Lie Reposposa on life after PBB Otso: "Hindi na nangungutang masyado."

by Ruel J. Mendoza
Oct 24, 2019
Lie Reposposa got a chance to audition in PBB Otso through the help of It's Showtime.

Nagbalik sa entablado ng It's Showtime ang Pinoy Big Brother Otso housemate na si Angelie "Lie" Reposposa.

Isa si sa Lie sa celebrity contenders sa special edition na Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions sa naturang ABS-CBN noontime show.

Naging fan favorite si Lie sa PBB Otso, ang reality show kunsaan nanalo si Yamyam Gucong.

Nagsimula lahat iyon nang maging contestant si Lie noong 2018 sa Tawag Ng Tanghalan at sabihing matagal na niyang pangarap ang makasama sa Pinoy Big Brother.

Dahil sa sinabi niyang iyon on-air, napanood siya ng producers ng Star Hunt, ang audition caravan na nagsa-scout ng potential housemates for PBB, at binigyan siya ng pagkakataon na mag-audition.

Nakapasok nga sa PBB Otso si Lie, na binigyan ng nickname na The Teenig ng Tawanan of Davao, at nag-place pa siya 6th overall among 58 hopefuls.

Habang nasa PBB ay na-link si Lie sa fellow PBB housemate na si Seth Fedelin na nakilala bilang "Ang Hope-pool Son ng Cavite."

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Lie na wala silang naging relasyon ni Seth dahil best friend lang daw sila.

"Best friend lang po talaga kami… Pero humahanga po ako sa kanya kasi mabait, makulit din po, tapos malambing. Siya yung naging ka-close ko kasi siya yung nagko-comfort sa akin, siya po yung nangungulit, tapos siya po yung nagpapasaya sa akin doon."

Nali-link ngayon si Seth sa Kadenang Ginto co-star nito na si Andrea Brillantes.

Anyway, malaki na raw ang nabago sa buhay ni Lie pagkatapos ng kanyang PBB Otso experience. Gumaan na raw buhay ng kanyang pamilya sa Davao del Norte.

"Dati, nangungutang kami… Nakakaluwang-luwang na rin po. Hindi na nangungutang masyado,” kuwento ni Lie.

Noong nakaraang October 16, muling humarap si Lie sa mga host ng It’s Showtime at sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan. Inawit niya ay "Ang Buhay Ko."

Bagama't na-impress sa kanya ang mga hurado, hindi nakuha ni Lie ang champion title for the day at napanalunan ito ng theater actor-singer na si Gian Magdangal na siyang haharap sa iba pang celebrity winners ng Tawag Ng Tanghalan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lie Reposposa got a chance to audition in PBB Otso through the help of It's Showtime.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results