Lotlot de Leon describes intimate lesbian scenes with Gloria Diaz as "very personal"

by Rommel Gonzales
Feb 5, 2020
Lotlot de Leon (wearing black) is cast as the lesbian lover of Gloria Diaz in the iWant digital series The Beauty Queens.
PHOTO/S: Dennis Evangelista Facebook page

Lesbian lover ni Gloria Diaz ang papel ni Lotlot de Leon sa iWant digital series na The Beauty Queens.

Unang beses na gaganap si Lotlot sa ganitong klase ng papel, at may intimate scenes sila ni Gloria.

“I was very excited, the script is beautiful, ang ganda po talaga ng istorya niya,” lahad ni Lotlot.

“It’s a beautiful story about family, hindi siya iyong the usual na istorya tungkol sa isang pamilya na lagi mong napapanood.

“Marami siyang plot twists, marami siyang revelations, so, isa siyang dapat abangan na istorya.”

Gaano ka-daring ang eksena nila ni Gloria?

“Actually, it’s very… hindi siya sobrang daring, it’s more of intimate, very intimate, very personal. So, hindi po siya malaswa or anything.”

Insinuating lang?

“Yes, opo, there’s actually a relationship, but it was shown on more on the romantic side, not the physical side.”

May halikan o laplapan ba sila ni Gloria?

“Ay, kailangan ninyong abangan!”

Continue reading below ↓

Paano naghanda si Lotlot sa papel niya bilang isang tomboy?

“Actually, pag binasa mo kasi iyung script, makaka-relate ka na sa kanya, it’s just that tomboy siya, pero iyong pagmamahal at saka iyong affection niya, is the same as any other human being.

“Kaya lang, iyon nga, lesbian siya. So, hindi siya mahirap intindihin, hindi mahirap kunin iyong character ni Precy. Kasi, lahat naman… kasi, maiintindihan mo siya.”

Anong klaseng tomboy siya?

“Parang lipstick.”

Pinangarap ba ni Lotlot na isa sa mga anak niya ay maging beauty queen?

Tatlo ang anak nilang babae ng dati niyang mister na si Ramon Christopher: sina Janine, Jessica, at Maxine Gutierrez. Nag-iisa ang lalaki, si Diego Gutierrez.

“Hindi, not really. Kasi, ang pangarap ko lang sa kanila, makapagtapos, to live a happy life and then makakuha sila ng trabaho na they’ll be happy with and maging maayos ang mga buhay nila, the rest is up to them.

Continue reading below ↓

“After college, sabi ko sa kanila, ‘Kung ano man ang gusto ninyong gawin after college...’

“I don’t even force them to take whatever degree, kung gusto nilang maging doktor or abugado or kung ano man, international studies, that’s all up to them, kung gusto nilang mag-marketing, basta makatapos sila so that they will have something to do also.

“Yung meron silang maipagmamalaki.”

Kahit sa personal na buhay ng mga anak niya, hangga’t maaari ay hindi siya nakikialam.

“Not really. I guess I taught my kids how to be really independent, but it’s always an open conversation with me, between me and the kids. Kasi, we talk about everything.

“So, kung may mga concerns sila or may mga desisyon sila na medyo hirap sila, they know that they can always come to me, and kung meron akong opinyon… siyempre, bilang nanay, di ba?”

Maituturing ba niya ang sarili niya bilang isang cool mom?

Continue reading below ↓

“Oo, basta… I think it’s very important to have the communication lines open all the time, so lagi naman kaming nag-uusap-usap.”

Nakausap namin si Lotlot nitong January 27 sa The Frazzled Cook, Scout Gandia St., Quezon City.

Presscon iyon kaugnay sa pagpirma ni Lotlot ng kontrata sa kanyang bagong manager na si Leo Dominguez ng LVD Management & Consultancy Services.

Ang digital series na The Beauty Queens ay produced by ATD Entertainment Productions, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon (wearing black) is cast as the lesbian lover of Gloria Diaz in the iWant digital series The Beauty Queens.
PHOTO/S: Dennis Evangelista Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results