Watch Now

Kyle Velino does not mind being hated for his role in Gameboys

by Jerry Olea
Jul 6, 2020
Kyle Velino on his role in Gameboys: “Terrence is a big challenge for me. And I've been waiting for this moment that's why I told myself that I'd do my best in portraying Terrence."
PHOTO/S: Instagram

Yummylicious pogilicious si Terrence (Kyle Velino), na gustong makipaglaro kay Cairo (Elijah Canlas) sa pagtatapos ng Episode 4 (“One Who Is Victorious”) ng Pinoy Boys Love series na Gameboys.

Nagulantang si Cairo sa username ni Terrence... GavreelsOnlyLove.

Sa Episode 5 (“Thrill of the Chase”), nagtagumpay si Terrence na paglaruan ang diwa ni Cairo. Nagkasira sina Cairo at Gavreel (Kokoy de Santos).

Sa Episode 6 (“Secret Party”), nabunyag ang secrets ni Terrence.

Cheater ang scheming hitod, at gustong makipagbalikan kay Gavreel matapos makipaghiwalay sa isang nagngangalang Michelle.

Nagkaharap-harap virtually sina Terrence, Gavreel, Cairo, at Pearl (Adrianna So).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ano ba ‘to... threesome? Nakakagulo ba ‘ko?” nakangiting pagbibiro ni Pearl.

Tinawag ni Terrence si Cairo na mukhang butiki. Parunggit ni Cairo, si Terrence ay mestisong mukhang palaka.

Diretsahang tinanong ni Terrence si Cairo kung may gusto ba ito kay Gavreel, at nagtapos ang episode na tuliro si Cairo kung aaminin na ang nais isigaw ng kanyang puso.

WHO IS KYLE VELINO?

Nag-aaral si Kyle ng kursong Export Management sa De La Salle College of Saint Benilde.

Dalawa ang kanyang lalawigan—Ilocos Norte at Cagayan. (Kaya may FB posts siya sa dalampasigan ng Pagudpud. At taga-Aparri rin sila.)

Nasa pangangalaga ng ABS-CBN Star Magic ang career ni Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang unang teleserye ay The Good Son (2017-2018). And then, nag-guest siya sa MMK at Ipaglaban Mo.

Nakasama rin siya sa mga TV series na Playhouse (2018-2019) at The Killer Bride (2019-2020).

Bago nagkaroon ng community quarantine, natapos na ang shooting ng unang pelikula na kasama siya—ang Regal movie na Mommy Issues, kung saan bida sina Pokwang at Sue Ramirez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Markado ang pagganap ni Kyle sa Gameboys bilang Terrence, ang “bubog” sa CaiReel.

Gameboys is my biggest break so far. That is why I'm very thankful to the IdeaFirst Company for trusting and believing in me,” lahad ni Terrence sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Messenger, nitong Hulyo 6, Lunes.

“Terrence is a big challenge for me. And I've been waiting for this moment that's why I told myself that I'd do my best in portraying Terrence.

“And I know some will really hate me because of my role... oh maybe not some, but all, haha!

“But I don’t mind being hated because if they hate you, it means you're effective and I'm good with that, haha!”

Nagpapasalamat si Kyle sa mainit na suporta ng fans sa kanilang BL series.

“And we promise to continue to work and strive hard just so we could give them the best series,” dagdag ni Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My family has always been very supportive in everything I do. And I am forever thankful to them and my friends.”

RURU MADRID LOOKALIKE

Magkamukha sila ng Kapuso actor na si Ruru Madrid!

“Yes, I get that all the time, haha! He's a great actor and who knows soon maybe we'll work together,” saad ni Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kyle Velino (left) and Ruru Madrid

Ikinukunsidera ba niya ang sarili na sexy? Na-motivate ba niya ang sarili na in love kay Gavreel?

“Well, I'm a sporty kind of guy. Ball is life! Trying hard to be sexy! Haha kidding!

“Uhmm, yes, I need to because that's my character and, like what I said, I've embraced the role of Terrence which is why I'm willing to do everything just to make Terrence an effective character.

“And yes, Terrence is in love with Gav so I think I should be, too, haha!”

Ano ang status ng kanyang love life?

“I'm single and waiting! Haha!”

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Velino on his role in Gameboys: “Terrence is a big challenge for me. And I've been waiting for this moment that's why I told myself that I'd do my best in portraying Terrence."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results