Ellen Degeneres invites blind balladeer Carl Montecido to perform on her TV show

by Ruel J. Mendoza
5 days ago
Blind singer Carl Montecido previously competed in ABS-CBN's It's Showtime and Pilipinas Got Talent as well as GMA-7's The Clash.

Dahil nag-viral ang video ng visually-impaired singer na si Carl Malone Montecido, nagkaroon siya ng imbitasyon para maging guest sa The Ellen DeGeneres Show.

Kinumpirma ni Montecido na ang staff mismo ng talk show ni Ellen DeGeneres ang tumawag sa kanya.

"Ang tumawag sa 'kin personally is the staff of Ellen," kuwento ni Carl sa isang phone interview with GMA News.

"Tinawagan nila ko last week pa so probably mga February 8.

"No'ng simula pa lang mag-viral, may mga PM [private message] na sila sa akin.

"Actually, no'ng una, hindi nga ako naniniwala baka kasi ano, e, manloloko, alam mo naman dito sa Philippines, maraming gano'n. We already checked the profile naman."

Naging viral ang video ng 21-year-old blind singer habang inaawit niya ang cover version ng Sam Smith song na "Too Good At Goodbyes" sa isang mall sa Bacolod.

Noong in-upload ang kanyang video sa Facebook user na si Trixie Madison, agad itong nakakuha ng 350,000 views.

Continue reading below ↓

May nag-post ng video ni Carl sa Twitter at napanood ito mismo ng singer na si Sam Smith na sobrang namangha sa boses ng Pinoy singer.

Tweet ni Smith noong February 8: "WHO IS THIS KID!!!!!? YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE WHOEVER YOU ARE"

Napanood din ito ng kauna-unahang winner ng American Idol na si Kelly Clarkson.

"This video has been going around my team as well! This kid is insane!!" tweet pa niya.

Hindi nga makapaniwala si Carl na napansin siya ng show ni Ellen kunsaan maraming mga Pinoy artists ang nai-feature niya dahil sa mga viral videos nila. Ilan sa mga former guests ng The Ellen DeGeneres Show ay sina Charice Pempengco a.k.a Jake Zyrus, Marcelito Pomoy, Rhap Salazar, Aldrich Lloyd Talonding, Zendee Rose Tenerefe, Balang, at Arnel Pineda.

Ani Carl, "Sa totoo lang no'ng kausap ko yung staff ni Ellen DeGeneres, do'n nila kinonfirm na okay kasi may iba pa kong kinanta bukod sa viral video na yun.

Continue reading below ↓

"So, pinag-sample pa nila ko, kinuhanan nila 'ko ng video, papakita raw sa boss nila.

"And then, nagustuhan daw ni Ellen, so mararamdaman ko do'n masaya ako kasi of all the people here in the Philippines, hindi gano'n kadali makapasok sa industry na ganyan, lalo na at international.

"Siguro nilu-look forward ko since andito na ko sa platform na 'to, matuloy yung music career ko kasi ang daming ko nang malalaking shows na nasalihan pero hindi natutuloy.

"Pero sa bagong pintong bumukas, ito na yun. Sana magtuluy-tuloy na siya hindi lang dito, kundi sa ibang lugar."

Sumali na noon si Carl sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN noong 2010. Nakilala naman siya bilang Blind Balladeer of Bacolod sa Tawag Ng Tanghalan ng It's Showtime ng ABS-CBN noong 2016.

Naging finalist rin siya sa second season ng The Clash ng GMA-7 noong 2019. Noong September 2019, umabot si Carl sa Top 64 ngunit natalo siya ng kanyang kalaban.

Continue reading below ↓

Kinuwento ni Carl ang kanyang preparasyon sa paglabas sa show ni Ellen.

"Ang mga preparation na gagawin ko, maghahanda ako ng mas marami pang foreign songs kasi ang mga manonood do'n mga foreigners, may mga Pinoy din siguro pero hindi gano'n karami.

"So isa pa siguro sa mga paghahanda ko ay aaralin ko ang show, kung ano ba yung mga mechanics do'n, kung ano posibleng gagawin do'n.

"Yung nag-viral pa rin yung kakantahin ko. Siguro magme-medley ako ng Sam Smith songs."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Blind singer Carl Montecido previously competed in ABS-CBN's It's Showtime and Pilipinas Got Talent as well as GMA-7's The Clash.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results