Korina Sanchez on rival programs: “I would like to think ako yung kinokopya!”

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2020
Korina Sanchez to fellow TV5 broadcasters: "I’m very, very happy and I feel very, very blessed na kasama ko na kayong lahat, bilang mga Kapatid.”
PHOTO/S: Courtesy: Brightlight Productions on Facebook

Excited na si Korina Sanchez sa kanyang pagbabalik sa free-to-air television simula Oktubre 24.

Ito ay sa pamamagitan ng Rated Korina na mapapanood sa TV5, 4 to 5 P.M., tuwing Sabado.

“Who would have thought na mawawala ang ABS-CBN, right?

“Ni sa hinagap, di natin naisip yun. And ni sa hinagap, di natin naisip na magbabagong address kami, bagong bahay.

“But I’m very, very happy and I feel very, very blessed na kasama ko na kayong lahat, bilang mga Kapatid,” pahayag ni Korina sa programang ‘Wag Po ng One PH kagabi, October 14.

Ang mga host ng ‘Wag Po ay sina (ibaba, L-R): Lourd de Veyra, Melvyn Calderon, Patrick Paez, Manuel Mogato, Ed Lingao, at Jove Francisco.

Continue reading below ↓

Naitanong din kay Korina kung ano ang kaibahan ng Rated Korina sa dati nitong programa sa ABS-CBN na Rated K.

Tugon ng 56-year-old veteran broadcaster, “You know, as we talk about certain things that have to change, there are certain things also that should not change.

“And, I think, we’ll always be constant sa trabaho namin bilang mamamahayag and creatures of television—we will tell the stories as they are.

“Yun ang isang bagay na pinagmamalaki namin hanggang ngayon."

Sabi pa ni Korina, “We are done with our first episode.

"We shot. We look for the stories, and I particularly told my team, ‘You cannot look for stories online, ha, you have to look for stories the traditional way, as it was before. You go out there and ask around kung ano yung wala pa online.’

"Yun ang mga gusto kong istorya. And ang Pilipino, hindi ‘yan mauubusan ng istorya.

“And sobrang mamamangha ka din sa ibang mga istorya na nahanap namin, tatak Rated K talaga ‘yan.

Continue reading below ↓

“And in this case now, tatak Rated Korina.”

Nagbahagi rin si Korina ng ilang istorya na maaaring abangan ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang pilot episode.

Isa na rito ang isang babae na nakatira sa isang van.

Kuwento niya, “Ito naman, van dweller ‘yan, isang babae na nagdesisyong tumira sa loob ng kanyang van. She has been living in that van for nearly three years.

“So, hindi mawawalan ng bagay na magpupukaw ng interes ng Pilipino.

“And ‘yan ang bagay na hindi magbabago.

"Anong magbabago? Well, we want to make it better, we want to make it more attuned also to social media because that is where everybody now is going.

“Medyo may pagka-2.0 yung Rated Korina hambing dun sa Rated K dati.”

Tuloy pa rin daw ang pagbibigay nila ng mga tsinelas sa mga bata, pero sa pagkakataong ito ay magbabahay-bahay na sila dahil sa COVID-19 pandemic.

RIVAL PROGRAMS

Inusisa naman ni Lourd si Korina kung ano ang masasabi niya sa mga kakumpitensiyang programa ng Rated Korina.

Continue reading below ↓

Hindi man direktang binanggit, mukhang ang tinutukoy ni Lourd ay ang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ni Jessica Soho sa GMA-7. Nabanggit kasi niya ang “parehong format, multu-multo” na ginagawa ng KMJS.

Sa pagkakatong ito, magkakaiba ang timeslot ng KMJS at Rated Korina.

Saad ni Korina, “Kumpetisyon? Well, you know, I think, because of the pandemic, because of social media, because of the temporary demise of ABS-CBN, I think competition will now be redefined.

“People are still struggling to find their place again.

“And even when we think we’re in normal [situation], since thirty years ago, hanggang ngayon, talagang ang style ko talaga ay hindi kumpetisyon, kung hindi talagang maglabas lang ng pinakamagaling na kakayanin ko.

“Parang, I really just compete with myself. I hardly look left and right in everything or anything I do.

“So, even in television, ang lahat ng kakumpetisyon ko ay kaibigan ko sila.”

Unang napanood ng publiko ang Rated K noong May 2004.

Continue reading below ↓

Anim na buwan ang lumipas, inilunsad naman ng GMA-7 ang Kapuso Mo, Jessica Soho noong November 2004.

Pero bago pa ang Rated K, may Balitang K na si Korina mula 1996 hanggang 2001. Araw-araw itong napapanood sa telebisyon tuwing hapon bago ang TV Patrol.

Kaya humahalakhak na sambit ni Korina, “And I would like to think na ako yung kinokopya. Hahaha!

“I would like to think na original yung konsepto namin.”

Sinegundahan naman ito ng mga host, lalo na si Patrick na nakatrabaho niya noon sa ABS-CBN.

Dagdag pa ni Korina, “It was successful, ‘yon yung ginagaya ‘no. Pero minsan, mas magaling talaga sila, kung minsan kami pa rin.

“Pero it's really about reinventing yourself over and over and over again. And getting ahead of yourself.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez to fellow TV5 broadcasters: "I’m very, very happy and I feel very, very blessed na kasama ko na kayong lahat, bilang mga Kapatid.”
PHOTO/S: Courtesy: Brightlight Productions on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results