Rocco Nacino no regrets playing second lead in Descendants of the Sun

by Rose Garcia
Mar 7, 2020
PHOTO/S: Noel Orsal

Marami ang makaka-relate sa pinagdadaanan ni Diego, ang character ni Rocco Nacino sa Kapuso teleseryeng Descendants of the Sun (DOTS).

“Although dito sa story na ito, it’s a story of forbidden love. Para siyang high school. Ayaw ng magulang sa iyo, 'tapos nasa military setting, so mas mahirap.

“Nakakagulat lang na ang dami palang nakaka-relate sa ganito,” ang sabi ni Rocco nang makausap namin kamakailan sa Ethan’s Cafe, Morato Avenue, Quezon City.

Sa totoong buhay, napagdaanan na raw ni Rocco iyong pinagbawalan siya.

“We all have our own story to tell, that’s why hindi lang iyong mga nanonood ang makaka-relate, pati kami. Kaya minsan, natatawa na lang kami.”

ROCCO, NO REGRETS CHOOSING DESCENDANTS OF THE SUN

Bago gawin ni Rocco Nacino ang DOTS, kung saan second lead siya ni Dingdong Dantes, meron sana siyang gagawin na iba pang serye na siya ang bida.

Kaya tinanong namin siya kung na-meet ba ang expectation sa local adaptation ng famous K-drama?

Continue reading below ↓

"Na-surpass iyong expectation ko,” pakli ni Rocco.

“Kasi, wala kaming monitor para ma-review ang isang eksena. After ng isang eksena, hindi siya dire-diretso. Kumbaga, nakakatuwa lang na itong formula na ginagamit ngayon, wala kaming time para ma-review iyong ginawa namin.

“Konting salita lang, papalit na ng anggulo, palit na ng ilaw, palit na ng lente.

“It’s accumulation of shots in just one scene. So, hindi na namin napapansin kung ire-retake ko pa ba. So, we have to maintain that flow of emotion.

“Noong nabubuo na siya, seven months na rin, ngayon pa lang namin napapanood. Nagugulat kami na, 'A[[, kaya pala ang tagal gawin ng eksena. Ang ganda kasi, e,” masayang sabi ni Rocco.

ROCCO'S GIRLFRIEND, A FAN OF DESCENDANTS OF THE SUN

Samantala, ang girlfriend ni Rocco na si Melissa Gohing ay K-drama fan kaya tuwang-tuwa ito nang makuha niya ang role ni Diego.

“Nagpo-post pa siya tungkol sa mga eksena. Yung mga dogs, nanonood. Sabay-sabay silang nanonood."

Continue reading below ↓

Kamukha nga raw ni Rocco si Jin Goo, ang South Korean actor na gumanap sa role niya.

Continue reading below ↓

"Way back 2016, sinasabi niya na panoorin ko yung Descendants of the Sun 'kasi, kamukha mo!’

“So, ang ginawa niya as a prank, gumawa siya ng collage ng photos at pinagtatabi niya yung mga mukha.

"But with regards to story of Diego and Moirah, palagi siyang nagpapakuwento sa akin, ‘O, ano ang nangyari? Nagkita ba sila? Mag-aaway ba sila?’

"Nagkukuwento ako, pero sabi niya, ‘I have to watch it.'"

Si Jasmine Curtis-Smith ang gumaganap bilang Moirah, ang love interest ni Diego sa DOTS.

Kinakikiligan ang tambalan nina Rocco at Jasmine kahit may kanya-kanya silang kasintahan sa totoong buhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results