Pokwang does provocative dance number as tribute to Lifetime Achievement awardee Nova Villa


Umani ng papuri si Pokwang sa Lady Gaga-inspired production number niya sa 28th PMPC Star Awards for TV, na ginanap noong November 23, Linggo, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.
Nakasuot ng two-piece leatherette bikini ang komedyante. May mga cut-out ng kamay na nakatapal sa kanyang bikini bottom at bra. Wala ring suot na stockings ang komedyana.
Ang nasabing production number ang itinuturing na “pasabog” dahil sa kaseksihan ni Pokwang.
Isa rin itong tribute number para kay Nova Villa na tumanggap ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Inaliw nang husto ni Pokwang ang audience noong gabing iyon sa ipinakita niyang performance.

Kuwento ni Pokwang, sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng performance niya, wala siyang kaalam-alam na ang gagawing production number ay para kay Nova.

Saad niya, “Nakakatawa nga, e, the day before ko nalaman na tribute pala ni Tita Nova ito.
“Anong kinalaman ni Lady Gaga sa kanya… naloka nga ako!

“Actually, sila [production team] ang nagsabi na parang Lady Gaga at bilang forte ko siya, sige, gawin natin.”

Sa dami ng mga komedyana sa industry, bakit siya ang napiling magbigay ng tribute number para kay Nova?

Nakangiting sabi ni Pokwang, “Oo nga… siyempre, ang saya lang. Bilang love din ako ni Tita Nova.

“Hindi pa kami nagkakasama ni Tita Nova sa kahit na anong project sa pagkakatanda ko. Pero kaibigan ko si Doki na best friend ni Tita Nova.

“Isinama na nila ako sa bahay ni Tita Nova sa bahay niya sa Tagaytay.
“Nakita ko yung lifestyle niya sa Tagaytay na tahimik, tanim-tanim lang. Yun ang hilig niya.
“Kaya tamang-tama ang pagbili niya ng property sa Tagaytay.”

Sa ipinamalas na kakayahan ni Pokwang, masasabing umakyat na ang level ng comedians. Katulad nila ni Ai-Ai delas Alas, hindi na lang sila nagpapatawa kundi kumakanta at nagsasayaw pa.

Pagsang-ayon naman ni Powakng, “Kailangan, e. Ngayon, ang labanan, dyusko, Lord, kailangan multi-tasking kang talaga.
“And nakikita ko naman sa batch ng comedians ngayon, kahit anong ipagawa mo, keri [kaya].”

Ang pagiging well-rounded ba ni Pokwang ang masasabing edge niya sa ibang comedians?

Saad niya, “May kanya-kanya kasing kakayahan ‘yan, e.
“Kaya nga ang komedyante, kapag binigyan ng challenging na trabaho, malaking ano sa amin yun.
“Like, for example, ‘pag pinagdrama kami or pinagsayaw, pinakanta nang live, malaking karangalan yun.

“This is our chance na ipakita sa tao na meron pa kaming ibang kakayahan hindi lang ang magpatawa… thank you, Lord, ang saya-saya lang.”
Hindi na raw matutuloy si Pokwang at ang anak niyang si Rie Mae na mag-Pasko sa Palawan gaya ng naunang plano nila.

Paliwanag ng komedyana, “Kasi ganito nga. Si bagets, biglang nagbago ng isip.
“’Ma, tipid-tipid tayo.’ Kasi gusto niya, ang birthday niya next year, sa Japan.
“Bilang hindi pa siya nakakapag-Japan at yun ang kanyang ugat.”
Ang ama ng anak ni Pokwang ay Japanese.

Patuloy niya, “So, magtitipid-tipid kami sa Pasko, dito na lang kami.
“At saka si K Brosas, sa akin magpa-Pasko.

“Silang dalawa lang namang mag-ina dito. Yung mga kamag-anak niya, nasa Italy, e.
“Ang gagawin namin, sa akin sila magpa-Pasko. And then sa December 27, may raket si K sa Iloilo.
“Sa akin siguro niya iiwan ang anak niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN