What October 17 means to Kapamilya stars Ogie Alcasid, Regine Velasquez

by Arniel C. Serato
Oct 18, 2020
Ogie Alcasid greets wife Regine Velasquez: "Happy Kapamilya anniversary to us mahal."
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid on Instagram

Remember when the Asia’s Songbird Regine Velasquez became a Kapamilya?

Pumirma si Regine ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN noong October 17, 2018.

Anniversary niya kahapon, pero walang social-media post ukol dito ang actress-host.

However, ang mister niyang si Ogie Alcasid ay may trivia na ibinahagi sa kanyang Instagram feed.

Pareho pala sila ng petsa ng pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN. Magkaiba lamang ang taon.

Ayon pa sa singer-songwriter sa kanyang post, “On Oct 17, 2017, i was officially a kapamilya.

“The following year on Oct 17th, wifey also became a kapamilya and we were totally unaware of the coincidence.

“Happy kapamilya anniversary to us mahal @reginevalcasid #allglorytoGod

Continue reading below ↓

Bago pumirma sa ABS-CBN, naging exclusive artist muna si Ogie sa TV5 mula 2013 hanggang sa mag-expire ang kanyang kontrata sa Kapatid network noong August 2017.

Naging solid Kapuso naman siya sa loob ng 18 taon bago lumipat sa TV5.

Sabi pa ni Ogie noon tungkol sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network, “Pero parang ito yung perfect time na ginawa ni God for me to come back. So yun lang.

“Siya yung parang nagmaniobra ng lahat para maging ito yung tamang oras for me to come back.”

REGINE: “I WANT TO WORK WITH THEIR TALENTED SINGERS”

Dalawang dekada naging Kapuso si Regine bago ito naging Kapamilya.

Noong contract-signing ng Songbird, nagpasalamat siya sa GMA-7, kung saan naging staple siya sa Sunday noontime shows—mula S.O.P., Party Pilipinas, at Sunday All Stars; naging host ng reality singing contests na Search for a Star, Pinoy Pop Superstar, Are You The Next Big Star, at The Clash; naging female lead sa series na Ako Si Kim San Soon, Poor Señorita, Diva, I Heart You, Pare, among others.

Continue reading below ↓

Ang pahayag ni Regine: "The main reason really is, first of all, I just wanna say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them.

"I am very grateful to them dahil po sa kanila, napatagal po ang aking career, nabigyan ako ng pagkakataon na mag-host, mag-serye, at marami pang iba.

"So, sa akin po, maraming salamat po sa GMA."

Ang pinakarason raw talaga ng kanyang paglipat ay ang kanyang karera bilang singer.

Noong panahong yun, ang Sunday noontime block, na for the longest time ay okupado ng musical variety show, ay naging comedy variety show na Sunday PinaSaya.

Saad niya, "No... you know, at my age and at the stage of my career, we all know, you know, alam nilang lahat ng mga reporters dito na mga kaibigan ko na hindi naman ako ilusyunadang tao.

"Alam ko naman kung ano yung lugar ko sa industry.

Continue reading below ↓

"Sobra akong touched na touched sa welcome na ibinigay sa akin ng ABS-CBN kasi hindi ko akalain na ganun ako kaimportante, hindi po ako mailusyunadong tao.

"But the reason why I'm here is because hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta, and I want to work with their talented singers.

"Yun talaga yun, na bago man lang matapos yung career ko, masabi kong nakatrabaho ko din ang number one station."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid greets wife Regine Velasquez: "Happy Kapamilya anniversary to us mahal."
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results