Willie Revillame names ABS-CBN personality who regularly watches Wowowin

by Ruel J. Mendoza
Nov 11, 2019

Binunyag ni Willie Revilllame kung sino ang ABS-CBN personality na regular na nanonood ng kanyang GMA-7 game show na Wowowin.

"Alam niyo po, kanina kausap ko si Kabayan Noli de Castro at tinanong niya, 'Yung mga batang guest mo sa Wowowin o dati pa, scripted ba yun?'

"Wala pong script sito kasi sila po ngayon ko lang nakilala" kuwento ni Willie sa November 8 episode ng Wowowin.

Pinasalamatan ni Willie ang Kapamilya news anchor nang sabihin niya: "Kabayan, salamat po. Kasi nanonood rin daw siya sa Facebook at YouTube bago siya matulog para nakangiti siya bago matulog."

WARNING AGAINST SCAMMERS

Nagbigay kamakailan ng paalala si Willie sa kanyang audience na mag-ingat sa mga scammers na ginagamit ang kanyang show para makapanloko.

Pinaalahanan ni Willie ang mga tao na mag-ingat ang mga taong naniningil ng bayad sa kanila para makapasok at makapanood sa studio.

Pinagdiinan ni Willie na walang bayad ang manood ng Wowowin.

“‘Wag ho kayo makikinig sa labas. Wala pong bayad ang manood dito. Walang bayad.

“'Wag kayo magpapaloko sa labas. Kung meron man kayong binibigyan ng pera, hindi po 'yan pananagutan ng GMA at Wowowin.

“Dito ho libre ang maglaro at libre ang manood. Basta magpa-book lang kayo.

“'Pag may humingi ng pera sa inyo sa labas o ano man, niloloko lang kayo.”

Na-flash pa sa TV screen ang paraan kung paano makapanood at makapaglaro sa studio:

Para maging studio audience sa Wowowin, mag-email sa wowowingma@yahoo.com.ph o kaya ay tumawag sa (02) 710-35-27 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 2 P.M. to 5 P.M. at hanapin si Martin Tamba.

Dagdag pa ni Willie na walang katotohanan ang mga kumakalat sa social media at pati na sa text na nagsasabing nanalo sila sa Wowowin.

Diin ni Willie na mananalo ka lang sa pagsali sa mga games ng Wowowin sa loob ng studio ng GMA-7.

“Saka ho yung mga ina-announce sa Facebook, Instagram, lahat ng 'yan, Twitter na nanalo kayo ng ganito. Hindi po totoo 'yan. Wala.

“Lahat ng panalo dito mangyayari sa loob ng studio ng GMA at Wowowin. Marami pong salamat.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results