Kitkat downplays competition between new show with Anjo Yllana and Eat Bulaga

by Jerry Olea
Aug 13, 2020
Kitkat on new show with Anjo Yllana having the same timeslot as Eat Bulaga: “Hindi ko po masasabi na kalaban or karibal, kasi iba naman din po ang concept nung amin. Kumbaga, magkakataon lang, in a way, na makatapat sa oras yung show. Pero kumbaga sa ulam, pwede namang salit-salit or alternate ang kakainin ng mga tao, di po ba?”
PHOTO/S: Instagram

Nakalagay sa Facebook profile ni Kitkat na dati siyang "yaya" sa Dabarkads ng Eat Bulaga.

Sa forthcoming noontime show ng Net 25 na Happy Time, silang dalawa ni Anjo Yllana ang magho-host, at tatapat sa Eat Bulaga! na kapwa pinanggalingan nila.

“Hehe! Opo, ako po si YAYA-in sa Kalyeserye hehe!” pagtukoy niya sa segment noong ng Kapuso noontime show na naglunsad sa phenomenal love team na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.

“Tapos, one year din po akong gumawa ng serye sa APT, yung Princess In the Palace.

"And madalas pa rin po akong mag-guest sa Eat Bulaga! bago mag-pandemic.

"And super-family po ang turing ko sa Eat Bulaga! at masarap ang pakiramdam ko po kapag andoon ako...

“Super-happy ko po everytime mag-guest ako ng Eat Bulaga.”

Ang APT ang blocktimer producer ng noontime show at iba pang programa ng GMA-7.

Ituturing na ba niyang kalaban o karibal ang Eat Bulaga!, na nagdiwang ng 41st anniversary noong Hulyo 30?

Continue reading below ↓

“Ay, hindi po! Never ko po yun maiisip na ganun!” paglilinaw ng 32-anyos na sexy comedienne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Agosto 13, Huwebes ng hapon, via Messenger.

“Kasi, pangarap ko pong maging regular host doon simula bata pa lang po ako. Sino ba ang hindi nangarap na makasama sa Eat Bulaga?

“Super-family ko pa rin po sila at siyempre, sa iba nilang mga show, pwede pa rin naman akong mag-guest.

“Hindi ko po masasabi na kalaban or karibal, kasi iba naman din po ang concept nung amin.

"Kumbaga, magkakataon lang, in a way, na makatapat sa oras yung show.

"Pero kumbaga sa ulam, pwede namang salit-salit or alternate ang kakainin ng mga tao, di po ba?”

BACK TO WORK AMID PANDEMIC

Agosto 11, Martes, nag-post ni Kitkat sa Instagram at Facebook na first time niyang lumabas ng bahay matapos ang limang buwan at pitong araw.

Kapagkuwan ay may post siya na tila pumipirma ng kontrata.

Continue reading below ↓

Nang araw na iyon din nag-post si Anjo sa Facebook kaugnay sa pagre-resign nito sa Eat Bulaga! after 21 years, at napabalitang iho-host nila ni Kitkat ang noontime show ng Net 25 na Happy Time.

Kailan nalaman ni Kitkat ang tungkol sa Happy Time, at ano ang kanyang unang reaksiyon?

Continue reading below ↓

“Ang bilis po ng mga pangyayari, like, mga usap lang po sa fone, et cetera, then nag-zoom meeting na hindi ko pa po sure kung ako na talaga,” saad ni Kitkat.

“And then finally, yun na nga, ipe-present daw ang buong show. Then, sinabi ang details, kasama ang mga creative, director, staff. Story conference, kumbaga po.

“Then, yun na po, super-good news na pirmahan na po ng contract.”

Na-miss na ba niya ang pagtatrabaho? May takot o agam-agam ba siyang magtrabaho sa panahon ng COVID-19?

“Ay, opo! Miz na miz! Ang dami ko pong na-turn down na projects for the past five months and seven days na hindi ko paglabas,” pag-amin ni Kitkat.

“Kung dati, morena ako—ngayon, super-see through na ako sa puti. Wahahahaha! Joke po!

“Pero sobrang praning ko po. Kasi, bukod sa may PTSD [post-traumatic stress disorder] ako, takot na takot ako.

“Kung anu-ano ang naiisip ko na baka nasa hangin ang virus, so kahit bintana, hindi ako nagbubukas. At kahit lumabas sa garahe, hindi po!

Continue reading below ↓

“Kapag pumunta ang kuya ko sa bahay, hanggang garahe lang siya. Sa CCTV ko na lang siya kinakausap. Nag-a-alcohol pa ako at mask. Hahahahaha!

“Pero yun, gusto ko na po talagang mag-perform at mag-work, super nare-restrict lang ng kapraningan ko, though I get to perform sa live streams tulad ng KUMU app, nagko-comcert po ako dun.”

KITKAT NEEDS TO WORK

Kailangan na ba niyang magtrabaho dahil sa tambak na bills at bayarin? O keri pa na ma-extend ang “staycation” niya habang may pandemic?

“Kailangan na po talaga. Nakakadagdag po sa stress at depression ko ang walang ginagawa,” tugon ni Kitkat.

“Pag magbabayad ng bills at iba pang pinagkagastusan, nade-depress ako lalo na puro palabas ang pera, paubos na ang ipon ko, at walang pumapasok.

“Sa stress ko at takot sa virus, may tatlong araw na hindi ako makatulog.

"Lahat ng worries, nasa akin. Takot sa virus, at siyempre, yung mga negosyo na nawala. Nagsara.

Continue reading below ↓

“Pati business ng magulang ko na school bus sa school, wala. So, lahat kami, napilayan talaga.

“May times na yung mga gamot kong pampatulog at sa depression, minsan, hindi gumagana.

“Kailangan ko na po talaga ulit maging busy, kumayod at magpakita ng mga talento ko.

“Need magtrabaho, plus need na mahasa uli ang pag-host, perform, kanta, et cetera.”

HAPPY TIME

Ano ang latest update sa Happy Time nila ni Anjo?

“Super-happy, excited at kinakabahan ako. Kasi, biro mo, main hosts po kami ni Kuya Anjo, sariling show, at ako pa ang kakanta ng theme song,” sagot ni Kitkat.

“Sobrang I feel blessed po talaga na eto, kinatok sa akin ni God, na para sa akin ‘to. Bigay Niya sa akin kaya poprotektahan Niya ako.

“Pero praning, ingat pa rin! Kumbaga, do your best and God will do the rest.

“Noontime/variety/game show po siya na hatid ay makatulong sa mga kababayan natin.

Continue reading below ↓

“Bukas po, shoot na. We’ll start our dry run very soon. Then, push... salang na!

“Target, September. Latest, October ie-air.”

MORE GUIDE ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat on new show with Anjo Yllana having the same timeslot as Eat Bulaga: “Hindi ko po masasabi na kalaban or karibal, kasi iba naman din po ang concept nung amin. Kumbaga, magkakataon lang, in a way, na makatapat sa oras yung show. Pero kumbaga sa ulam, pwede namang salit-salit or alternate ang kakainin ng mga tao, di po ba?”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results