PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame on new segment: "Naghahanap na po ako ng makakasama ko sa buhay."

Willie Revillame reveals he is looking to date women with these qualifications:
by Ruel J. Mendoza
Published Nov 1, 2019
In the new Wowowin segment called Wil You Date Me, Willie Revillame is open to dating females from ages 19 to 40 who are not married and have no children.

In search of true love na ba si Willie Revillame?

Sa October 25, 2019 episode ng Wowowin ay nag-emote si Willie na malungkot daw ang mag-isa. Tuwing uuwi raw siyang pagod, nag-iisa lang daw siya parati.

“Alam niyo sa January, magpi-59 na ako. Matanda na ako. Lagi lang ako nag-iisa 'pag umuuwi.

"Kumakain mag-isa. Naliligo mag-isa. Pagod na after nitong show. Ako lang mag-isa.

“Mahirap naman lagi ka lang mag-isa sa buhay. So ngayon ho meron kaming bago ditong pakulo. Naghahanap na po ako ng makakasama ko sa buhay.”

Mala-The Bachelor ang magiging search ni Willie para sa babaeng makakasama niya sa buhay.

Bukas ang search for females ages 19 to 40, walang anak at hindi pa nag-aasawa. Pagkakataon na ng masuwerteng babaeng ito para makasama ang Wowowin host.

Ani Willie tungkol sa new segment ng kanyang GMA-7 game show: “Magkakaroon po kami ng segment, ako po makakasama niya sa 'Wil you date me?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mag-o-audition kayo at 'pag pumasa kayo sa audition, susunduin kita sa iyong tahanan.”

Pinagdiinan pa ni Willie na para lang sa mga tunay na babae ang pa-search niyang ito.

Matagal nang single si Willie. Kinasal sila ni Liz Almoro noong 2005 at meron silang isang anak named Juan Emmanuel or Juamee. Ngunit naghiwalay sila ni Liz at na-annul ang kasal nila noong 2008.

Kinasal si Liz noong 2014 sa dating Kapuso actor na si Victor Aliwalas. Meron na silang anak named Maximus Alexander.

Kinasal din si Willie sa aktres na si Princess Punzalan noong 1990. Na-annul ang kasal nila noong 1997. Hindi sila nagkaroon ng anak. Kinasal noong 2005 si Princess kay James Field.

May anak naman si Willie sa kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano. Ang anak nila ay ang aktres na si Meryll Soriano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the new Wowowin segment called Wil You Date Me, Willie Revillame is open to dating females from ages 19 to 40 who are not married and have no children.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results