Did Vin Abrenica get jealous of Sophie Albert's partner Alden Richards?

by Julie E. Bonifacio
Mar 17, 2020
Vin Abrenica (in photo) on his girlfriend Sophie Albert doing intimate scenes with Alden Richards: "Never ako magseselos. Alden is Alden."
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinabulaanan ni Vin Abrenica na nagselos siya kay Alden Richards na kapareha ng girlfriend niyang si Sophie Albert sa teleserye ng GMA-7 na The Gift.

“Hindi! Never ako magseselos,” madiing sabi ni Vin.

“Alden is Alden. Oh, my God! Kung mabigyan pa sila ng maraming projects at gro-grow sila together, Lord, please mangyari yun. I want her to succeed,” ani Vin.

Alam ni Vin na malaking break for Sophie ang makapareha niya si Alden. Kaya naman suportado niya ang girlfriend sa tambalan nila ni Alden.

“Ako kasi, nung nagtrabaho sa TV5 tapos ngayon nandito ako sa ABS-CBN, medyo dire-diretso ako, e. Siya, medyo nag-stop muna siya.

“And now, nagdi-dire-diretso siya ngayon. I don’t want to be selfish. I want her to grow. Ngayon pa lang siya nagsisimula ng dire-diretso siya, so, be it!”

Okay lang din ba sa kanya na makipag-kissing scene si Sophie kay Alden?

“Go lang. Kung kinakailagan sa eksena, kahit ano pa, go lang.”

Continue reading below ↓

Payag din ba siya na gumanap si Sophie ng super daring roles?

“Nagdi-daring roles na rin naman siya, e. Ang alam ko may mga ginagawa na siya na daring.

“Ay, yung ipapakita lahat? I trust her.

“If she feels na makakatulong at kailangan sa eksena, kapag ginawa niya, at napagdesisyunan niya, napagusapan namin, nakita ko talaga na gusto niya?

“Then, okay lang sa akin,” ngiti pa niya.

Nakausap namin si Vin sa contract signing niya bilang bagong endorser ng Hanford underwear na ginanap sa Arete Square Building Congressional Avenue, Project 8, Quezon City.

Pumirma ng two-year contract si Vin for Hanford.

Seven years na ang relasyon ni Vin at Sophie. At gaya ng ibang magka-relasyon sa showbiz, nagaaway din sila.

“A lot of fights,” diin ni Vin.

Paano nila inaayos?

“One thing I’ve learned, para sa akin na most important thing is just to shut your mouth and listen.

“Ako kasi, look at me now, I’m very talkative. Ganyan talaga akong tao at she really taught me how to listen. Para sa akin, not in a way naman na just listen and listen and don’t know what she feels. And put yourself in her shoes.

Continue reading below ↓

“At, sa akin talaga, what I love about our relationship is, our fights don’t last long. Don’t last talaga. Because, merong trust talaga, e.

“Ayun ang, ay, naku! In my life eto yung pinakamalakas na trust in my relatonship. And even, like for example, if you’re gonna ask me kung alam ko ang password ng phone niya? I do.

“If you’re gonna ask me if I use her phone? I don’t.

“Ganoon din, same rin sa kanya.

“Alam niya ang password ng phone ko. But she doesn’t check my phone. Kasi there’s trust.

“Or, she’s free to check it any time. Pero, may tiwala talaga kami, e. At kayo rin naman ang makakalaam. Parang may mali sa kanya ngayon, uh, meron kayang iba? E, di I-tsek mo, di ba ganoon?

“Pero sa amin, that never happened, e. Okay na okay naman kami.”

Aside from the trust, sa tingin niya bakit sila tumagal ni Sophie ng seven years?

Continue reading below ↓

“Because of the effort that we are putting. Alam naman natin ang relationship kapag umaabot na ng matagal, umaaabot na ng three eyars, five years, medyo nawawala yung magic.

“We really put an effort to make the magic work again. At ako, tatanungin mo ako from how’s our relationship even if it’s going on for seven years?

“Pakiramdam ko, four months pa lang kami. Ganoon.

“Maniwala kayo sa akin. Recently, saan kami galing two days ago?

“Galing kami ng Batangas, nagbakasyon kami.

“Last week, saan kami galing? Sa Dakak. Ganoon kami, e. We put effort and time for each other, despite our hectic schedules.

“Her schedule is T-TH-S. My schedule is M-W-F. Imagine, hindi na kami nagkikita.

“Yes, but, magkaibang network pa kami. But we make an effort to see each other.

“So, it’s really, depending talaga ang relationship to the both of you. Hindi pwedeng isa lang.”

Why do you love her?

Continue reading below ↓

“I love her kasi I believe she brings out the best in me. She made me realize a lot of things na, eto, maaga pang sabihin but I think kung sino man ako ngayon, napakalaking utang na loob ko yun sa kanya.

Honestly, I never thought na papatol siya sa isang kagaya ko.”

Bakit?

“Alam naman natin yun. Hindi naman ako gwapo. Na siya talaga, e, masyado siyang maganda para sa akin, alam mo yun?

“Head over heels ako doon, e.

“Totoo lang, alam niya ever since crush ko siya. TV5 days pa, oo.

“At nagpapasalamat ako sa kanya. Para sa akin, hindi ako kumpleto ‘pag wala siya.”

ON MARRYING SOPHIE ALBERT

Si Sophie na ba ang "The One" para sa kanya?

“Yes, yes. I’m very proud to say, I’m very confident to say na she’s The One.”

Nakikita ba niya si Sophie as Mrs. Vin Abrenica in the future?

Continue reading below ↓

“Yun yung sa akin. Wala na. Wala nang iba.

“Kung hindi siya, feeling ko, alam mo yung mga taong medyo ligaw, medyo nagkaka-edad na ligaw?

“Parang ganoon ako kapag hindi kami ang nagkatuluyan. Ayun yung sa akin.”

Baka naman secretly married na sila ni Sophie?

“Hindi, hindi,” mabilis na tanggi ni Vin.

But how true na nagli-live-in na sila ni Sophie?

“Hindi. Diyosko! May magulang yun. Nakatira yun sa magulang niya.

“Hindi pa.

“Kini-clear ko, sa tinitirhan ko, ako lang po nakatirang mag-isa.

Hindi ba nag-i-sleepover si Sophie sa bahay niya?

“Hindi,” mabilis niyang sagot. “Hindi kami nagli-live-in. Dumadalaw siya sa lugar ko. Dumadalaw rin ako sa lugar nila. Pero hindi kami nagli-live-in. Gusto ninyo samahan ninyo pa ako umuwi ngayon,” birong seryoso ni Vin.

Mas gusto ba nila na ikasal muna?

“Siyempre, oo naman. Matrimonya muna. Tradisyunal ako.

“Si Sophie rin, oo, syempre hindi niya yun gusto. Tradisyunal kami.

Continue reading below ↓

“I believe, there’ something na, saka yung relationship namin matagal na kami.

“Living-in is something new also. Sana makuha ko naman yung price na yun, or yung feeling na ‘yun when we marry. Or, when we’re there na or when we have a kid na.”

May plano na ba kung kailan sila magpapakasal?

“May mga plano….plano.

“Oo, usung-uso ngayon. Pero kami napapagusapan. Pero, not anytime soon.”

If ever mag-decide sila na magpakasal na, wala namang parents na kokontra?

“Her family? Hay, naku, if you only know her mom, Tita Linda. I love her.

“Eto, sasabihin ko na, she’s the best cook in the world. Siya ang pinakamasarap magluto sa buong mundo.

“Ewan ko, lagi naming sinasabi sa kanya, ‘Tita, bakit hindi ka pa magtayo ng restaurant?’

“She cooks very good.

“And my family naman, on my side, everybody loves her.”

SUPPORTIVE GIRLFRIEND

Ano ang reaction ni Sophie nung malaman niya na endorser siya ng underwear?

Continue reading below ↓

“She’s so excited,” kinikilig na sabi ni Vin.

“As in, sobrang happy siya para sa akin. Kasi, finally, she’s with me in my journey. My prayers ko, alam niya yun. My pains ko na, ‘Bakit kaya ganoon, Bub?’

“Bubba ang tawagan namin, ‘Bakit kaya ganoon, Bub?’

“Sabi ko, I work out everyday. I put an effort everyday. Tapos wala.

"Yun pala, there’s something, nung sinabi niya, 'Di ba? Di ba? It’s Hanford! Come on! It’s a big company.’

“Ako, ayun, she’s very happy for me.

“And because she’s very happy for me, she woke up very early para samahan akong mag-workout even if dapat rest day siya today. Do you see my face?

“This face? Minake-upan niya ako,” proud na kwento ni Vin.

“Yes, medyo oily lang. Hahaha!

“Wala pang driver yun. Pagkatapos kong umalis, pagka-alis ko ng bahay kanina, umuwi pa siya sa kanila. Nag-drive pa siya umuwi.

“So, yun, she’s super happy for me.”

Continue reading below ↓

Hanggang saan ang pwede niyang gawin na pagpapa-sexy bilang endorser ng Hanford?

“Hanggang [pagsusuot ng] brief, boxer shorts,” sambit niya.

“Hindi pa ako nagsusuot ng boxer shorts sa mga pictorial ko.

“Meron akong pictorial pero naka-shorts ako.

“Naghahanda pa ako. May ilang araw pa ako.”

Confident naman siya na mag-pictorial ng naka-underwear?

“Oo, tingin ko naman. Magiging confident naman ako.

“Yes, I’m proud to be an endorser ng Hanford.”

Ano ang feeling na pinalitan niya si Miakel Daez bilang endorser ng Hanford?

“Mikael is a good person. Hanga ako sa kanya kasi, ang favorite part of my body, is panga.

“So, siya, mapanga rin siya.

“So, nakikita ko na meron kaming konesyon. So, ako, uhm, he’s always been the face of Hanford. Kapag iniisip mo ang Hanford, Mikael Daez automatic yun.

“I’m very thankful sa kanya kasi kailangan kong mag-set ng standard. Kasi, Mikael daez is Mikael Daez. So, sa akin, kailangan kong tapatan yun.

Continue reading below ↓

Anong gagawin niya para tapatan si Mikael bilang endorser ng Hanford?

“Alam niyo na...

“Nagbubuhat. Hahaha!”

Sino sa palagay niya ang mas sexy sa kanila ni Mikael?

“Ay, naku. Pwede bang tanungin na lang natin yung mga dyowa namin.

“Tanungin ninyo na lang si Megan [Young, misis ni Mikael] kung sino ang mas sexy sa amin.”

Ikatutuwa ba ng LGBTQA+ ang pagsuot niya ng boxer shorts kapag nakita billboard niya ng Handford?

“Tingin ko naman,” sabay tawa ni Vin.

“Hindi pa ako nagbri-brief, di ba? Sa mga pictorial, hindi pa. Pants lang ako lagi.

“Ako, excited ako sa pictorial, saka sa billboard.”

First time ba niya na magkakaroon ng billboard?

“Nagkaroon ako ng billboard dati, para sa isang brand.

“Kasi, ang utol ko ang endorser,” na ang tinutukoy niya ay ang kapatid niya at Kapamilya star din na si Aljur Abrenica.

“Tapos nagkaroon sila ng campaign na kasama ang brotherly love.

Continue reading below ↓

“Nakatagilid pa ako noon. So, akala pa nila Borgy Manotoc yun. Long hair pa kasi ako noon.

“Borgy??!!

“Pero wala lang yun [billboard]. Solo, ngayon pa lang.”

Speaking of Aljur, hindi ba siya naiingiit sa dalawang anak nila ng misis niya na si Kylie Padilla?

Ani Vin, “Hay, naku. Kung alam ninyo lang.

“Yung mga kaibigan namin iba na ang tingin sa akin, ‘O, yung kapatid mo ‘tol, dalawa na. Ikaw, kailan ba?’

“Kung alam ninyo lang, naku, sa mga, at least, nalalalabas ko naman ‘to sa dalawang bata. Magakasunod pa. At, parehong lalaki. Parang kami ni Aljur.

“Nakakatuwa silang makita. Nae-excite na nga ako makita yan kung paano sila lumaki. Kasi, parang kami noon. Ganoon din kami, e."

Sa puntong ito, kinuwento ni Vin na noon ay parang aso't pusa sila ni Aljur kung mag-away.

“Isang taon lang ang diperensya namin ni Aljur.

“Nagsasapakan ‘yan araw-araw sigurado ‘yan. Totoo yun.

Continue reading below ↓

“Muntik na nga kaming paghiwalayin dati.

“Tatay ko sa Batangas, e. Batangas na sana ako, e.

“Nanay ko sa Pampanga. Kaya siya sa Pampanga na. Ganoon kami kagrabe noon.”

Paano sila nagbabati?

“Nung tumanda na kami, nung marami na kami nakalaban, kasi all boys kami, e. Nagkaroon ng time na napagtri-tripan na siya.

“E, siyempre, at pinagtritripan na rin ako. Ang nasa isip niya, walang ibang pwedeng mang-trip sa kapatid ko, kundi ako. Gets mo yung ganung vibe?

“So ngayon, nagkaroon na ng time na ang kalaban namin, otso, sampu?

Magkatalikod lang kami. As in, nanginginig ako sa takot. Kasi, ang dami! Matatanda sa amin.

“Sabi niya, ‘Tol, handa ka ba?’ Kasi ang tingin niya sa akin, ‘Mapula yung mata niya. Uy, takot din ang kapatid ko.’ Okay lang.’

“Nagtanggal kami ng belt. Dalawa lang kami, ‘Sige, lapit. Bakbakan na ‘to.’

Umabot kami sa mga ganoon. Kaya doon kami nagsimula na maging solid.

Continue reading below ↓

“At meron siyang kwento sa inyo, tanungin ninyo siya one day kung paano ko siya, hindi na kami nag-away. Kasi dapat manggaling sa kanya yun, e. Meron siyang ganoon.”

ON WORKING WITH ALJUR ONSCREEN

Nagkasama na ba sila ni Aljur sa isang project sa ABS-CBN?

“Hindi pa. Pero pangarap ko.

“Pangarap ko sana kahit isang araw. Ang sarap noon. Diyos ko, kahit magkapatid, ‘no? Kahit ako na yung gago, okay lang.

“Siya yung bida, ako yung kontrabida. Siya yung mabait, ako yung sira ulo, okay lang. Gusto ko yun.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica (in photo) on his girlfriend Sophie Albert doing intimate scenes with Alden Richards: "Never ako magseselos. Alden is Alden."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results