Gab Valenciano wants to work with his ex-girlfriend in the future

by Ruel J. Mendoza
Mar 7, 2020

Bilang director na for TV si Gab Valenciano, marami siyang gustong makatrabaho. Kabilang na rito sina Julie Anne San Jose, Dingdong Dantes, America's Got Talent runner-up Marcelito Pomoy, at ang kanyang sariling ama, Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Pero isinama rin ni Gab sa kanyang listahan na gustong maidirek in the future ay ang kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go.

Nakarelasyon ng current director ng programang Wowowin si Rachelle noong 2008. Taong 2009 naman sila naghiwalay.

Sa exclusive interview ng GMA News kay Gab kamakailan, sinabi nito na kinabiliban na niya ang talent ni Rachelle noong una pa lang silang nagkakilala nila.

"Rachelle Ann Go is someone I've believed in ever since day one. She has reached a level… kumbaga hindi pa siya nama-maximize but she has reached a level where you know internationally she's being recognized already and to be able to kind of like work at certain projects in the future, I think that would be awesome.”

Sa isang lumang interview ni Gab noong 2014, halos pareho lang ang nasabi niya noon kay Rachelle tungkol sa talent nito. Ito ay ang time na napili si Rachelle na gumanap as Gigi Van Trahn sa revival ng Miss Saigon sa London.

Continue reading below ↓

"I've always known that Rachelle will gonna make it abroad and I told her that even before. I would always tell her, 'You know you are too big for just the Philippines.' I always tell her, 'You know, someday you will gonna make it somewhere, it doesn't matter where, you will gonna make it somewhere in the world.' I've always believed in her talent and I've always believed that she's more than singing and now she's acting and now she's doing plays and Miss Saigon. My gosh, ang galing," nasabi noon kay Gab.

Noong nakaraang January 27, sa dinirek ni Gab na live episode ng Wowowin, isa si Rachelle sa mga guest na nag-perform for the benefit of the Taal victims.

Kasalukuyang nasa cast ng musical na Les Misérables in London si Rachelle kunsaan gumaganap siya bilang si Fantine.

Kinasal si Rachelle kay Martin Spies noong April 18, 2018. Kinasal sila sa Shangri-La Boracay Resort & Spa.

Continue reading below ↓

Bukod kay Rachelle, nakarelasyon din ni Gab sina Coleen Garcia (na kinasal kay Billy Crawford noong 2018) at Isabel Oli (na kinasal kay John Prats noong 2015).

Kinasal naman si Gab kay Tricia Centenera noong 2015, pero naghiwalay sila noong 2016.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results