ABS-CBN series Pamilya Ko cancellation confirmed through farewell post on social media

by James Patrick Anarcon
Jun 13, 2020
ABS-CBN's prime-time series Pamilya Ko will no longer finish its run on TV, as confirmed by the Instagram post of the teleserye's official account yesterday, June 12.
PHOTO/S: Pamilya Ko (ABS-CBN)

Kumpirmadong hindi na rin babalik sa ere ang ABS-CBN teleserye na Pamilya Ko.

Ang Pamilya Ko ay ang early prime-time series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Rosanna Roces, at JM de Guzman.

September 9, 2019 nang magsimula itong umere sa telebisyon.

Huli itong napanood noong March 13, 2020, bago huminto sa taping ang lahat ng teleserye at entertainment programs ng Kapamilya network dahil sa enhanced community quarantine.

Noong May 5, 2020, hindi naging tiyak ang pagbabalik ng mga programa ng ABS-CBN dahil sa cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos mapaso ang prangkisa ng Kapamilya Network.

Dahil dito, tumigil sa ere ang pagbu-broadcast ng TV at rado stations ng ABS-CBN sa buong bansa.

Noong June 4, 2020, inanunsiyong magbabalik ang ilan sa mga programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, na eere sa cable at satellite TV.

Kabilang sa mga programang magbabalik ay tatlong teleserye: FPJ's Ang Probinsyano, Love Thy Woman, at A Soldier's Heart.

Continue reading below ↓

Hindi kasali sa listahan ng returning programs ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ang Pamilya Ko.

Nauna nang kinumpirma nina Ogie Diaz at Liza Soberano sa kani-kanilang social media posts na hindi na magbabalik ang Make It With You.

Kahapon, June 12, 2020, kinumpirma ng produksyon ng Pamilya Ko, sa pamamagitan ng post sa kanilang official Instagram account, na hindi na rin magbabalik ang programa sa ere.

Makikita sa litrato ang collage ng Mabunga family, o ang bidang pamilya sa Pamilya Ko.

Kabilang sa Mabunga family sina JM, Sylvia, Joey, Jairus Aquino, Maris Racal, Raikko Mateo, Mutya Orquia, Kira Balinger, Kid Yambao, at Kiko Estrada.

Nakalagay rin sa larawan ang text na: "Mabungang salamat, mga Kapamilya!"

Saad naman sa caption ng post: "Mabungang araw, mga kapamilya!

"Mahaba-haba na rin ang ating pinagsamahan. Katulad ng isang totoong pamilya, sabay-sabay tayong umiyak, nagalit, nagmahal, at tumawa.

Continue reading below ↓

"Saan man tayo makarating, lagi niyong tatandaan na mananatili kayo sa aming mga puso at isipan dahil kapamilya tayo forever.

"Maraming salamat sa suporta at hanggang sa muli nating pagkikita, mga ka-fruit salad! #PamilyaKo #RGEDramaUnit"

Isa ring IGTV video ang pinost ng Instagram account ng Pamilya Ko na nagpapakita ng behind-the-scenes pictures mula sa mga taping ng programa.

Continue reading below ↓

Nag-comment ng crying emoji sina Jairus at Mutya sa post na ito.

Pamilya Ko

HOT STORIES

Continue reading below ↓

Bago nito, nagkaroon pa ng online show ang cast ng Pamilya Ko habang naka-quarantine, na pinamagatang Pamilya Kowentuhan at ipinapalabas sa Youtube Channel ng ABS-CBN.

Ang Pamilya Ko ay sa ilalim ng produksyon ng RGE Drama Unit ng ABS-CBN, na pinamamahalaan ng business unit head na si Rizza Gonzales Ebriega.

Ang RGE Drama Unit ay isa sa tatlong drama units na nasa ilalim ng Scripted Format department ng ABS-CBN, na pinamamahalaan ni Ruel Santos Bayani.

Ang dalawa pang drama unit sa ilalim ng scripted format ay ang Star Creatives Unit, na may hawak ng Make It With You, at RCD Narratives, na may hawak ng A Soldier's Heart.

Ang iba pang ABS-CBN programs na babalik with fresh or live episodes ay Magandang Buhay, It's Showtime, The Voice Teens, ASAP Natin 'To, at Ipaglaban Mo.

Dalawang programa rin ang nakatakdang i-launch sa Kapamilya Channel: Iba 'Yan at Paano Kita Mapasasalamatan.

Ilan naman sa mga programang mag-eere ng replay ang Banana Sundae, Maalaala Mo Kaya, I Can See Your Voice, at Pinoy Big Brother.

Continue reading below ↓

MORE PEP GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN's prime-time series Pamilya Ko will no longer finish its run on TV, as confirmed by the Instagram post of the teleserye's official account yesterday, June 12.
PHOTO/S: Pamilya Ko (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results