Jasmine Curtis-Smith thankful for support of DOTS fans 

by Rose Garcia
Mar 7, 2020
PHOTO/S: Rose Garcia

Natutuwa si Jasmine Curtis-Smith sa feedback sa teleseryeng Descendants of the Sun kung saan marami rin ang kinikilig sa tambalan nila ni Rocco Nacino bilang Diego at Moira.

“Definitely, I think, sa amin and everyone on the set, naramdaman namin kung ano yung na-produce naming trabaho, na-meet yung expectation namin,” pahayag ni Jasmine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“And we’re hoping, siyempre, that’s the only way we can do na na-meet din namin ang expectations ng viewers and the fans ng original Descendants of the Sun, as well as the people who may not have yet seen the original, pero ngayon, na-introduce na sila sa magandang story ng Descendants.

“So far, lahat naman ng reviews online, maganda at positive. Maraming naiinis and if ever naiinis, effective ang character.

“It’s really all good and thank God, walang basher,” natawang sabi niya.

Nakaka-relate si Jasmine sa karakter na ginagampanan niya, lalo na sa kung paano ito magmahal.

Continue reading below ↓

“I think it’s me, it’s me in real life. Meron akong pinaglalaban pagdating sa love, for everyone.

“Hindi lang naman romantically but siyempre, you know in life, all these experiences na baon natin, parang feeling ko, iyun lang naman ang nadadala ko kay Moira.

“Pero yung pagka-pakipot nila sa isa’t isa, hindi ako ganoon! I’ll tell you if I like you,” bulalas ng Kapuso actress.

Sa totoong buhay, may nagbawal na rin ba sa kanya na makipagrelasyon sa mahal niya?

“Grabe! Hindi naman ganoong level,” tugon ni Jasmine.

“Hindi naman, I think more of ano lang, wrong timing, wrong maturity level. Mga ganoong bagay lang naman.

“Pero nevertheless, lagi naman akong lumalaban if I feel like, bakit, e, gusto ko ‘tong i-date, ano bang problema ninyo?”

Natatawang dugtong pa niya nang sabihin namin na parang naka-relate nga siya, “Yeah... then you move on, you learn and get mo na ang life. You mature.”

Continue reading below ↓

Hindi naman siya umabot na nagrebelde?

“No,” mabilis niyang sagot.

“That’s one thing that I think, as Filipino, you learn na kahit papaano, you find ways to respect your parents.

“At the end of the day, you have to know iyung families mo rin for yourself. Lalo na kung wala ka pa sa tamang edad to make those decisions.

“But iba yung sa akin pagdating sa sibling, di ba? Permission? I’ll do what I want,” natawa pa rin niyang sagot.

Ang boyfriend niya na si Jeff Ortega ay nanonood ng Descendants of the Sun lalo na kung nasa bahay ito.

Masaya raw ito sa tambalan nila ni Rocco.

Kuwento ni Jasmine, “Happy siya! He’s so happy kasi, they’ve been friends for the longest time.”

Mas nauna pang naging magkaibigan sina Rocco at Jeff, bago sila nagkakilala ni Jeff.

Kagagaling lang ni Jasmine sa Melbourne, Australia nang manganak ang kapatid na si Anne Curtis.

Continue reading below ↓

Tinupad ni Jasmine ang sinabi na basta manganak ang ate niya, dadalawin niya ito para makita ang pamangkin, kahit dalawa o tatlong araw lang siya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results