Xian Lim reacts to being replacement of John Lloyd Cruz in new Kapamilya teleserye

"I can't really speak on his behalf. I'm just really thankful and I'm excited and I will give it my all to make everything work," says Xian Lim (left) when asked about replacing John Lloyd Cruz (right) in ABS-CBN's upcoming TV series, Bridges.



Hindi isyu para kay Xian Lim kahit pa na tila lumalabas na second choice siya sa kanyang gagampanang papel sa Bridges.

Ito ang upcoming ABS-CBN teleserye na pagbibidahan nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador.

“Nakakadalawang taping day na ako.”

“I'm really excited to begin wth the soap.

“Laking pasasalamat ko sa Star Creatives dahil pinagkatiwalaan nila ako for this project,” paunang pahayag ni Xian.

Si John Lloyd ang inaasahang makakatambal nina Jericho at Maja, ngunit sa huli ay nagdesisyon si JLC na mag-back out mula sa naturang proyekto.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Xian sa press conference ng pelikulang Past Tense na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater ngayong araw, November 11.

Dito ay inamin ni Xian na malaki ang pressure sa kanya na mas pagbutihan ang kanyang trabaho, lalo pa't si John Lloyd ang dapat sanang gaganap sa kanyang role.

Ngunit kahit pa may posibilidad na pagkumparahin sila, handa si Xian na patunayang karapat-dapat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN management.

“Yes, of course, there's added pressure knowing that it came from him [John Lloyd].

“But I can't really speak on his behalf.

“I'm just really thankful and I'm excited and I will give it my all to make everything work,” saad ni Xian.

Nauna nang ipinahayag nina Jericho at Maja na nakaramdam sila ng panghihinayang nang malamang nag-back out si John Lloyd.

READ: Jericho Rosales reveals Xian Lim takes place of John Lloyd Cruz in teleserye

Ganunpaman, masaya si Xian dahil buo ang suporta sa kanya ng kanyang co-stars na sina Jericho at Maja.

Lahad pa ng 25-year-old actor, “Yeah, [nagkausap na kami ni Jericho]. Sabi niya he's really happy na I'm working with him.

“Sinabi niya yun sa interview niya na [he's] really excited and his prayers are going out to me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga sa kanya isang karangalan na makasama ko sila [ni Maja].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN