Kris Bernal quips, "Bawal na akong umalis ng GMA!"

by Rommel Gonzales
Dec 18, 2019
Kris Bernal on why she loves working in GMA-7: "Even yung mga bosses namin, mga artista, alam mo yung walang competition, walang inggitan, walang bias. Lahat, fair ang treatment."
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinarangalan si Kris Bernal bilang Most Outstanding TV Actress of 2019 ng Gawad Amerika Awards noong November 23, 2019 sa Hollywood, California, USA.

“Super grateful, super thankful. Kasi, siyempre, iba rin na kumuha ka ng award sa ibang bansa, di ba? And recognized ka ng mga Filipinos abroad, ng mga Filipino communities sa iba’t ibang bansa, so nakakataba rin ng puso.

“And alam mo naman ako, dream ko lagi, gusto ko lagi ng mga awards, ganyan, di ba? Alam mo namang malaking bagay sa akin yang mga ganyang awards.”

Noong November 15 ay lumipad patungong U.S.A. si Kris.

“Nagbakasyon na rin ako sa bahay namin sa L.A., so yun, tapos tinanggap ko yung award.”

Habang tinatanggap ni Kris ang naturang award ano ang nararamdaman niya?

“Siyempre, nung una, parang super-overwhelmed talaga ako. Kasi, parang I can’t believe na nasa Hollywood ako to receive an award and surrounded pa ako ng iba’t ibang Filipinos, iba’t ibang awardees din, na talagang best in their chosen fields, ganyan. So, talagang nakaka… hindi ako makapaniwala.”

Bukod sa Gawad Amerika Awards ay meron na rin si Kris na star sa Walk of Fame sa walkway ng GMA Network.

Ano ang naisip niya the moment nalaman niya na may star na siya sa Walk of Fame?

“Sabi ko, bawal na akong umalis ng GMA! Charing!” at tumawa si Kris.

Kailan niya nalamang kasama siya sa Walk of Fame 2019?

“Nasa States pa lang ako, sinabi na sa akin yung Walk of Fame, though, di ba, sa Eastwood, kasi may Walk of Fame din? May star na din ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kay Kuya Germs, tapos ngayon, siyempre sa GMA naman...

“Siyempre, alam mo na naiisip ka ng GMA, nandiyan yung tiwala nila sa ‘yo, andiyan ang suporta nila sa ‘yo, and yun nga, sa dinami-dami ng stars ng GMA, I’m sure, talagang well-chosen lang yung mabigyan ng isang Walk of Fame star.

“So, thankful talaga ako. Ibig sabihin, may career ako,” ang tumatawang bulalas ni Kris.

Loyal Kapuso si Kris…

“Ang gaan-gaan kasi katrabaho ng GMA. Lahat ng request mo or kung mapagbibigyan nila, pagbibigyan nila. At saka even yung mga bosses namin, mga artista, alam mo yung walang competition, walang inggitan, walang bias. Lahat, fair ang treatment, so feel ko dahil dun. Parang home talaga yung GMA for me.”

Ano ang Christmas plans niya?

“Wala, dito lang ako sa Manila. Wala pa naman, kasi nagbakasyon na ako sa States. So, okay na ko dun. Most likely, magse-stay ako sa Manila for Christmas.”

Ano ang best thing na nangyari kay Kris ngayong 2019? Iyon bang Walk of Fame star niya at Gawad Amerika award?

“Yeah. Siguro for me, ha, it’s because ang tagal ko na sa industry, for 12 years, so kumbaga, gamay na gamay ko na din ‘tong industriya na ‘to.

“Pero getting into the business side, yung magtayo ako ng mga negosyo ko, dun ako parang ang dami kong natutunan. Tapos, naging successful din sila.

“So, parang it’s a different kind of accomplishment as an actress. At least, hindi lang ako naka-box dito sa industriyang ito, ang dami ko ring ginagawa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang gusto niyang matanggap na Christmas gift?

“Kahit kanino?”

Wedding ring from Perry Choi na non-showbiz boyfriend niya?

“Ha! Hindi pa, hindi pa ko ready, hindi pa naman.

“Ayoko na, kasi… well siyempre, madami tayong gustong material things, di ba? Pero siguro na lang, ang material things kasi, parang makukuha mo naman yun, e.

Siguro, ang Christmas gift na lang na gusto ko, prayers na lang.”

Prayers of what?

"Prayers of career and at the same time, prayers na rin sa mga nasalanta ng bagyo, ganun na lang, huwag nang material.”

Nakausap namin si Kris nitong December 12, Huwebes, sa 17th floor ng GMA Network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on why she loves working in GMA-7: "Even yung mga bosses namin, mga artista, alam mo yung walang competition, walang inggitan, walang bias. Lahat, fair ang treatment."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results