Jimpy Anarcon:
Usung-uso ngayon ang dance covers ng K-pop songs sa variety shows!
Ang Blackpink hit na “How You Like That,” may tatlong versions na sa iba’t ibang Sunday noontime shows.
Nauna na si Ai-Ai Delas Alas kasama ang XOXO (Dani Ozaraga, Lyra Micolob, Riel Lomadilla, and Mel Caluag) sa All-Out Sundays noong September 27, 2020.
Sinundan naman ito ni Kim Chiu with A.S.K. (AC Bonifacio, Sheena Belarmino, and Krystal Brimner) sa ASAP Natin ‘To noong October 18, 2020.
At latest si Maja Salvador na solo ang performance with a few back-up dancers sa Sunday Noontime Live last Sunday, October 24.
Bakit ba hindi pa sila nagtapat-tapat?! Hahaha!
Pero, siyempre, hindi papakabog ang bawat isa sa kanilang performance!
Rachelle Siazon:
Iba talaga ang influence ng K-pop group na Blackpink dahil total package ang galing nila sa kanta, sayaw, fashion style, at swag.
Biruin mo, four to six years ang training nila sa YG Entertainment, isang South Korean entertainment company, bago sila nag-debut noong 2016.
Bukod sa kahanga-hanga ang journey nila para maabot ang kanilang pangarap, relatable ang danceable tracks nila kaya patok kahit sa international scene.
Sina Kim at Ai-Ai, bukas sa pagsasabing idol nila ang Blackpink, kaya hindi ito ang unang beses na nag-perform sila ng Blackpink dance number sa stage.
Ganun din si Maja Salvador na ilang beses nang gumawa ng dance cover ng Blackpink songs noon.
Kaya bilang performers, hindi talaga nila palalampasin ang pagkakataong gawan ng cover ang hit song na "How You Like That."
STAGE AND EXECUTION
Jimpy Anarcon:
Dinaan tayo sa pailaw ng tatlong performances na gamit na gamit ang LED lights para sumabay sa sayawan.
Same ang AOS at ASAP dahil solo sina Ai-Ai at Kim sa stage with back-up dancers, habang ang performance ng girl groups na kanilang kasama ay taped at isinabay sa LED screen.
Si Maja naman, nagsolo sa kanyang dance number pero meron siyang kasamang props na moving clothing rod to support her dance moves!
Rachelle Siazon:
Agree ako, Jimpy, na pare-parehong bongga ang stage at pailaw sa performance ni Ai-Ai sa All-Out Sundays, Kim sa ASAP Natin 'To, at Maja sa Sunday Noontime Live.
Mas malikot lang ang spotlight ng sa ASAP at SNL dahil marahil dance covers ang ginawa nina Kim at Maja roon.
Habang si Ai-Ai, mas naka-focus sa kanta kaysa sa sayaw. Back-up singers niya rito ang The Clash alumni na sina Dani, Lyra, Riel, at Mel.
Bitin ako sa dance number ni Kim dahil may exposure rin ang A.S.K., na sumayaw din ng "How You Like That." Gusto ko pa kasi sana makita ang ibang dance moves ni Kim.
Solo number si Maja, kaya mas na-enjoy ko na panoorin ang version niya ng “How You Like That.”
Jimpy Anarcon:
Oo nga, mas malikot din ang camera moves ng sa ASAP at sa SNL. Iyong kay Ai-Ai kasi, medyo steady lang nga dahil di naman siya sumasayaw.
Pero kabog kasi very different ang kanya dahil may involvement na ng pagkanta, whereas iyong other two, mas concentrated sa sayaw.
Iyong kay Kim at Ai-Ai nga pala ay parehong part ng opening numbers in their respective episodes, at parang solong production naman ang kay Maja.
In fairness, maganda naman ang pagkaka-marry ng performances sa LED screen at sa stage ng ASAP at AOS. Pero mas obvious na high-definition ang camera na ginamit ng A.S.K. sa ASAP than sa ginamit ng XOXO sa AOS.
LOOK AND PERFORMANCE
Rachelle Siazon:
Certified queen of the dance floor talaga si Maja dahil sa galing niya sa pagsasayaw.
Bukod sa kuha niya ang steps ng kanta, nag-shine rin ang tatak-Maja na sexy hair whip at booty shake.
Habang pinapanood ko siya, mas angat sa akin ang sarili niyang galing sa dance floor, kaysa sa kung nagaya ba niya ang Blackpink.
Itinodo rin ni Maja ang floor work moves niya kasi chorus pa lang ay ginawa na niya. Si Kim ginawa niya lang sa ending ng song, tulad ng sa Blackpink.
Si Kim naman, parang papasa siyang Koreana at talagang na-perfect na niya ang look ng Blackpink.
Gayang-gaya niya ang fashion style ng K-pop group, at magaling din naman siyang sumayaw.
Nakakatuwa naman si Ai-Ai na talagang nag-effort na kantahin ang Korean song na “How You Like That.”
Naaalala ko, na-interview siya sa Cabinet Files tungkol sa “How You Like That” performance niya.
Hindi kasi maiiwasan na mag-expect ang fans ng Blackpink, aka Blinks, ng performance level katulad ng iniidolo nila sa oras na gawan ng cover ang kanta ng mga ito.
Aminado si Ai-Ai na may mga bumatikos sa performance niya, pero deadma siya. Super fan lang daw talaga siya ng Blackpink.
Jimpy Anarcon:
Grabe si Maja. Maja is Maja. Imagine, mag-isa lang siya with two or three back-up dancers pero dalang-dala niya ang stage!
Although parang halatang medyo napagod na siya sa dulo, pero makikita mong binawi niya uli sa part na patapos na. Grabe ang pilantik ni Maja at super bagay sa kanya talaga iyong ganoong hairstyle kapag duma-dance diva mode na siya!
Agree din sa look ni Kimmy, dalang-dala niya ang K-pop look. Although parang kulang sa energy ang performance niya at mas bigay-todo ang performance nina AC, Sheena, at Krystal sa kanya, lalung-lalo na si AC.
Grabe si AC, kaya naman pala winner ang kanyang “How You Like That” dance cover sa pa-contest ng Blackpink kasi give na give talaga! Siya rin ang nag-stand out sa A.S.K.
Don’t get me wrong, magaling din naman si Kim sumayaw, pero super impressive talaga ang performance ni AC, to think hindi pa ito sa stage. Sabagay, kilala naman natin siya as a very good dancer ever since. I wonder paano kaya if sa stage siya sumayaw.
Sa AOS naman, magaling talaga ang XOXO. Ever since, kahanga-hanga ang vocals nila. Sayang din at sana sa stage sila nag-perform, pero ibinigay pa rin nila ng bongga kahit recorded.
Si Ai-Ai naman, kahit maraming nang-bash sa kanya—at aminin na natin, hindi talaga K-pop level ang performance niya—pero kilala naman siya bilang Comedy Concert Queen.
Naibigay naman niya ang comic timing sa performance. I don’t know if that is the intention pero na-entertain naman ako, in a comic way.
Siyempre, iba ang entertainment na ibinigay noong SNL at ASAP performances dahil iyon talaga, performance kung performance na parang pang-concert party.
OVER-ALL VERDICT
Jimpy Anarcon:
Pero kung pagkukumparahin ang tatlo, pinakanagustuhan ko si Maja because unang-una, sinolo na niya talaga.
And SNL made sure na magbigay ng ibang flavor, at dapat lang naman dahil nauna na iyong dalawa, hence, the dance mix ng kanta and the props na ginamit, mas bongga.
Pero alam naman na natin yan, kabog talaga si Maja sa pagsasayaw. Idamay mo pa ang look niya!
Sa case nila Ai-Ai at Kim, medyo mas nag-stand out kasi ang mga kasama nila na naka-LED screen lang.
Grabe ang pagsasayaw ng A.S.K. lalung-lalo na si AC, at iba ang power ng vocals ng XOXO.
Hindi ko naman dini-discredit ang galing ni Kim. It’s just that parang less ang energy niya sa araw na iyon.
Pero kasi naman, all-week working hard na siya dahil bukod sa ASAP ay nagshu-Showtime pa siya. For sure naman, mababawi niya pa ang energy sa ibang performances!
Besides, cute din ang performance niya ng “Ice Cream” ng BLACKPINK in the same episode, pero napansin din na hindi siya ganoon ka-energetic.
Can’t wait to see kung ano pa magiging performance niya as ASAP’s Queen of the Dance Floor.
Si Ai-Ai naman, alam naman natin talaga ang prowess niya sa comedy. Nakakatuwa how she mixes her comic timing sa mga live or stage performances niya.
Of course, her version won’t sit well with everyone, especially with the fans—both of BLACKPINK and of concert-TV shows, pero hanga ako dahil kayang-kaya niya pa rin ang pagbibigay ng entertainment at kebs siya, basta naibigay niya ang comic timing!
Napansin ko rin, lagi siya nagba-viral kasama ang XOXO! Naalala ko iyong “Bang Bang” performance nila sa The Clash na hindi niya alam ang lyrics! Pero super hagalpak sa tawa ang ginawa niyang “sssh... bawal maingay!”
Rachelle Siazon:
Para sa akin, nag-shine talaga si Maja. Feeling ko effortless na sa kanya ang pag-aaral ng dance steps, at ayun nga, nabigyan pa niya ng sariling flavor. Nasa kanya naman talaga ang korona sa dance floor kahit nung nasa ASAP pa siya.
Pero cute rin si Kim at papasang BLACKPINK member dahil sakto ang look at dance moves niya.
Hindi rin naman pahuhuli sa trend si Ai-Ai dahil kahit noong uso ang electronic dance music na party songs, naglabas pa siya ng sarili niyang kanta na mala-EDM ang estilo—iyong “Nandito.”
Kung may chance nga naman na gawin ang mga interes mo, why not? Do what you love, ika nga.
Hay, grabe! Hindi talaga maiiwasan na ma-compare ang production numbers ng ASAP, SNL, at AOS, lalo na ngayon na tatlo na silang nagtatapatan sa Sunday noontime shows. Excited ako na makapanood ang iba pang mga showdown nila.
PEPsters, kaninong “How You Like That” Sunday noontime performance ang pinaka-bet ninyo: Ai-Ai Delas Alas with XOXO in AOS, Kim Chiu with A.S.K. in ASAP, or Maja Salvador in SNL? Sagot na sa ating poll!
Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!