Glaiza de Castro tackles heavy drama role in Magpakailanman

by Rose Garcia
Nov 23, 2019
Glaiza de Castro on reprising heavy drama role for her Magpakailanman guesting stint: “Na-miss ko siya and at the same time, nandoon pa rin yung feeling ng kaba everytime na may gagawin akong ganito ka-heavy."
PHOTO/S: Noel Orsal

Unang pagkakataon daw ni Glaiza de Castro na makagawa ng heavy drama mula noong bumalik siya sa U.K. kunsaan nag-aral siya ng music composition.

Excited ang aktres sa Magpakailanman episode niya na pinamagatang "Baliw" na eere ngayong gabi.

“Nang bumalik ako from the U.K, ngayon pa lang ako nakagawa ng heavy drama. #MPKBaliw pero, hindi ako baliw. Hindi talaga,” pahayag niya tungkol sa true-to-life character na ginampanan.

“Yung character ko, yung napangasawa ko, yung mga magulang niya, hindi ako gusto.

"Galing kasi ako ng Cagayan de Oro, nag-trabaho sa Maynila pero may anak sa unang jowa.

“Una pa lang, hindi na ako type ng nanay ng jowa, played by Pancho Magno and yung nanay, si Ms. Snooky Serna.

"Kahit na tina-try kong i-please sila, pakisamahan, walang nangyayari.

“One time, sinabi nila na tutulungan akong makauwi ng Cagayan para makuha ang anak ko.

"Dinala nila ko sa Mental [Hospital]. Doon nanggaling ang word na baliw kasi, pinalabas nila na baliw ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza kahapon, November 22, sa GMA-7 nang mag-anchor ito sa Chika Minute ng 24 Oras.

Hindi naman daw nanibago si Glaiza sa heavy drama. Mas na-miss daw niya ito.

Sabi pa niya, “Na-miss ko siya and at the same time, nandoon pa rin yung feeling ng kaba everytime na may gagawin akong ganito ka-heavy.

“Ewan ko, siguro, kailangan kong kabahan para hindi ka maging complacent. Para hindi ka maging kampante. Kapag hindi ka kinakabahan, hindi mo na aaralin ang lines mo, kumbaga, masyado kang magtitiwala sa sarili mo.”

IRISH BOYFRIEND ENJOYS PH VISIT

Unang beses din daw na naisama niya ang Irish boyfriend niyang si David Rainey sa taping niya. Kasalukuyan itong nagbabakasyon sa bansa.

Kuwento ni Glaiza, “Ang tagal naming nag-uusap lang sa telepono kapag nasa Ireland siya 'tapos ako, nandito.

“Dini-describe ko sa kanya na, 'O, ‘eto, may mga eksena kami na ganito, ganyan na hindi niya napi-picture. Na parang kung hindi ko ipapadala ang video, hindi niya maiintindihan ang video.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Since nandito nga siya for a few weeks, siyempre, gusto rin naming i-maximize at gusto ko rin na maipakita na ito ang klase ng trabaho na meron ako para rin first hand, ma-experience niya.”

Ano ang naging reaction ng boyfriend niya habang pinapanood siyang umaarte?

“Hayun, medyo hindi niya naiintindihan dahil unang-una, yung language. Medyo binabase niya lang sa action.

“Pero napa-fascinate naman siya. Natutuwa siya kapag nakikita niya ko sa TV,” masayang kuwento ni Glaiza.

Hindi naman daw nila nagiging isyu ni David ang pagiging aktres niya at kung may ilang intimate scene man siya.

Patuloy niya, "Pero dito sa Magpakailanman, may proposal. Parang yung character ni Pancho, magpu-propose siya sa akin then, nag-hug kami in the end.

“'Tapos, parang may weird feeling lang daw siya. Parang nakakapanibago.”

Ano ang exact word sa kanya ng boyfriend?

“Weird, weird daw,” natawang sabi ni Glaiza.

Ang boyfriend niyang si David ay isang professional surfer. Malayong-malayo ang mundo nito sa mundong ginagalawan ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa naman si Glaiza nang tanungin namin kung ano ang komento sa kanya ni David bilang isang aktres dahil napanood na nito ang pelikula niyang Liway, kunsaan may tatlong Best Actress trophy na siyang napalunan, kabilang na ang kamakailan lang na 5th Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University.

“Wala, wala nga siyang comment,” natawang sabi niya.

“Basta sabi niya lang, sobrang proud daw siya. Nakakatuwa raw, especially Liway, sobrang gustung-gusto niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on reprising heavy drama role for her Magpakailanman guesting stint: “Na-miss ko siya and at the same time, nandoon pa rin yung feeling ng kaba everytime na may gagawin akong ganito ka-heavy."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results