PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kate Valdez names the veteran actress whom she idolizes

Kate Valdez reveals the college course that she wants to take up.
by Rommel Gonzales
Published Feb 17, 2020
GMA-7 actress Kate Valdez reveals that she wants to take up Tourism as her college course.

No Boyfriend Since Birth (NBSB) ang 19-year-old GMA-7 actress na si Kate Valdez.

“Crush-crush. Boring, ‘no?” at tumawa ang Kapuso star habang kausap namin nitong February 4 sa lobby ng GMA Network.

Pinipigilan ba si Kate ng ina niya na magka-boyfriend?

“Hindi naman po, siya nga po yung excited, e, ako lang yung…”

Mas excited ba ang ina niya?

“Opo, doon po ako nape-pressure pero okay lang naman po sa kanya.”

Non-showbiz ang mga crush niya.

Ilang buwang huminto sa showbiz si Kate dahil nag-aral siya sa Miriam College.

“For now po kasi… na-stop na po ako before, noong Encantandia days, so four years I guess. So, bumalik ako sa junior high, back to start ulit ako.”

Home-schooled na muli si Kate dahil may primetime series siya, ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Dati nga ay muntik na siyang mag-quit sa showbiz para mag-focus sa pag-aaral.

“Hindi naman totally quit, parang ayoko naman nun. Open naman po ako na kung habang nag-aaral ako tapos may biglang work, kaya sigurong i-adjust, kaya namang gawan ng paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I’m very open, ayaw kong bitawan, e, kasi eto na yung ginagawa ko…”

Ano ang kukunin niyang college course?

“Tourism po.”

Bakit Tourism?

“Kasi, hindi naman ako ma-travel na tao, so I guess pag kinuha ko yung course na iyon, mas magiging ano ako, open ako sa mga pagbibiyahe…”

May pressure ba kapag kaeksena niya si Barbie Forteza sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday?

“Opo! Yung first taping namin… yung medyo mahaba rin na eksena namin sa San Juanico Bridge, kasi po medyo matagal din ako bago bumalik ulit, so parang back to zero, ganyan, tapos, ‘Ano ulit yung line ko?’

“Yung ganyan,” at tumawa si Kate. Although alam ko na, memorized ko na, sabi ko, ‘Ate Barbie…’”

Nangalawang siya?

“Opo!”

At nanibago?

“Opo, sabi niya, ‘Hindi, lalabas iyan, naturally lalabas iyan sa iyo pag ano na, tuluy-tuloy na.’

“So iyon na, inalalayan naman po ako ni Ate Barbie sa ganun.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa ba ito sa magandang break na hinihintay ni Kate?

“Marami rin naman po akong naging magandang projects at show na talagang nakilala rin ako at iyung character ko, I guess isa rin po ito.”

Pero ito talaga iyung isa siya sa lead characters.

“Opo, pero nape-pressure po ako. Hahaha!”

Equal billing na sila ni Barbie. Hindi ba nakaka-pressure iyon?

“Nakaka-pressure po sa akin, pero mas nangingibabaw ko kasi yung saya ko, dahil magaan yung mga katrabaho ko, directors, mga staff, ganyan, yung mga tao sa set, kaya hindi rin ganun.

“Nai-ease din yung pressure, kasi puro tawanan, puro kuwentuhan, so ayun.”

Sa dami ng young stars ng GMA, isa si Kate sa binibigyan ng malaking atensiyon ng GMA.

“Masaya po ako of course, dahil sa dinami-dami ng actors dito sa GMA, napapansin naman ako at binibigyan pa rin ako ng chance to inspire people at i-showcase ko pa rin, at gusto pa rin nila akong mag-grow as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sobrang pasasalamat ko po sa network, sa GMA Artist Center, na gusto pa nila akong makitang may magawa pang ibang… may makatrabaho pang mga veteran actors and actresses.”

Sino ang artistang pinakaidolo ni Kate?

“For now po, marami na akong nagiging idolo dahil nai-inspire ako sa kanila, pero for now, iyung pinaka… Ms. Dina Bonnevie.”

Noong bata si Dina ay may image itong mataray, pero si Kate ay hindi naman mataray…

“Opo, pero hindi naman totally gagayahin or kung ano man, pero I think hindi rin talaga po totoo iyong sinasabi nila.

“Sobrang-sobrang bait po ni Ms. Dina. Siguro lang po, sa mga roles niya iyon, iyon yung tumatak sa mga tao na mataray, pero hindi po totoo yun.”

Si Dina ang gumaganap bilang ina ni Kate sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 actress Kate Valdez reveals that she wants to take up Tourism as her college course.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results