My Husband's Lover director on International Emmys nomination: "Natupad ang aming hangarin na mabigyan ng boses ang LGBT community."

Director Dominic Zapata on My Husband's Lover being nominated in 2014 International Emmy Awards: “It was really a breakthrough for Philippine drama viewing.”


Lilipad patungong New York ang director ng GMA-7 primetime teleserye na Hiram Na Alaala na si Dominic Zapata para mag-attend ng 2014 International Emmy Awards.

Nominated kasi ang kanyang 2013 Kapuso drama na My Husband’s Lover para sa Telenovela category ng naturang award-giving body.

Makakalaban ng My Husband’s Lover ang mga telenovela mula Canada (30 Lives), Portugal (Belmonte) at Brazil (Precious Pearl).

Sa November 24 magaganap ang gala awards night ng International Emmy Awards sa New York City.


(Read: My Husband's Lover nominated in 42nd International Emmy Awards)

TEAM EFFORT. Sobrang tuwa at excited si Direk Dom nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location taping ng Hiram Na Alaala last November 14 sa Paltok, Quezon City.

Earlier daw ay natanggap niya ang news na nominated sila ni Dennis Trillo para sa Asian TV Awards for Best Actor at Best Director para rin sa My Husband’s Lover.

Tapos ay natanggap niya ang good news na nominated ang My Husband’s Lover sa International Emmy Awards.

“It’s not just a victory of one person kundi ng lahat ng taong involved sa pagbuo ng My Husband’s Lover.

“Kaya nga nakakatuwang malaman that the show was nominated for best telenovela. It means that it’s for the whole team—lahat kami naghirap na mabuo ang show na iyon.

“Sa lahat naman ng mga teleserye na ipagkatiwala sa atin ng GMA, lagi kong binibigyan ng importansya ang staff na katrabaho ko.

“It’s always a team effort.

“Hindi ko naman magagawa ng maayos ang show kung ako lang, ‘di ba?

“I always give credit to the many people na kasama natin parati sa puyatan. From the wardrobe people to the make-up people, mga production assistants to the utility.

“Lahat sila ay may kinalaman sa My Husband’s Lover and if we do win, it will be the victory of the whole team,” diin pa ni Direk Dom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ARTISTIC BREAKTHROUGH. Nagpapasalamat din si Direk Dom na kahit na noong nakaraang taon pa natapos ang My Husband’s Lover, patuloy pa rin ang natatanggap nilang mga papuri at pagkilala, hindi lang dito sa Pilipinas kundi hanggang sa mga international award-giving bodies.

“It was really a breakthrough for Philippine drama viewing. Hindi lang dito sa atin kundi pati na sa ibang bansa kunsaan umeere ito ngayon.

“We had one goal noong gawin namin ang napakakontrobersyal na istorya na iyon. That is that many people will open their eyes sa katotohanan na merong ganitong mga tao sa paligid natin.

“It’s a love story. Plain and simple. Pero ang mga bida namin ay dalawang lalake and the people who are affected sa pagmamahalan nila.

“We also did the project para na rin sa mga kapatid natin sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transexuals). Ito ang kuwento na matagal na nilang gustong mapanood ng marami at ginawa namin iyon.

“Sa pagbigay nga ng pagkilala ng isang international award-giving body sa My Husband’s Lover, natupad ang aming hangarin na mabigyan ng boses through the teleserye ang LGBT community.

“Kaya labis ang pasasalamat naming lahat. It’s not just for us but damay na ang buong bansa natin sa binigay nilang importansya sa My Husband’s Lover,” ngiti pa niya.

Excited ngang um-attend si Direk Dom dahil first time niyang um-attend ng ganitong klaseng awards night.

WARDROBE BLUES. Sa ngayon, una muna niyang inasikaso ang kanyang isusuot sa paglakad niya sa red carpet.

“Dun ako mas na-stress yata. Kung ano ang isusuot ko sa gala night!” tawa pa niya.

“Kasi nakalagay business-casual. So ano ba dapat? Considering na malamig na ngayon sa New York, ‘di ba?

“E, napakapartikular ko when it comes sa isusuot ko. At first time ko nga, gusto ko na maganda ang maging impression ng foreign press sa ating mga Pinoy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Asian TV Awards naman ay magaganap sa December 11, at si Dennis Trillo ang dadalo sa awards night nito sa Singapore.

Ang mga kalaban ni Dennis sa category na Best Actor in a Leading Role ay sina Pierre Png (Zero Calling, Singapore); He Shengming (Love of OB & GYNS, China); Ban Tieh-Hsiang (My Super Dad, Taiwan); Zhai Tianlin (The Master of the House, China) at Pierre Png (The Journey: A Voyage, Singapore).

Sa Best Direction category naman, ang makakalaban ni Direk Dom ay sina Tony Tilse (Serangoon Road, Singapore); Aditya Thayi (I Wouldn’t Go In There: Hong Kong Haunted School, Hong Kong); Lee Thean-jeen and Ler Jiyuan (Zero Calling, Singapore); Donovan Chang (Hidden Cities Extreme Season 2, Singapore) at Kate Siney and Jenny Ewig (Access 360 World Heritage Series 2: Sagrada Familia, Hong Kong).

SAME TIME NEXT YEAR? Sa kabila ng galak sa pagkaka-nominate ng My Husband's Lover ngayong taon, wish pa rin ni Direk Dom na sana next year ay muling mapansin ng Asian TV Awards at International Emmy Awards ang ginagawa nilang teleserye ni Dennis ngayon na Hiram Na Alaala.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN