Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Megan Young dreams of tackling romcom project

by Rommel Gonzales
Nov 3, 2019
Megan Young thinks it would be a refreshing change of pace for her to dabble in a romantic comedy project: "Maiba naman."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kung siya ang tatanungin, isang romantic-comedy project ang susunod na nais ni Megan Young na ibigay sa kanya ng GMA-7.

Lahad niya, “Maiba naman. Puwedeng romcom naman? Gusto ko.”

Hindi pa raw siya nakakagawa ng romcom na serye kahit minsan.

Maganda sana kung ang real-life boyfriend ni Megan na si Mikael Daez ang makakapareha niya.

Kaya lang, may seryeng ginagawa si Mikael ngayon kasama sina Carla Abellana at Rhian Ramos, ang Love of My Life.

Aniya, “Okay lang sa akin kahit hindi si Mikael ang partner ko, para maiba naman.”

NOT CHOOSY WITH LEADING MEN

Nitong nakaraang taong 2018 ay magkasama sila ni Mikael (kasama si Katrina Halili) sa The Stepdaughters ng Kapuso network.

Ngayong 2019 naman ay si Rayver Cruz ang kapareha ni Megan sa katatapos lamang na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko kung saan kasama nila si Kris Bernal at Kim Domingo.

Sino ba ang gusto ni Megan na susunod niyang kapareha?

Continue reading below ↓

“Sino bang puwede? Kahit sino naman, hindi naman ako choosy.

“I’d be willing to work with anyone kasi it’s always a new experience naman working with new people,” pahayag ng former Miss World 2013.

Mas okay raw na iba-ibang tao ang nakakasalamuha niya, lalo na sa trabaho.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pagsang-ayon niya, “Oo! Kaya nga sabi ko kay Mik, parang okay na rin na matagal na tayong hindi mag-work muna na magkasama para…

"Lagi naman tayong magkasama, naka-work na kita so alam na natin kung anong work ethic natin.”

STrong and steady love life

Kumusta na ba sila ni Mikael?

Isa sila sa mga showbiz couples na marami ang excited na ikasal na.

Hirit niya, “Alam ninyo naman na ang sagot namin diyan.”

Sa tuwing itinatanong kina Megan at Mikael ang wedding plans nila, ang laging sagot ng magkasintahan ay mangyayari iyon sa tamang oras at lugar, at ayon kay Megan, hindi ngayong 2019 sila ikakasal.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa last taping day ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko noong October 16 sa Aurora Boulevard sa Quezon City.

MEGAN'S PROMISE TO MIKAEL

Ano ang pinakamatinding kayang gawin ni Megan dahil sa pag-ibig?

Ito ba ay ang matibay na pagmamahal niya kay Mikael at pagtanggi sa mga milyonaryong manliligaw niya noong kapapanalo pa lamang niya ng Miss World noong 2013?

Mabilis niyang tanggi, “Wala namang ganun.”

Walang mga milyonaryo o powerful na nanligaw sa kanya noong maging Miss World siya?

Paliwanag niya, “You know why? ‘Coz you don’t let it reach that point.

“Kasi pag may kunyari may parang lumandi nang konti, siyempre hindi mo naman ie-entertain yun.”

Binabara na niya agad kapag may ganoon.

Aniya, “And lagi kong sinasabi, ‘Yeah my boyfriend and I…’

“Lagi akong, ‘Yeah, my boyfriend and I we love to travel.’

Pero ano nga ang nagawa na ni Megan na matindi para sa pag-ibig?

Continue reading below ↓

Paglinaw niya, “I think Mikael’s more romantic than I, honestly. Siya talaga yung romantic, siya talaga. Ako naman yung parang chill lang.

“Pero one thing that parang I can always promise Mik is I’ll always be loyal to him. Always.

“And I’ll always be honest, iyon talaga.

"I may not be as crazy or as parang like, out-of-this world, anong gagawin mo para sa pag-ibig?

“Sa akin simple lang, pero alam ko na it means a lot.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young thinks it would be a refreshing change of pace for her to dabble in a romantic comedy project: "Maiba naman."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results