Eat Bulaga mounts free show in Hong Kong; Paolo Ballesteros transforms into Katy Perry

Paolo Ballesteros (left frame), Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon and Joey de Leon led the Dabarkads who mounted a free show in Hong Kong. They performed at Chater Garden, Central District last November 2, 2014.



Record-setting ang dami ng tao na dumagsa sa free show ng Eat Bulaga sa Hong Kong kamakailan.

Ginanap ito sa Chater Garden sa Central District sa Hong Kong noong Linggo, November 2.

Ang sabi ng producer ng HK show ng Eat Bulaga na si Eric Quizon, ang expected nilang crowd ay around 5,000 people pero ang estimate nila na dumating ay nasa 10,000.

Dahil dito, medyo nagkaroon ng slight security nightmare dahil may kalayuan ang stage at dressing room area mula sa lugar na pagbababaan ng service bus ng Dabarkads.

On the way pa lang to Chater Garden ay nagkukumpulan na ang mga kababayan nating Pinoy sa kalsada pagkakita sa bus ng mga taga-Eat Bulaga.

‘Kagulo na sila sa kalsada at naghihiyawan na, lalo pa’t masipag kumaway-kaway sa bintana si Ryzza Mae Dizon at si Paolo Ballesteros na mala-Katy Perry ang ayos.

Hinahabol at sinusundan ng mga Pinoy yung bus, na sanhi upang magkatrapik-trapik na sa kalsada. Kinailangang umikot nang ilang beses ng bus para makahanap ng tamang tiyempo at para ihanda rin yung dadaanan papuntang backstage.

Medyo malayo ang nilakad ng Dabarkads, na inalalayan lang ng ilang staff na bumuo ng human chain para protektahan ang grupo.

May mga nanggigigil at hindi mapigilang hawakan at kurutin ang dumadaang Dabarkads, lalo na si Ryzza Mae na type lapirutin at pisil-pisilin ng mga fans.

Bakas sa mukha ng mga kababayan natin ang excitement na mapanood nang live ang EB! tropa.

Alas-tres nang hapon ang oras ng show, pero alas-sais pa lang nang umaga ay may mga nagpuntahan na sa venue at matiyagang naghintay.

Linggo kasi at karamihan ng mga OFW ay off sa trabaho kaya nag-converge sila doon sa Chater Garden na kilalang tambayan ng mga Pinoy sa HK.



SHOW GOES ON DESPITE TECHNICAL GLITCH. Si Jimmy Santos ang unang lumabas para batiin at pasiglahin ang crowd, na kahit medyo may kainitan ang panahon nu’ng hapon na ‘yon ay buhay na buhat at ang taas ng energy.

Ang Broadway Girls na sina Ruby Rodriguez, Julia Clarete at Pauleen Luna ang pambungad na nag-sing and dance sa opening production number.

Sumunod sa girls ang Broadway Boys na sina Allan K, Anjo Yllana, Keempee de Leon at Ryan Agoncillo. Biglang nasira ang sound system at nawalan ng audio habang nagpe-perform ang boys, nahatak yata ang mga kable sa dami ng tao.

Dahil sa technical problem, inaliw-aliw muna ni Allan K ang crowd, tapos ay tinawag niya sa stage sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Nang maayos na ang technical glitch ay inulit ang opening prod nina Ruby, Julia and Pauleen, na segue ulit sa prod nina Allan, Anjo, Keempee at Ryan.

From there ay tuluy-tuloy na kina Jose, Wally at Paolo, tapos ay kay Ryzza Mae na siyang nag-intro kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon.

Ang sabi ni Joey, 35 years ago na nang unang mag-show doon sa Hong Kong ang Eat Bulaga na sila-sila pa lang na TVJ nu’ng time na ‘yon.

Ngayon lang ito naulit at this time ay ang laki-laki na ng barkada nila.



WALLY SCARED OF VIDEOS? Naging patok sa audience ang mga kalokohan ng Jose-Wally tandem sa kanilang sariling portion.

Nag-ala Martin Nievera si Jose at nag-ala Gary Valenciano si Wally. Kinakantiyawan pa rin nang pasundot ni Jose ang partner niyang si Wally.

Ang sabi niya sa audience, bawal ang video dahil may phobia pa sa video si Wally.

Nu’ng may magsigawan ng, “I love you, Wally!!!” sa crowd, ang hirit ni Jose kay Wally ay, “Mas lumakas ang sex appeal mo!”

Naaliw rin ang audiences sa bagong mashup songs na inimbento ni Jose gaya ng Roar (ni Katy Perry) na naging Lord Patawad (ni Bassilyo), All of Me (ni John Legend) na naging Honestly (ng Harem Scarem), I’d Rather (ni Luther Vandross) na naging We Are the World (ng USA for Africa) at All My Life (ng America) na naging O Holy Night na Christmas song.




KATY PERRY LOOKALIKE. Naging mainit ang pagtanggap ng Hong Kong audiences sa "Makeup Transformation Queen" na si Paolo Ballesteros. Ginaya niya si Katy Perry sa pamamagitan ng pagsuot ng purple wig at beige dress bilang si Hello Katy Perry (o Catheter-y).





Applauded ang number ni Paolo nang i-lipsynch niya ang "Firework" ni Katy. Manghang-mangha ang fans sa ganda niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW






Nakakabilib si Paolo na 8 AM pa lang yata ay nakasuot na ng kadera (corset). After kasi mag-breakfast sa hotel ay nag-prepare na siya: naglagay ng body stockings, naglagay ng makeup sa sarili niya at nagsuot ng violet wig.

At dahil mahaba-habang lakaran ang ginawa ng Dabarkads ay dusa si Paolo nang lakarin niya ang perimeter ng Chater Garden nang naka-high heels at naka-mini dress.

Sa greeting portion ng Barangay Boys na sina Jose, Wally at Paolo ay ang dalas itaas ni Pao ang kamay niya habang binabati ang audience.

Kaya hiniritan siya ni Bossing Vic ng, “Dahan-dahan ka, lumalabas na ang ‘nanay’ mo!”

Medyo maiksi kasi ang beige-colored mini-dress ni Pao kaya pagtaas niya ng braso ay puwedeng masilip ang kanyang harapan.

Hirit naman ni Hello Katy Perry kay Bossing, “Diyan nakatago ang Dragon Ball Z!!”



PLAYING GAMES WITH OFWS. Tulad ng ginagawa sa noontime show nila, may Pinoy Henyo portion kasama sina Bossing Vic, Henyo Master Joey, Anjo at Jimmy.

Ang gagaling manghula ng mga taga-Hong Kong na sumali at nakuha nila ang lahat ng words.

Nag-Wiggle dance showdown sina Ruby at Pauleen. Kumanta ng OPM songs sina Julia at Keempee, tapos ay nag-Talk Dirty dance prod sina Allan, Anjo, Ryan at Paolo. Bigay na bigay sa pagkembot si Ryan.


Tuwang-tuwa ang Hong Kong crowd kay Ryzza Mae. Bukod sa kanyang Itaktak Mo dance number with the EB Babes ay may pa-stop dance contest pa si Aleng Maliit with some audience members na nagpatalbugan ng sayaw sa stage.

“Hello, Heng Keng! How are you?” ang bati ni Ryzza sa audience. Sabi niya kay Bossing, ganu’n mag-greet ang sosyal at yayamanin.

Panay naman ang tawa ng mga manonood sa mga kakulitan at kakyutan ni Ryzza.

Ang TVJ ay may karaoke prod sa bandang ending. Finale naman ang comedy sketch ni Allan K na tungkol sa mga Bisaya at ang kanyang walang kupas na Miss Universe contest.



SECURITY CONCERNS. Sa dami ng tao ay medyo na-tense si Eric Quizon na in charge sa pagpunta roon ng Eat Bulaga. Pero tuwang-tuwa ang HK-based actor-director na pinagbigyan ng Dabarkads ang hiling ng PLDT-HK at SMART Pinoy na mag-show doon ang EB.

Maging ang mga Hong Kong police ay medyo nag-alala sa safety ng mga tao dahil ngayon lang din sila nakakita ng ganu’n kalaking crowd.

Sa Chater (pronounced as "Chayter" katunog ng hater) Garden madalas mag-show ang mga Pinoy celebrities na pumupunta ng Hong Kong.

Ayon sa isang Pinay na 23 years nang nakatira sa Hong Kong, ito ang biggest crowd na nasaksihan niya sa lugar na ‘yon.

Kahit may ilang mga nagtulakan at yung iba ay hinimatay pa dahil sa siksikan, maayos naman ang crowd at hindi nagkagulo.

Pinagsabihan lang silang ingatang huwag masira ang mga halaman dahil garden ‘yon at maraming plants and flowers sa paligid na puwedeng matapak-tapakan at ma-damage.

Ang event na ito ang matuturing na maagang Pamasko ng Eat Bulaga para sa mga kababayan natin sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN