Jeric Gonzales gets asked about "luhod" scene with Sheryl Cruz

by Rommel Gonzales
Oct 30, 2019
Jeric Gonzales says he did a sensuality workshop with Sheryl Cruz to prepare for their love scene in the GMA-7 teleserye Magkaagaw.

Mapangahas na si Jeric Gonzales. May love scene sila ni Sheryl Cruz sa GMA-7 drama series na Magkaagaw, at nag-underwear siya sa Bench pictorial.

“Kasi, dito na rin po talaga papunta. And then ito rin naman talaga yung ginagawa ko ngayon,” lahad ng 27-anyos na Kapuso actor sa mediacon ng Magkaagaw noong October 15 sa GMA Network Center, Q.C.

“Bini-build ko yung body ko, pinapaganda ko siya. Kasi ayun, napunta na ako sa Bench, nag-Bench Body na ako.”

Kinakarir ni Jeric ang pagwo-workout at diet.

“Iyon talaga ang ginagawa ko. Kasi, anytime dito sa mga eksena, hindi ko alam kung ano ang mangyayari, kung anong ipapagawa sa akin ni Veron [karakter ni Sheryl], kung anong gagawin namin. So, kailangang ready ako.

“Kaya pag walang taping, gym, talagang gym, gym, gym, workout, tapos strict diet.”

May eksenang “lumuhod” si Sheryl sa harapan ni Jeric.

“Hindi ko na rin alam kung paano ko nagawa yung eksena na yun,” at natawa si Jeric habang namumula.

Continue reading below ↓

“Siguro, iyon yung sinasabi ko na before and after, nagse-shake pa rin ako. Kasi, hindi ko alam kung ano yung kaba na nararamdaman ko since first time.

“Kasi, yung eksena, parang nilalabanan ko siya. Nilalabanan ko yung… I mean, nilalaban ko, kasi faithful ako sa asawa ko.

“Pero dahil iba siya, iba siya sa asawa ko, lalaki lang ako so…

“So, dapat po panoorin talaga.”

Sa tunay na buhay ba ay puwedeng umibig si Jeric sa isang babaeng mas matanda sa kanya?

“Oo naman po. Puwede naman. Pero hindi ko po siguro ma-imagine na sobrang laki ng age gap. Siguro, five or ten years, puwede.

“Kaya nung ginawa namin itong Magkaagaw, challenge talaga sa akin. Kasi, I respect Miss Sheryl so much, na to the point na sabi ni Direk [Gil Tejada Jr.], ‘Tanggalin mo yan, tanggalin mo yang respect na yan! Hindi mo puwedeng gawin yan.’

“Parang ganun. So paano?

Continue reading below ↓

“Kasi, sweet ako kay Miss She, nirerespeto ko siya. So, iyon, kaya nagkaroon kami ng sensuality workshop.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales says he did a sensuality workshop with Sheryl Cruz to prepare for their love scene in the GMA-7 teleserye Magkaagaw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results