Kang Ha Neul beats Hyun Bin and Park Seo Joon at Baeksang Arts Awards 2020

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2020
Si Kang Ha Neul (pinakadulong kaliwa) ang itinanghal na Best Actor sa Baeksang Arts Awards 2020, para sa kanyang pagganap sa When The Camelia Blooms. Tinalo niya ang mga kapwa nominadong sina (mula pangalawa sa kaliwa) Nam Goong Min (Stove League), Park Seo Joon (Itaewon Class), Joon Ji Hoon (Hyena), at Hyun Bin (Crash Landing On You).
PHOTO/S: Twitter

Wala nang dahilan para magbangayan ang Filipino fans ng popular Korean actors na sina Hyun Bin at Park Seo Joon.

Parehong natalo ang dalawa sa Best Actor category ng Baeksang Arts Awards 2020 na ginanap ngayong Biyernes ng gabi, June 5, sa KINTEX Exhibition Hall, Goyang-si, South Korea.

Ang nakatalo sa kanila ay si Kang Ha Neul, na nanalo para sa pagganap nito sa When the Camellia Blooms.

Continue reading below ↓

Ang Baeksang Arts Awards ang prestigious award-giving body sa South Korea na katumbas ng Emmys at Oscars ng Amerika.

Sina Hyun Bin at Park Seo Joon ang itinuturing na mahigpit na magkalaban sa Best Actor dahil sa kanilang mga pagganap sa Crash Landing On You at Itaewon Class, respectively.

Ang Crash Landing On You at Itaewon Class ang dalawa sa mga pinaka-popular na Korean television series na tinatangkilik sa Netflix ng mga Pilipino.

Nang i-announce ang mga nominado sa 56th Baeksang Arts Awards noong May 7, 2020, nakisali ang mga Pilipino sa balitaktakan kung sino kina Hyun Bin at Park Seo Joon ang karapat-dapat na mag-uwi ng best actor trophy.

Ang iba pang nominadong best actor ay sina Nam Goong Min para sa Stove League at Joon Ji Hoon para sa Hyena.

BEST ACTRESS

Mahigpit din ang labanan para sa best actress, pero ang nagwagi ay si Kim Hee Ae ng top-rating na The World of the Married.

Continue reading below ↓

Tinalo niya sa ketagoryang ito sina Gong Hyo Jin (When the Camellia Blooms), Kim Hye Soo (Hyena), Son Ye Jin (Crash Landing on You), at IU (Hotel Del Luna).

Continue reading below ↓

Live na napanood ngayong hapon sa YouTube ang 56th Baeksang Arts Awards.

Gaya ng dapat asahan, ang Pinoy fans ang may pinakamaraming komento habang nagaganap ang pamamahagi ng parangal, kahit hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi ng mga Korean emcee at winners.

Hindi pinalad na manalo sina Hyun Bin at Park Seo Joon, dahil ang lead actor ng When the Camellia Blooms na si Kang Ha Neul ang nagwagi na best actor.

Hindi umuwing luhaan si Hyun Bin dahil sila ng kanyang Crash Landing On You leading lady na si Son Ye- Jin ang tumanggap ng special award na Tik Tok Popularity Award.

Continue reading below ↓

Nabigo man si Park Seo Joon na manalo na best actor, ang kanyang love interest sa Itaewon Class na si Kim Da Mi ang tinanghal na Best New Actress.

Best Supporting Actress winner naman si Kim Sun Young para sa performance nito sa Crash Landing On You.

Ang When The Camellia Blooms ang nanalo ng Daesang o Grand Prize.

Continue reading below ↓

Sa film category, ang Oscar best picture na Parasite ang itinanghal na best picture.

Pero hindi ang direktor na si Bong Joon Ho ang nanalong best director, kundi si Kim Bora para sa House of Hummingbird.

Sa halip, ang iginawad kay Bong Joon Ho ay ang Daesang o Grand Prize, na siyang pinakamataas na pagkakilala.

Continue reading below ↓

Star-studded ang award-giving ceremony, pero mahigpit na ipinatupad sa mga dumalo ang physical distancing dahil sa coronavirus pandemic.

Walang audience at magkakalayo ang mga nominado sa kanilang mga upuan.

LIS OF WINNERS

Ito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 56th Baeksang Arts Awards.

TELEVISION

Grand Prize - KBS for When the Camellia Blooms

Best Drama - Stove League from SBS

Best Director - Mo Wan Il for The World of the Married

Best Variety Show - Mr. Trot from TV Chosun

Best Educational Show - Giant PengTV from EBS

Best Screenplay - Lim Sang Choon for When the Camellia Blooms

Best Actor - Kang Ha Neul for KBS2 series When the Camellia Blooms

Best Actress - Kim Hee Ae for JTBC series The World of the Married

Best Supporting Actor - Oh Jung Se for KBS2 drama When the Camellia Blooms

Best Supporting Actress - Kim Sun Young for tvN series Crash Landing on You

Continue reading below ↓

Best New Actor - Ahn Hyo Seop for SBS drama Dr. Romantic 2

Best New Actress - Kim Da Mi for JTBC drama Itaewon Class

Best Male Entertainer - Yoo Jae Suk for MBC show How Do You Play?

Best Female Entertainer - Park Na Rae for MBC show Home Alone (I Live Alone)

Best Technical Achievement - Jang Yeon Ok for Great Escape

FILM / THEATER

Grand Prize - Bong Joon Ho for Parasite

Best Film – Parasite

Best Film Director - Kim Bora for House of Hummingbird

Best Screenplay - Lee Sang Geum for Exit

Best Actor - Lee Byung Hun for The Man Standing Next

Best Actress - Jeon Do Yeon for Birthday

Best Actor in Theatre - Baek Seok Gwang for Wife

Best Actress in Theatre - Kiim Jeong for Rotterdam

Best Supporting Actor - Lee Gwang Soo for Inseparable Bros

Best Supporting Actress - Kim Sae Byeok for House of Hummingbird

Continue reading below ↓

Best New Actor - Park Myung Hoon for Parasite

Best New Actress - Kang Mal Geum for Lucky Chan Sil

Best New Film Director - Kim Do Young for Kim Ji Young: Born 1982

Best Technical Achievement - Kim Seo Hee for The Man Standing Next

Bazaar Icon - Seo Ji Hye

TikTok Popularity Award - Hyun Bin and Son Ye Jin

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Kang Ha Neul (pinakadulong kaliwa) ang itinanghal na Best Actor sa Baeksang Arts Awards 2020, para sa kanyang pagganap sa When The Camelia Blooms. Tinalo niya ang mga kapwa nominadong sina (mula pangalawa sa kaliwa) Nam Goong Min (Stove League), Park Seo Joon (Itaewon Class), Joon Ji Hoon (Hyena), at Hyun Bin (Crash Landing On You).
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results