Jeric Gonzales reacts to blind items alluding to him

by Rommel Gonzales
Mar 13, 2020
Jeric Gonzales says he did a lot of steamy scenes with Sheryl Cruz for the GMA-7 teleserye Magkaagaw.

Sa ngalan ng social distancing, nag-interview kami kay Jeric Gonzales via email. Si Jeric ang bidang lalaki sa top-rating afternoon drama series ng GMA-7 na Magkaagaw.

Nag-reply si Jeric sa aming email nitong Marso 13, Biyernes. Narito ang aming Q & A...

PEP: Paano ka naapektuhan ng COVID-19 virus?

JERIC: Sobrang aware ako and my family kaya we all make sure na ready kaming lahat. Magandang aware kami sa mga dapat gawin lalo na pagdating sa hygiene, katulad ng paghuhugas lagi ng kamay, hindi pagpunta sa mga mataong lugar, pagkain ng healthy food, at pag hindi maganda ang pakiramdam, pa-check up na agad.

PEP: Since nagte-taping ka ng teledramang Magkaagaw, anu-ano ang precautionary measures mo to protect yourself?

JERIC: Nag-company call na kami sa taping na aware kami sa mga action, wala munang beso or kiss. Ingat talaga.

PEP: Sa tingin mo ano ang epekto ng COVID-19 scare sa telebisyon at pelikula?

Continue reading below ↓

JERIC: Marami kaming eksena na iniiwasan muna at iyung mga locations namin, pinipili muna talaga namin.

PEP: Pinag-uusapan ang intimate scenes mo with Sheryl Cruz sa Magkaagaw. Ano ang reaksyon mo?

JERIC: Happy ako na maraming nanonood. Ang ganda kasi ng mga eksena namin kahit kumbaga rated-PG. Ang professional kasing kaeksena ni Ms. She kaya kahit puro ganoon iyung mga eksena namin, hindi ako nahihirapan.

PEP: May mga maiinit na eksena pa bang dapat abangan?

JERIC: Maraming-marami pa kaya ‘wag kayong bibitiw.

PEP: Marami ang nakakapansin na lalo kang humuhusay sa pag-arte, any comment?

JERIC: Thank you po na na-appreciate nila yun pero siyempre ako, pag nagpupunta ako ng tapings, gusto ko may bago palagi akong natututunan, may bagong pinapakita. Every work for me is a learning process, so, mas gusto ko pang gumaling at paghusayan ang pag-arte ko.

PEP: Ano ang pakiramdam ninyo na paganda nang paganda ang istorya ng Magkaagaw at tuluy-tuloy ang pagsubaybay ng televiewers?

Continue reading below ↓

JERIC: Sobrang grateful po kami kasi we never expected na aabot nang ganito katagal ang show namin. Thankful ako sa mga taong sumusuporta dahil kahit saan ako pumunta ngayon, alam talaga nila iyung kwento at affected din sila. Nagagalit sila sa character ko dahil bakit daw mali iyong mga pinipili ko. I'm grateful, kasi, hindi madali iyong role ko rito. Challenging din siya, so malaking learning ito sa acting career ko na magagamit ko in the future sa next projects ko pa.

PEP: So far, ano ang pinakamahirap na eksena mo?

JERIC: Pinakamahirap siguro iyong nahuli ako ni Clarisse [Klea Pineda], nung nalaman niyang may babae ako. Parang ang hirap i-explain sa asawa mo iyong pagkakamali mo at mahal na mahal ko siya sa kabila ng nangyayari. Ang hirap i-express pero naitawid naman namin.

PEP: Kapag may intriga o blind item tungkol sa iyo, ano ang reaksyon mo?

JERIC: Wala naman. Binabasa ko lang, tapos, kapag alam ko namang hindi totoo, hindi ko na lang pinapansin. Kasi, marami talagang masasabi ang mga tao na hindi naman natin kontrolado.

Continue reading below ↓

PEP: Nasasaktan ka ba kapag may intriga tungkol sa iyo?

Wala pa naman. Basta, pinagbubutihan ko ang aking trabaho at ginagawa ko ang best ko sa lahat.

PEP: Message mo sa bashers, haters o mga nang-iintriga.

Sana, mag-focus tayo sa mga positive na bagay. Kasi, mas maganda na masaya lang tayong lahat.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales says he did a lot of steamy scenes with Sheryl Cruz for the GMA-7 teleserye Magkaagaw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results