Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kristine Hermosa gets recognized in Fiji Islands thru "Gulong ng Palad"

by Nerisa Almo
Jan 15, 2008
Kristine Hermosa receives a Pomeranian puppy from Oyo Sotto. The actress is grateful to have fans abroad through her past teleseryes Pangako Sa'yo and Gulong ng Palad.


Unti-unti nang nakikilala si Krisitine Hermosa sa iba't ibang lugar dahil sa kanyang mga teleseryeng ipinalalabas sa ibang bansa sa Asya.

Tulad ng Pangako Sa'yo (2000), na naging daan upang makilala si Kristine sa ilang bansa sa Asya, nagsisimula na ring mapansin ang teledrama niyang Gulong ng Palad (2005).

Ayon sa The Buzz noong Linggo, January 13, nailathala diumano sa isang pahayagan mula sa bansang Fiji kung gaano kalakas ang usap-usapan tungkol sa nasabing teleserye. Dagdag pa rito, malakas din daw ngayon ang bentahe ng DVD ng Gulong ng Palad sa Fiji Islands sa South Pacific Ocean na malapit sa Australia at New Zealand.

Magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman ni Kristine nang malaman niya ang tungkol dito. Aniya, "Actually po sobrang surprised talaga ako kasi akala ko medyo tumigil na 'yan, e, pinapalabas sa iba't ibang places yung mga palabas ko. Sobrang surprised ako kasi ang dami pa rin napi-please sa mga projects na ginawa ko before. Nakakatuwa, thank you talaga."

Continue reading below ↓

At para sa kanyang mga bagong tagasubaybay, ito ang naging mensahe ni Kristine: "Maraming-maraming salamat sa lahat ng taong sumusuporta at talagang nakakapanood ng soap opera ko na Gulong ng Palad. And I wish to see you all someday kapag nakapunta po ako diyan. Thank you, thank you, thank you."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

DIETHER AND OYO. Usap-usapan pa rin hanggang ngayon na nagkabalikan diumano sina Kristine at Diether Ocampo. Ngunit pinabulaanan agad ito ng aktres.

Paliwanag ni Kristine, "Actually, mas madalas kaming nagkikita ngayon pero hindi pa kami nagkakabalikan. Wala pang masyadong development, at least good start."

Gayunman, napansin naman daw ni Kristine na mas sinusubukan ngayon ni Diether na maglaan ng oras para magkasama silang dalawa.

Ayon sa kwento ni Kristine, "Nakikita ko naman he really finds time to reach out. Yun 'tapos dinadalhan niya ako ng food sa taping, sa shooting, ganyan. Nakikita ko naman kung papaano niya pinagkakasya sa time niya na makita ako at ma-please ako. Yun, very much appreciated talaga."

Continue reading below ↓

Bagamat bukas si Kristine sa pakikipagbalikan nila ni Diether, hindi naman itinatago ng aktres ang espesyal na pagkakaibigan nila ng co-actor niya sa Enteng Kabisote na si Oyo Sotto.

Sa katunayan, pinakita ni Kristine sa The Buzz ang regalo ni Oyo sa kanya nitong nakaraang Pasko, isang Pomeranian puppy.

"Matagal na akong mahilig sa aso," pahayag ni Kristine. "Sobrang matagal ko na rin gusting magkaroon ng [Pomeranian] and ang hirap-hirap talagang maghanap. Hindi ko alam na meron pala siyang mga kakilala."

Sinubukan pa raw niya na bayaran si Oyo para sa tutang ibinigay ngunit tumanggi ang aktor.

"Ang plano babayaran ko siya pero ang sabi niya [Oyo], ‘Hindi, huwag na, huwag na.' Ayaw niya. Okay lang, hindi naman ako tumatanggi sa regalo. Hindi naman ako tumatanggi sa mga bigay kasi grasya 'yan. So, ‘Okay, thank you.'"

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristine Hermosa receives a Pomeranian puppy from Oyo Sotto. The actress is grateful to have fans abroad through her past teleseryes Pangako Sa'yo and Gulong ng Palad.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results