Kim Domingo still open to doing sexy projects again in the future

by Rommel Gonzales
Oct 18, 2019
Kim Domingo is still open to doing sexy projects again in the future.

Kinakaya ni Kim Domingo ang transition from her sexy image to that of a serious actress.

"Ano na talaga, iyon na iyung gusto ng puso ko! Ayoko nang mag-ano, mas gusto ko na mag-focus sa acting,” hirit ng leading lady ni Super Tekla sa launching film nitong Kiko en Lala.

“Thankful din ako, kasi naintindihan ako ng GMA, hindi nila ako yung parang, ‘Hindi, hindi puwede, kailangang mag-ganito ka!’

“Hindi, walang ganun.”

Paano kapag may offer na sexy na pelikula na alam niyang kikita?

“Iyon nga po ang sabi ko, depende talaga sa scenario, depende sa kuwento. Why not, di ba?

“Kasi, sabi ko, hindi ko naman po talaga totally isinasarado yung pintuan. Kasi, imposible naman na kung magkaroon ng project na maganda, di ba, tapos may halong ganun, di ba, why not?

“Kung para naman sa movie.”

Kung papipiliin ng leading man, sino ang gusto ni Kim?

Continue reading below ↓

“Si Alden (Richards), hindi ko pa nakaka-work. Si Kuya Dong (Dingdong Dantes), hindi ko pa nakaka-work.

“Si Tom (Rodriguez), naka-work ko na sa indie film. Si Dennis (Trillo), sa Juan Happy Love Story,” banggit ni Kim sa Kapuso leading men.

Sa female stars, idolo ni Kim si Marian Rivera na nakasama niya sa Super Ma’am.
“Si Miss Marian talaga!”

Kahit dalawang taon na ang nakalipas mula nang gawin nila ang telefantasyang Super Ma’am ay patuloy ang friendship nila sa pamamagitan ng kanilang Viber group.
Nakausap namin si Kim sa taping ng teledramang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko nitong October 4 sa Madison 101 Hotel sa Aurora Boulevard, QC.

Isa sa pinakamahirap na proyektong ginawa ni Kim ang horror series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na magtatapos sa Sabado, October 19.

“Kasi horror, e, tapos kailangan talaga mahaba rin ang patience mo, kasi hindi rin ganun kadali,” lahad ni Kim.

Continue reading below ↓

“For example, yung sa set-up, maraming kailangan diyan, yung mga lights, mga ganyan-ganyan.

“So, kailangan, patience po talaga.”

Pati sa acting ni Kim ay matindi ang requirement.

“Meron po akong switching, from mabait to salbahe. E, ang galing ni Kris (Bernal)!”

Sa istorya, sumasanib ang multong si Naomi (Kris) sa katawan ni Katya (Kim).
Unang beses na nakatrabaho ni Kim sina Kris, Megan Young, at Rayver Cruz sa isang teleserye.

“Sobrang ano kami, sobrang magaan po kami, tapos iyon, marami akong nalaman tungkol sa kanila.

“Like kay Megan, meron kaming mga pagkakapareho, like sa mga gamit. Kumbaga, siyempre Miss World, di ba, expected natin diyan, medyo ganun, pero nagulat ako, ‘Talaga, Megan,’ sabi ko, ‘Bumibili ka ng mga ganyan?’

“Meron akong nakitang pagkakapareho namin, sobrang simpleng babae, sobrang simpleng babae niya talaga.”

Isa si Kris sa mga aktres na hinahangaan ni Kim.

Continue reading below ↓

“Kahit may sakit na iyan, talagang nagwo-work siya!

“Kahit nilalagnat na, kahit wala nang boses iyan, nagna-Naomi pa iyan. Sobrang professional, sobrang hardworking nitong babaeng ito.

“Si Rayver naman, very gentleman si Rayver. Tapos makulit, tapos kuwela, pareho sila ng kapatid niya, si Rodjun.”

Naging guest si Rodjun Cruz sa HSDNBK bilang si Ben na asawa ni Katya (Kim).

Read Next
Read More Stories About
Kim Domingo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo is still open to doing sexy projects again in the future.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results