Inalala ni Maureen Wroblewitz, 21, ang panandalian niya hosting stint sa Eat Bulaga!
Unang nakilala ang Filipino-German model nang hirangin siyang grand winner sa Asia’s Next Top Model Cycle 5 noong 2017.
Pero lalo siyang nakilala ng publiko nang maging co-host siya ng longest-running noontime show ng GMA-7.
Nagsimula siyang maging bahagi ng programa noong September 2018.
Subalit noong mid-2019, biglang hindi na siya napanood sa Eat Bulaga.
Dahil dito, sumulpot ang mga haka-haka tungkol sa pagkawala niya sa programa.
May mga nagtatanong kung tinanggal siya sa show, lalo pa't napupuna ang kanyang hosting skills.
Sa kanyang YouTube video noong July 6, 2019, kinumpirma ng model-turned-TV-host na hindi na siya bahagi ng noontime show.
"Mutual decision" daw sa pagitan ng kanyang kampo at ng Eat Bulaga! ang pag-alis niya.
Wala nang iba pang paliwanag si Maureen, pero malaki raw ang pasasalamat niya sa programa sa pagkakataong masubukan niya ang paghu-host.
Marami rin daw siyang plano sa kanyang career, at nagpahapyaw na mayroon siyang upcoming projects.
MAUREEN WEIGHS IN ON HOSTING STINT
Sa Facebook Live interview niya sa RX 93.1 FM radio station ngayong Martes, May 26, ikinuwento ni Maureen kung paano siya napasok sa Kapuso noontime show.
Pagkatapos niyang manalo sa Asia’s Next Top Model, nag-isip daw siya kung ano pa ang puwedeng subukan sa showbiz bukod sa pagmomodelo.
“I feel, like, because modelling is not such a big thing anymore in the Philippines.
“And I like to get out of my comfort zone, because I’m introverted, and I like the challenge.
“If it’s something that makes you nervous, it’s a good sign.
“I like to do a lot of different things, I don’t want to get stuck in one place.”
Ayaw raw niyang magkaroon ng pagsisisi balang araw kaya nagdesisyon siyang subukan ang hosting.
“So I did try hosting. I hosted a bit on Eat Bulaga."
Gayunpaman, napagtanto niyang hindi ito para sa kanya.
“But then, it was more on… I feel, like, the language barrier because I wasn’t fluent in Tagalog,” sabi ng English-speaking na si Maureen.
Kabado rin daw siya sa harap ng maraming tao.
“I feel, like, hosting is… I could do some hosting, but I didn’t really feel comfortable hosting.
“Because I have stage fright, and I don’t like to constantly talk in front of a such a big crowd.”
"It has a massive audience," pagtukoy niya sa Eat Bulaga.
Ito raw ang napagtanto ni Maureen: “Hosting was fun, but then I’m not really sure if I wanna pursue hosting.”
Ano ang pinagtutuunan niya ngayon ng pansin?
“Now what I’m doing is acting,” banggit niya.
Noong April 2019, pumirma si Maureen ng kontrata sa Reality Entertainment Inc., ang film production outfit na pinamumunuan ni Dondon Monteverde at ng film director na si Erik Matti.
MAUREEN WANTS TO FOCUS ON ACTING
Inusisa rin Maureen kung may balak siyang pasukin ang beauty pageantry.
Sagot niya, “I feel, like, it’s a whole, really new step. I really wanna focus on acting first.”
Dagdag ng modelo, nangangailangan ng dedikasyon kung susuungin niya ang pagiging beauty queen.
“A lot of things you have to learn and it needs a lot of preparation. I need years to really be where I want to be.”
Sa ngayon, desidido raw si Maureen na ibuhos ang kanyang atensiyon sa pag-arte, bagamat hindi niya isinasara ang pinto sa iba pang posibilidad.
“I really wanna take the time to really focus on my craft and Tagalog as well.
“I’m not closing my doors. I’m turning 22, there’s still time, I’m still young.
“And you never know how I might see it in a few years.
"But for now, it’s not my priority," aniya tungkol sa beauty pageantry.
ON PREFERRED ROLES
Anong mga roles ang gusto niyang gampanan?
“I’m very open to a lot of roles," sabi ni Maureen.
"If I’m too close to my real personality… I can’t really portray it that well, because it kind of gets too real that it shows my awkwardness and what-not.
“I really wanna do a role that is so not me, so I wanna portray different characters.
"Because I wanna become a character, really make up a character.
“It’s hard to do if it’s close to you because it seems like the same person.”
Papayag ba siyang gampanan ang role na Valentina sa upcoming movie na Darna, kung sakaling i-offer ito sa kanya?
“I would, but I don’t think they would take me because of my Tagalog. I sound so foreign...
“How will they take me seriously if I sound so foreign?” may ngiti niyang sagot.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)