Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rocco Nacino recalls how Jasmine Curtis was chosen for Descendants of the Sun

by Rommel Gonzales
Feb 13, 2020
Rocco Nacino recalls how Jasmine Curtis-Smith was chosen to be his leading lady in the Philippine version of Descendants of the Sun.
PHOTO/S: Mark Atienza (left frame)

Nagpa-audition ang GMA Network para sa papel ng leading lady ni Rocco Nacino sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Mismong si Rocco ang kaeksena ng mga aktres na sumalang sa audition.

“Nung araw na yun, apat-lima yata, so the whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko," kuwento ni Rocco na gumaganap bilang Technical Sergeant Diego Ramos a.k.a. Wolf.

Eventually, si Jasmine Curtis-Smith ang napili bilang si Captain Moira Defensor.

“Nung nakita namin si Jasmine tapos yung ginawa niya, lahat kami [napatango sa pagka-impress]. So kita naman, di ba?

“She deserves it. She’s giving justice talaga to the character.”

Si Rocco ay hindi na nag-audition, handpicked siya for the role dahil kamukhang-kamukha niya ang Korean actor na si Jin Goo na gumanap sa original Korean version ng Descendants of the Sun noong 2016.

Ano ang reaction ni Rocco sa mga nagsasabing kamukha nga siya ni Jin Goo?

“2016 pa yan, e! Sabi ko, ‘Onti, onti.’

Continue reading below ↓

“Tapos nung pinagtapat ng GMA Network yung photos naming dalawa dun ko lang talaga nakita.

“Kasi nung Encantadia pa, nagte-trend yung pangalan naming dalawa, e! Sabi ko hindi ko maintindihan kung bakit ako konektado dito,” ani Rocco, sabay tawa.

“Iyon pala. Ngayon ang mga tao sinasabi nila, ‘O, sabi ko sa 'yo kamukha mo! Sabi sa 'yo makukuha mo yan, sabi sa 'yo kasama [ka].’

“I mean nakakataba ng puso, nakakataba ng puso na pinili nila talaga. It’s giving people what they want.”

Nakausap namin si Rocco sa grand presscon ng Descendants of the Sun.

Sa mediacon ay ipinakita ang video kung saan nagte-training sina Rocco at Dingdong Dantes (Captain Lucas Manalo/Big Boss), Lucho Ayala (bilang Staff Sergeant Alen Eugenio/Snoopy), Paul Salas (bilang Marty Talledo), Jon Lucas (bilang Staff Sergeant Benjo Tamayo/Harry Potter), at Prince Clemente (bilang Sergeant First Class Randy Katipunan/Picollo) para sa kani-kanilang role sa serye.

Matindi, nakakapagod, at mahirap ang pinagdaaan nilang training, base na rin sa video.

Continue reading below ↓

Mabuti at hindi sumuko si Rocco?

“Masuka-suka kami dun, sa totoo lang!

“Ano yan, two years of training compressed to two days. So isipin niyo sulit na sulit yung araw.

“Yung second day po namin gigising kami ng 3 a.m., workout ng 21 exercises ng 4 a.m., kukuha ng 21-kilo backpack, tatakbo kami ng 10 kilometres, magha-hike pa kami, babalik, saka pa lang kami kakain ng mga 5:30 a.m.”

Kinaya nila iyon?

“Kinaya namin.”

May sandali ba na muntik nang sumuko si Rocco?

“Medyo,” ang pabulong at natatawang sagot ng Kapuso hunk. “Medyo pero binubulong ko na lang. ‘Bro, hindi ko na kaya! May cellphone ka ba diyan?’

“Pero walang signal.”

Ano sana ang gagawin niya sa cellphone?

“Wala, sasabihin ko, ‘Ayoko na po!’

“Pero my friends were there, mga naging kaibigan ko na itong Alpha Team, dahil sa pangyayari na yun nabuo yung Alpha Team. Dahil sa paghihirap na yun, nagtutulungan kaming lahat.”

Continue reading below ↓

Ano pa ang mahirap na ginawa nila sa training?

“Pinagugulung-gulong kami, ibang klaseng gulong. Gugulong ka sa lupa na may mga bato na nakatusok na ganun. So masakit sa katawan, kung hindi kami nakaganito,” pagtukoy ni Rocco sa suot niyang fatigue uniform. “Yung tusok-ulo,” na tila mala-headstand na military exercise.

“Tatakbo ka sa ilog na malamig, kailangang basang-basa ka. And yung takbo, tatakbo na may hawak na… may buhat kami na 21-kilo na backpack.

Unang beses na nakasama ni Rocco si Dingdong sa isang serye.

“But magkaibigan kami ni Dong, nung ginawa namin… may mga courtesy calls kami sa mga AFP events, tapos after, magla-lunch date kami.

“Magla-lunch date kami ni Dong tapos mag-uusap kami tungkol sa buhay bilang kaibigan. May mga tinatanong din ako tungkol sa buhay, about his family.

“Tapos isasama niya ako sa bahay niya, makikipaglaro ako kay Zia, kay Ziggy.”

Sina Zia at Ziggy ang mga anak nina Dingdong at Marian Rivera.

Continue reading below ↓

“Si Marian pinaghandaan kami ng lunch… ah sarap, grabe! Tapos nakikipaglaro ako sa mga bata.

“Ayun those are the little things na naging bonding namin kaya mapapanood niyo sa serye na ‘to yung chemistry ni Big Boss saka ni Diego. Kailangan kasi makita yun na iba ako kay Moira, pero iba rin ako kay Lucas.

“So parang free na free ako kapag kasama ko siya. So I think na-create yun habang nagba-bond kami.

“I have Dong to thank actually kasi minsan siya mismo nag-i-initiate, ‘Tara bro, kain tayo, kuwentuhan tayo.’

“Napakalaking bagay yun to establish yung best friend relationship.”

Dagdag pa ni Rocco: “I consider him a good friend! Iyon ang masasabi ko at this stage talaga. Na-appreciate ko yung mga invites niya sa bahay nila.”

Female lead sa Descendants of the Sun si Jennylyn Mercado bilang si Dr. Maxine dela Cruz o Beauty.

Ang iba pang bumubuo ng cast ng Descendants of the Sun ay ang military team na sina Antonio Aquitania (bilang Lt. Col. Bienvenido Garcia) at Ricardo Cepeda (bilang Lt. Gen. Carlos Defensor).

Continue reading below ↓

Ang medical team naman ay binubuo nina Pacho Magno (bilang Dr. Daniel Spencer), Renz Fernandez (bilang Dr. Earl Jimeno), Chariz Solomon (bilang Nurse Emma Perez), Andre Paras (bilang Dr. Ralph Vergara), Nicole Donesa (bilang Nurse Via Catindig), Reese Tuazon (bilang Dr. Sandra Delgado), Jenzel Angeles (bilang Nurse Hazel Flores), at Bobby Andrews (bilang Dr. Eric Feliciano).

Gumaganap naman bilang rebelde sina Neil Ryan Sese bilang Rodel dela Cruz, Rich Asuncion bilang Janet Pagsisihan, at Carlo Gonzalez bilang Val.

Ang pamilya naman ni Captain Lucas ay sina Roi Vinzon (bilang Sgt. Major Abraham Manalo) at Hailey Mendes (bilang Judith Manalo). Ina naman ni Dr. Maxine si Marina Benipayo (bilang Olivia dela Cruz).

May cameo appearance rin sa serye sina Tonton Gutierrez (bilang General Cruz), Mark Herras (bilang Orly), Sophie Albert (bilang Dr. Liza Ayson), Kim Rodriguez (bilang Denise), Addy Raj (bilang Alif Fayad), Ronnie Henares bilang Manager Ed, at Gabby Eigenmann bilang Senator Ricardo Sintallan.

Continue reading below ↓

Napapanood na ito sa GMA Telebabad pagkatapos ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino recalls how Jasmine Curtis-Smith was chosen to be his leading lady in the Philippine version of Descendants of the Sun.
PHOTO/S: Mark Atienza (left frame)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results