Jerome Ponce-Teejay Marquez "near kiss" moment in Ben X Jim; other BL series updates

by Jerry Olea
Nov 20, 2020
(Left) Teejay Marquez and Jerome Ponce share a tender moment in Ben x Jim; (right) Kiko Ipapo and Jovani Manansala defy time and space in Happenstance.

Mahigit P250K ang ambag ng Gameboys fandom sa fund-raising nitong Nobyembre 18, Miyerkules, 8:00-10:25 p.m., sa pangunguna nina Elijah Canlas, Kokoy de Santos, Adrianna So, at Kyle Velino.

Post ng The IdeaFirst Company (producer ng BL series na Gameboys) nitong Nobyembre 19, Huwebes, sa Facebook at Twitter:

“We can't thank you all enough for raising P250,558.18 in our short #AyudangGameboys last night! All the money will go to relief for the Typhoon survivors thru our tireless friends at @alagangkapatid. Mabuhay ang Global Gameboys Community!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Setyembre 13 pa nag-finale ang season 1 ng CaiReel/EliKoy series, pero mainit pa rin ang suporta sa kanila ng Gameboys fans.

Sa Nobyembre 23, Lunes ng 9:00-9:30 p.m., mapapanood na sa TV5 ang Xmaseryeng Paano Ang Pasko? kung saan isa sa mga bida si Elijah.


Sa Nobyembre 24, Martes ng 9:30 p.m., naman mag-uumpisa sa TV5 ang Stay-In Love nina Kokoy at Maris Racal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BEN X JIM

Pasabog ang Episode 6 ng Ben x Jim na nag-premiere nitong Nobyembre 19, Huwebes ng gabi, sa YouTube channel ng Regal Entertainment, Inc.

Iyong eksena na magkatabi sa kotse sina Ben (Teejay Marquez) at Jim (Jerome Ponce) ay reminiscent ng isang eksena nina Maggie (Nora Aunor) at Jun (Tirso Cruz III) sa 1989 Regal movie na Bilangin Ang Bituin Sa Langit, na idinirek ni Elwood Perez.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Stars Align" ang theme song ng Ben x Jim, at mahilig mag-stargazing ang dalawang bida rito.

Magkapatid ba sa ama sina Ben x Jim, kaya imbyerna kay Azon (ina ni Jim) ang ina ni Ben? At kaya parang ikinatuwa ng ama ni Jim ang pagkamatay ni Azon?

Ayon sa source ng PEP, hindi. Mas malamang na nagka-affair ang ama ni Ben at ang ina ni Jim.

Meron daw season 2 ang Ben x Jim!

Kasi nga, ambilis mag-1M views ang episodes ng Ben x Jim na idinirek ni Easy Ferrer. Ang first five episodes nito ay pawang lampas sa 1M views.

Sa Disyembre raw magsu-shoot si Direk Easy ng second season nito.

HELLO STRANGER THE MOVIE

Naka-pin sa Twitter account ng Black Sheep mula noong Nobyembye 4, “the gang’s getting back together this month!”

Naka-tag sa tweet sina Tony Labrusca, JC Alcantara, Patrick Quiroz, Vivoree Esclito, Migs Almendras, at Gillian Vicencio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa source ng PEP, nag-umpisa na ang shooting ng movie version ng Hello Stranger, pero hindi pa nakukunan si Tony.

Nasa shoot pa si Tony ng Kapamilya series na Bagong Umaga, kaya iyong ibang cast members muna ng Hello Stranger ang nag-shooting. Hahabol si Tony this weekend.

More or less ay two weeks ang lock-in shoot ni Tony sa sequel ng Hello Stranger, saka siya babalik sa set ng Bagong Umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maghahalikan na kaya ang XavMi?


JC Alcantara (left) and Tony Labrusca

MY EXTRAORDINARY SEQUEL

Mapapanood ang finale ng My Extraordinary sa Nobyembre 22, Linggo, sa GagaOOLala at sa YouTube channel ng Asterisk Digital Entertainment.

Sa dulo ng finale, ipapakita kung sinu-sino ang kasama sa sequel nito na (My Extraordinary) Kiss To Remember.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Opo! Kasama sa (My Extraordinary) Kiss To Remember ang mga bida ng My Extraordinary na sina Enzo Santiago at Darwin Yu, plus Yayo Aguila, Karissa Toliongco, Jojit Lorenzo, Catcat Sanchez, and Z Mejia.

Andiyan din sina Bryan Olano, Kamille Filoteo, Kayden Soriano, Christine Lim, Christian Estrada, Sam Cafranca, Phillip Dula, Mike Cabrera, at Gio Emprese.

Meron pang ibang kasama sa cast nito na ire-reveal in due time.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enzo Santiago (left) and Darwin Yu

“Malamang na Pebrero 2021 mag-umpisa ang shoot ng A Kiss To Remember,” sabi ng AsterisK publicist na si Byx Almacen nitong Nobyembre 20, Biyernes, via Messenger.

“Then, susundan ng Meet Me In Bangkok na pagbibidahan ng dalawang Thai actors (one is from GMMTV) at dalawang Filipino actors. Co-prod ito ng different production companies from Philippines, Thailand, and China.”

Siyangapala, makakasama si Enzo Santiago sa isang TV series, at magsu-shoot si Z Mejia ng isa pang BL project sa Disyembre.

IN BETWEEN SEASON 2

Magtatambal sina Genesis Redido at Kaloy Tingcungco sa microseries na Meet Me Outside.

OK lang iyon kay Migs Villasis, ang katambal ni Genesis sa BL series na In Between (Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam) na nagtapos noong Oktubre 10 sa YouTube channel ng USPH TV.

May sariling project si Migs, ang miniseries na Stigma kasama sina Ivan Chan, Gio Ramos, at AJ Buslon, sa direksyon ni Briliant Juan na direktor din ng In Between.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Stigma ay ipalalabas sa Koobu channel sa YouTube. Tatalakay ito sa iba't ibang uri ng stigma sa buhay.

Samantala, pumirma na sina Migs at Genesis para sa Season 2 ng In Between.

Mag-uumpisa sila ng shooting sa Disyembre, at malamang na sa Enero 2021 ito mag-premiere.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Genesis Redido (left) and Migs Villasis

“Yes, may ibang ginagawa si Gen now. Happy ako na may mga nagbubukas na opportunity sa kanila,” lahad ni Direk Briliant nitong Nobyembre 20, Biyernes, via Messenger.

“Si Renshi de Guzman [isa sa mga kabarkada sa In Between] ay kasama sa ABS-CBN teleserye ni Erich Gonzales na La Vida Lena. Ngayon po ay nasa taping pa rin siya.

“Sa season 2 ng In Between, flashback kung paano nag-start ang lahat at kung paano ang relasyon ng TauTep sa present.

“May mga madadagdag sa cast ng second season. Hindi pa finalized kung ilang episodes ito.”

HAPPENSTANCE

In-upload ang music video ng "Atin Lang," ang theme song ng Happenstance, nitong Nobyembre 19, Huwebes ng gabi, sa YouTube channel ng GagaOOLala.

Inawit ito ni Mikoy Morales, at tampok dito ang mga bida ng series na sina Kiko Ipapo at Jovani Manansala.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mikoy Morales (center) with Jovani Manansala (left) and Kiko Ipapo (right)

Siyam na episode ang Happenstance, na idinirek ni Adolf Alix Jr. mula sa panulat ni Jerry Gracio. Mag-uumpisa ang streaming nito sa Disyembre sa GagaOOLala app and website.

Kaabang-abang kung paano mag-i-interact sa Happenstance ang dalawang time zone —ang 1974 na panahon ni Jose Manuel (karakter ni Jovani), at ang 2020 na panahon ni Wade (karakter ni Kiko).

“Parehong may issues that need to be addressed and affecting the characters—martial law and the pandemic,” sabi ni Direk Adolf nitong Nobyembre 20, Biyernes, via Messenger.

“And of course how the two characters will find love and how will they be together given the circumstances that they are in.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kiko Ipapo (left) and Jovani Manansala

Kasama sa Happenstance sina Rosanna Roces, Allan Paule, Bembol Roco, Erlinda Villalobos, Saviour Ramos, Shu Calleja, at Ken Anderson.

MY DAY

Maraming pinagkakaabalahan si Direk Xion Lim, kaya hindi pa niya masabi kung kailan ang season 2 ng My Day na pinagbidahan nina Miko Gallardo at Iñaki Torres.

“I’m currently working with Rainbow Prince and other Christmas projects for my corporate clients.

It’s the busiest time of the year again,” ani Direk Xion nitong Nobyembre 20, Biyernes via Messenger.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miko Gallardo (left) and Iñaki Torres

LAKAN

Mapapanood ang Episode 3 ng Lakan sa Nobyembre 23, Lunes ng gabi, sa YouTube channel ng Lakan series.

“Binagyo po ang buong team habang nagsu-shoot. Binaha po kami sa Gabaldon, Nueva Ecija. Nasira po ang set namin,” sabi ni Vincent Ricafrente nitong Nobyembre 20, Biyernes via Messenger.

Si Vincent ang direktor ng nasabing BL series na pinagbibidahan nina John Kennedy Nakar at Paul Cervantes.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

John Kennedy Nakar (left) and Paul Cervantes

Noong isang araw ay nag-post si Direk Vincent sa Facebook, “LAKANSalamat po sa lahat ng tumulong at mga tutulong pa sa aming pagbangon at pag-ahong muli sa lahat ng mga nasalanta.

“Ang materyal na bagay ay pansamantala lamang, pero ang takot at karanasang tumatak sa mga puso ng mga tao ay mahirap kalimutan.

“Hayaan nyo po kaming papasukin sa mga puso nyo para sa pagbibigay lakas at sa patuloy na pagtayong muli...

“Samahan nyo po kami, patuloy lang sa pagLABAN LAKAN!”

WHY LOVE WHY

Matutunghayan ang Episode 2 ng Why Love Why bukas, Nobyembre 21 ng gabi, sa YouTube channel ng PhilStagers Films.

Kukunan pa lang ang ikaanim at finale episode ng BL series na pinagbibidahan nina Carl Adaron at Johnrey Rivas, sa direksiyon ni Vince Tañada.

May bagong project na sinu-shoot ang PhilStagers Films, ang Joe The Movie. At may ikinakasa silang isa pang BL series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Johnrey Rivas (left) and Carl Adaron

MORE PEP GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Teejay Marquez and Jerome Ponce share a tender moment in Ben x Jim; (right) Kiko Ipapo and Jovani Manansala defy time and space in Happenstance.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results