayong Sabado, October 19, ay puro matitinding eksena ang sinabakan ni Rayver Cruz.

"Ang bibigat na ng mga nangyayari,” umpisang pahayag ni Rayver.

“Hindi kasi simple yung bawat shot, bawat eksena na ginagawa namin. Mukha lang nagiging madali pag pinapanood na pero pag ginagawa mo kasi...

“Kaya yung quality rin ng bawat scenes na kapag nagmumulto si Kris [Bernal], maganda lumalabas. Kasi, pinaghihirapan talaga.

“Saka siyempre, kakain talaga ng oras. Kasi nga, pinapaganda talaga ni Direk Jorron [Lee Monroy] kaya iyon yung okay dahil alam mong tutok si Direk Jorron sa bawat scene.

“Kaya pag lumabas, alam mong maganda yung eksena, yung pag-arte, yung shots, lahat, all-into one.”

Nakausap namin si Rayver sa gala night ng Babae at Baril (QCinema film fest entry ni Janine Gutierrez) sa Cinema 2 ng Gateway Mall, Cubao, QC.

May aral na natutunan si Rayver sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Continue reading below ↓

“Kasi, itong show na ‘to, hindi lang naman puro takutan, e. Nandito rin yung pagmamahal, iba’t ibang klaseng pagmamahal.

“Pagmamahal mo sa iyong asawa, sa iyong nobya, nobyo, at sa iyong naging pamilya. So siguro… naniniwala kasi ako na pag nagmahal ka, puwede talagang hanggang sa dulo iyan kahit na, di ba, pag sumakabilang-buhay ka naman talaga, mahal mo pa rin naman yung isang tao, e.

“So, sakto yung title.”

Naniniwala si Rayver na para sa pag-ibig ay kayang gawin ng kahit na sino ang kahit na ano.

“Oo naman, oo naman! For me, parang isa iyan sa mga importante talagang ano ng tao, ang pagmamahal.

“Doon ka kumukuha ng lakas, e. Parang doon mo rin kinukuha yung inspirasyon mo, e.

“Kung para sa pamilya mo, kung para kanino, alam mo yun? Ang pagmamahal talaga is everything.”

Pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko ay nais sana ni Rayver na makagawa ng isang proyekto na aksyon.

Continue reading below ↓

“Kasi, athletic ako, e, and magaling ang GMA sa action din, e. So, gusto kong mag-try, pero iyung kakaibang action na may twist, may bali, hindi iyung basta action lang.”

Isa si Rayver sa busiest Kapuso stars. Male lead siya sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, at nang nawala siya sa Studio 7 ay inilagay siya agad bilang main host ng The Clash.

“Oo nga, e!”

Ano ang mas matimbang para kay Rayver, ang acting o hosting/dancing?

“Sa totoo lang kasi, parang ang saya-saya ko pag mas naipapakita ko yung mga... I mean, kung kaya ko rin palang gawin, like yung hosting na ito yung first ko.

“Nagho-host naman ako like sa variety shows pag kailangan. Pero yung first ever hosting, tapos malaking show pa na The Clash, nakakatuwa lang. Kasi, hindi ko rin alam sa sarili ko na kaya pala.

“Nakakagulat, nakakakaba rin pero mas nae-excite ako. Kasi, there’s always room for improvement and gusto kong aralin pa nang husto or galingan, hanggang ngayon na thirty na ako.

Continue reading below ↓

“And ang tagal ko na sa business pero parang gusto ko laging natututo pa, natutuwa ako pag may bagong bagay pala ako na, ‘Uy, kaya ko pala yan!’

“And yung pagka-busy, well iyon, sobrang blessed and thankful ako talaga sa GMA network. Kasi nga, sa pagtitiwala na madaming blessings na ibinibigay sa akin.

“Of course, kay Lord God, and siguro nakabantay rin sa akin si mama na alam mo yun, na biglang nagsunud-sunod and nakakatuwa lang.

“Kasi, masaya ako pag ganito, e, mas malungkot ako pag walang ginagawa,” at tumawa si Rayver.

“Bukod sa walang trabaho, mas hinahanap ng katawan ko na parang... iyung maraming ginagawa.

“Lalo na noong kulang na kami, parang mas gusto mong wala ka sa bahay, kung kaya, di ba?”

Sumakabilang-buhay ang ina ng magkakapatid na sina Rayver, Omar, at Rodjun Cruz na si Mommy Melody “Beth” Cruz February 2 of this year dahil sa sakit na cancer.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz wants to do an action-packed TV show in GMA-7. He also talks about the impending finale of Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results