Mel Tiangco recalls most harrowing Magpakailanman episode

by Rommel Gonzales
Nov 30, 2019
Magpakailanman host Mel Tiangco recounts the most harrowing episode they've featured all throughout their seven years on-air: “Iba yun, iba yun! Kaya sinasabi ko sa inyo, ako man din, tinatantiya ko rin yung sarili ko kasi puwede kang maapektuhan ng mga ganyang klaseng mga kuwento."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nakausap ng piling members ng media si Mel Tiangco sa mediacon para sa 7th anniversary ng Magpakailaman kung saan si Mel ang host.

“Yes, itong second salvo,” ayon kay Mel.

Ginanap ang mediacon para sa anniversary ng Magpakailanman kahapon, November 27, sa 17th floor ng GMA Network.

Nilinaw ni Mel na hindi kasama sa ipinagdiriwang nilang 7th anniversary ang mga taong nag-off-the-air o "namahinga" ang naturang Kapuso program.

KEEPING PROPER PERSPECTIVE

Sa dami ng mga nai-interview ni Mel na mga tao na ang buhay ay isinadula sa Magpakailanman, paano nakakaapekto sa kanya ang mga kuwento ng buhay ng mga ito, lalo na ang mga may pinagdaanang sakit, lungkot at trahedya sa buhay?

Pag-amin niya, “Alam niyo, hindi madali na mag-interview ng isang tao na may dinadala—may dinadalang sama ng loob, damdamin, pain, you know.

“A person who is in pain whether emotionally or physically, pag iyon ang kausap mo, hindi madali iyon.

Continue reading below ↓

“Napakalalim na paninimbang ang dapat mong gawin sa iyo.

“Dapat kausapin mo siya nang hindi madaragdagan yung kunsumisyon niya, yung damdamin niyang masakit, yung mga hugot niya, hindi ka dapat dumagdag.

“But at the same time, kailangan din objective ka naman din, di ba?

“Kasi baka ikaw naman yung... baka sa iyo naman sumalin. This is a real psychological situation, a situation in psychology.

“Pag may kausap kang tao na may hugot, may dala-dala, e medyo tantiyahin mo rin yung sarili mo, na hindi lumipat sa iyo o hindi ka maapektuhan nung dinadala niya.

“So kung sasabihin ko sa iyong hindi ako naaapektuhan, mali naman yun.

“Kaya lang, talagang conscious ako na huwag akong magpaapekto, at the same time that I try to understand the situation of the person that I am interviewing.”

HARROWING STORY

May isang partikular na episode na naapektuhan si Mel, isang nakagigimbal na kuwento.

Pagbabalik-tanaw niya, “Naku po! Yung ina na kinain yung anak niya!

Continue reading below ↓

“Mayroon kaming kuwentong ganyan. Siyempre bilang isang ina rin myself, at may anak din ako, tatamaan ka nun, e!

“Hindi mo sukat akalain na maaaring mangyari yun sa mundong ito.

“Puwede ngang oo, marami kaming nakakadaupang-palad na mga inang nambubugbog sa anak, merong ganyan e, di ba?

“Pero yung ina na kakainin yung anak niya?

“Iba yun, iba yun! Kaya sinasabi ko sa inyo, ako man din, tinatantiya ko rin yung sarili ko kasi puwede kang maapektuhan ng mga ganyang klaseng mga kuwento.

“Ngayon ano’ng ginawa ko?

“Nung gabing yun nagdasal ako. Ipinagdasal ko yung bata, ipinagdasal ko yung ina, ipinagdasal ko yung kanilang... well, the husband and the family at humingi ako ng lakas ng loob sa Panginoon.”

HIPON GIRL MAGPAKAILANMAN DEBUT

Samantala, ngayong Sabado, sa unang pagkakataon ay mapanonood sa Magpakailanman ang viral sensation at Wowowin co-host na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Pagbibidahan niya ang isa sa mga anniversary special ng Magpakailanman na pinamagatang "Yaya Dubai and I" kunsaan gaganap si Herlene bilang si Jenny, isang overseas Filipino worker (OFW) na makikipagsapalaran sa Dubai.

Continue reading below ↓

Kasama rin niya sa naturang episode ang Kapuso child actor na si Euwenn Aleta, Mike Agassi, Vaness del Moral at ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon.

Mapapanood ang Yaya Dubai and I ngayong Sabado, November 30, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magpakailanman host Mel Tiangco recounts the most harrowing episode they've featured all throughout their seven years on-air: “Iba yun, iba yun! Kaya sinasabi ko sa inyo, ako man din, tinatantiya ko rin yung sarili ko kasi puwede kang maapektuhan ng mga ganyang klaseng mga kuwento."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results