Jiggy Manicad recounts surviving super typhoon Yolanda via international documentary

Sa unang anibersaryo ng pagragasa sa bansa ng super typhoon Yolanda, isang international documentary ang mapapanood sa GMA News TV. Ito ay tungkol sa anim na oras na journey ng isa sa mga senior correspondents ng GMA News and Public Affairs na si Jiggy Manicad.



Sa darating na November 8, ang unang anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon Yolanda sa bansa.

Dahil sa sinasabing storm surge o daluyong na dulot ng naturang bagyo na may international name na Haiyan, napinsala nang husto ang ilang lugar sa Pilipinas partikular na ang Visayas region.

Naging sentro ng pananalasa ng bagyo ang probinsiya ng Leyte, lalo na sa may Eastern Samar at Tacloban.

Matapos ang halos ilang oras na pagbayo ni Yolanda sa bansa, bumulaga sa mundo ang kagila-gilalas na tanawin—ang nasirang mga lugar at kabuhayan pati na ang mga taong sinawimpalad na bawian ng buhay.

SURVIVING YOLANDA. Ilan sa mga saksi sa naturang trahedya ay ang mga local television reporters na naka-assign sa Tacloban.

Naranasan nila ang anila’y buwis-buhay na coverage nang manalasa si Yolanda sa Tacloban.

Ang senior correspondent ng GMA News and Public Affairs na si Jiggy Manicad—katuwang ang kanyang cameraman na si Ding Lagoyo at assistant cameraman na si Winston Lucas—ang unang nakapagbigay ng live report mula sa Palo, Leyte.

Kuwento niya, “By 3 a.m., November 8, malakas ang hangin, yung mga salamin namin [sa hotel] sumasabog na, ginising ko yung team ko, sinabihan ko na start na tayo magtrabaho.”

Ibang-iba daw talaga ang ugong ng hangin na kanilang naririnig.

Nakapag-report pa daw siya sa Unang Hirit at sa DZBB hanggang sa nawalan na sila ng signal sa kanilang puwesto.

Pagkatapos daw ng pagragasa ni Yolanda bandang alas dose ng tanghali, tumambad kaagad sa labas ng kanilang hotel ang maraming patay na tao at mga hayop.

Dahil nawalan ng signal ang kanilang kinaroroonan, naisip ni Jiggy na pumunta sila ng kanilang technical team sa remote satellite ng GMA sa Palo, Leyte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Jiggy sa pocket presscon nito para sa dokumentaryong Six Hours: Surviving Typhoon Yolanda na ginanap last October 29 sa 17th Floor ng GMA Network Center, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIX HOUR JOURNEY. Mula Tacloban, naglakad sina Jiggy papuntang Palo. Nakita nila sa kanilang mga dinaanan ang kalunos-lunos na itsura ng Tacloban.

Habang nasa daan, bini-video nila ang mga panawagan ng mga survivors sa kanilang mga kaanak.

Kahit sobrang pagod at walang makain, pinilit ng kanilang team na makarating ng Palo. Bandang alas-6 ng gabi, narrating nila ang satellite site ng GMA.

Dagdag pa ni Jiggy, “Pagdating namin dun sa set-up, nakakulong lang sila [technical team] sa truck. Lahat giniginaw, gutom.”

Dahil basa ang mga equipment, hindi sila kaagad nakapag-set up. Ang ginawa ng kanilang team, gumamit sila ng malalaking ilaw at binugahan ng mga industrial blower ang mga gamit para matuyo. Dahil brownout pa sa lugar, ginamit nila ang kanilang mga baterya ng truck para sa equipment nila.

Aniya, “Mga 10 minutes to 8 p.m., nakapag-set up na ang crew. So nakapag-live ako for two minutes sa 24 Oras. Yun na yung kauna-unahang live [report] nung day na yun.”

Matapos nito, naglakad muli sina Jiggy mula Palo hanggang Tacloban sa loob muli ng anim na oras.

Mapapanuod ang kabuuan ng Six Hours: Surviving Typhoon Yolanda sa darating na November 9, 8 p.m., sa GMA News TV na gawa ng U.S. production house na Big Monster Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN