Businesswoman Cristina Decena faces brighter prospects for 2020

by Rommel Gonzales
Jan 19, 2020
Businesswoman and travel/lifestyle host Cristina Decena kicks off the new year with a clean slate and brighter prospects for her business ventures, as she moves on from past issues and controversies.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Masaya at maayos na maayos na ang mundong ginagalawan ng negosyante at travel/lifestyle host na si Cristina Decena.

Lahad niya, “Yung 2019, pagdating sa health, okay naman. Yung health ng lahat ng mga anak ko, okay naman.

“Pagdating sa business, sobrang okay. Parang ito yung pinakamagandang year ko pagdating sa pagnenegosyo.

“At tsaka yung sa mga development ng kaso...

"Isipin mo naman, na-ambush ako, after six weeks bumalik lahat yung mga title na nakuha sa akin ng mga land-grabbers, nabalik lahat...

“Na parang yung cost of money mo, parang dumoble, nag-triple, kasi yung halaga ng real estate, lumaki rin naman.

“So bukod sa nawalan ako ng threat sa buhay dahil magkakasundo na kami, humingi na ng tawad, at least yung kabuhayan, at tsaka yung hard-earned money ng mga investors ko, at least maibabalik ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristina noong December 19 sa opisina niya sa Antel Spa & Suites sa Makati City.

Continue reading below ↓

May ilang tao na nagkaroon ng atraso kay Cristina sa usapin ng lupa at pera, pero maayos na raw ito.

Umabot pa nga ito sa pagtangkang pag-ambush kay Cristina sa pamamagitan ng pamamaril sa kanyang sasakyan noong August 2013, pero maging ang tungkol dito ay naresolba na rin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Patuloy niya, “Nakiusap sila sa akin na kung maaari, mag-amicable settlement.

"Ayos na. Pinatawad ko na sila. Humingi sila ng tawad.

"Sabi ko, ang Diyos nga nagpapatawad. Ako pa kaya na tao lang, di ba?

“So kung magpapatawad ako, at least, yung lahat ng mga nakuha nila sa akin maibabalik, at kung ano rin yung nakuha ko sa tao, maibabalik ko.

"Dahil domino effect iyan e, di ba? So ayos na kami.

“'Tapos, yung pagdating naman sa negosyo, yung mga anak ko sila na yung…

"Yung isang anak ko, siya ang nangangasiwa ng Belleza De Cristina Aesthetic Clinic.

"Iyon ang isa sa pinakamagandang business ko ngayon kasi maganda pala yung meron kang isang anak na nakatutok dun.

Continue reading below ↓

“Yung isang anak ko, nagpakadalubhasa sa pagpapaganda, yung bunso. Magaling maglagay ng eyebrows, magaling mag-ayos ng eyelid—basta lahat ng tungkol sa pagpapaganda."

HER CHILDREN MANAGING HER BUSINESSES

May peace of mind na si Cristina dahil nga sa mga anak niya na nag-aasikaso ng mga negosyo niya.

Saad niya, “So nag-o-oversee na lang ako. Yung isa naman nakatutok sa school, yung school niya nagsimula sa isa, naging dalawa, tatlo, ngayon mag-aapat na.

“Nakakapagbigay ng magandang edukasyon sa mga bata. Yung isa naman, iyon ang nangangasiwa ng Signatures by Cristina, 'tapos yung dalawang anak ko, tapos na ng pagka-piloto.”

Parehong piloto sa high-end na Balesin resort ang dalawang anak ni Cristina, isang babae at isang lalaki;

Cristina rin ang pangalan ng babaeng pilotong anak niya na isa ring blogger at businesswoman.”

Sobrang relaxed na si Cristina ngayon.

Pagpapasalamat niya, “Yung aking pangako sa buhay ko na magreretiro ako by 2020, matutupad na.”

Continue reading below ↓

Pero paglilinaw ni Cristina, hindi naman raw siya tuluyang hihinto na sa pagtatrabaho.

Aniya, “Hindi na ako magiging sobrang busy. Siguro kung gagawa ako ng bahay, isang bahay na lang isang taon.

“Kasi okay na, e. Wala na akong dapat pang sobrang magsumikap dahil may pinag-aaral.

"Wala na, e. Okay na sila.”

May construction business din si Cristina at bukod dito ay may lifestyle/ travel show siya—ang The Good Life na napapanood sa YouTube twice a month.

Pagmamalaki niya, “Ipapakita dito yung mundong ginagalawan ko, na pagkatapos mag-asikaso ng negosyo, ito yung totoong ako.

"Dito ako pumupunta, heto yung mga taong tinutulungan ko.”

Season break ng travel show ni Cristina na Business Flight kung saan co-host niya si Venus Raj. Pansamantala ay may episode naman ng The Good Life kunsaan magiging guest co-host niya si Venus.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businesswoman and travel/lifestyle host Cristina Decena kicks off the new year with a clean slate and brighter prospects for her business ventures, as she moves on from past issues and controversies.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results