Hindi mapapanood sa isang Boys’ Love o BL project ang hunk actor na si Kit Thompson sa ngayon.
Ito ay hindi dahil sa hindi tipo ng 23-year-old Filipino-Kiwi actor ang mga kuwentong BL, na nagtatampok sa romantic love sa pagitan ng dalawang lalaki.
Ang katuwiran ni Kit, marami nang aktor ang sumasabak sa BL projects, na nauso ngayong 2020.
Hindi raw siya iyong tipong gagawin ang isang project dahil lang usung-uso iyon.
Sinabi ito ni Kit sa virtual presscon ng iWant series na La Vida Lena nitong Sabado, November 7.
Sa serye, isa si Kit sa tatlong leading men ni Erich Gonzales.
Ang dalawa pa ay sina Carlo Aquino at JC de Vera.
Ipalalabas na sa iWant ang La Vida Lena sa Sabado, November 14.
“I ALWAYS TRY TO DO SOMETHING NEW”
Nagawi sa BL ang pakikipag-usap ng mga miyembro ng media kay Kit matapos sabihin ng aktor na gusto niyang sumubok ng iba-ibang pagganap.
Ayaw raw kasi niyang nata-typecast sa isang role, sabi ni Kit.
“I just enjoy doing different things na hindi ko pa na-try dati.
“I feel I get a rush of emotion every time because it's new.
“I don’t want to do the same things over and over again because mabo-bore ako, or I wouldn’t be that interested in it anymore.
“So, I always try do something new,” paliwanag ni Kit.
Dahil sa sinabi niyang ito, naitanong kay Kit kung interesado ba siyang subukan ang BL genre.
Naging honest si Kit sa kanyang sagot.
“The thing is, I feel like ang daming lumabas na BL recently. I feel like it’s so crammed.
“In 2020, like, ilang mga BL films na lumabas.
“I also don’t want to join the bandwagon just so I can say I did,” paglilinaw ni Kit.
Sa nakalipas na mga buwan, maraming young actors na tulad ni Kit ang gumanap ng BL roles.
Kabilang sa kanila sina Kokoy de Santos, Elijah Canlas, JC Alcantara, Teejay Marquez, Jerome Ponce, at maging ang isa pang hunk actor na si Tony Labrusca.
A ‘REALLY GOOD ROLE” FOR KIT
Ayon kay Kit, ang pinupuntirya niya ay isang magandang role na makakatulong upang mahasa ang kanyang acting skills.
“I want to get something really good, and then think about whether or not I should do this role or whatever the offer is,” pagbibigay-diin pa ni Kit.
Pagkalabas sa Bahay Ni Kuya bilang Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 housemate noong 2012, kaagad sumabak sa drama acting si Kit sa Kapamilya teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan at sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya.
Napanood din siya sa mga pelikulang #Y (2014) at The Hows of Us (2018).
Bida naman si Kit sa indie film na Belle Douleur at sa iWant original na MOMOL Nights, na parehong ipinalabas noong 2019.
Taong 2019 din nang gumanap si Kit sa primetime series na Sino Ang May Sala: Mea Culpa, at napanood din siya sa teleseryeng Pamilya Ko ngayong taon.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
