Sofia Pablo can't wait for pandemic to end: "Sana po makabalik na agad sa work"

by Ruel J. Mendoza
Dec 8, 2020
Sofia Pablo, one of the country's top Tiktok celebrities, has an advice to users who are below 18 years old. She says, "Better kung approved ng parents." Also in photo, her screen partner Allen Ansay.
PHOTO/S: @sofiapablo on Tiktok

Masayang-masaya ang Kapuso teen star na si Sofia Pablo dahil napasama siya sa listahan ng Most Popular Celebrities on TikTok Philippines 2020.

Hindi nga raw ito inasahan ni Sofia dahil sa rami ng mga local celebrities na may TikTok account.

Ang iba pang kasama sa listahan ay sina Andrea Brillantes, Sanya Lopez, Vice Ganda, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Maymay Entrata, Ella Cruz, Heart Evangelista, at Kyline Alcantara.

At press time, may 5.1 million followers at 27.9 million likes sa TikTok.

Ang top TikTok video ni Sofia ay may more than 16 million views.

Sofia Pablo, Daniel Padilla, Tiktok

Continue reading below ↓

“Sobra-sobra po akong masaya at nagpapasalamat kay God sa napakagandang blessing na ito.

"At sa lahat ng Sofianatics, para sa kanila po ito,” ang sabi ni Sofia sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Instagram messaging noong December 6, 2020.

Dahil isa sa popular teen stars si Sofia sa TV at maging sa social media, may advice ito sa mga kaedad niya na gustong sumikat din via TikTok.

“Gumawa na kayo at mag-enjoy lang. Ipakita ninyo yung kakulitan ninyo.

“Basta make sure na lahat ng ia-upload ninyo ay pinag-isipan nang mabuti at mas better kung approved ng parents ninyo,” paalala pa ni Sofia.

Sa kanyang TikTok account nga sumikat ang videos nila ng StarStruck Season 7 First Prince Allen Ansay. Ang tawag sa kanila ay Team Jolly.

Continue reading below ↓

Dahil sa magandang chemistry nila, tinatanong sila ng kanilang mga followers kung sila na ba?

Natawa lang si Sofia dahil 14 years old lang daw siya, at hindi pa siya puwedeng magkaroon ng boyfriend.

Si Allen naman turned 18 years old last November 23.

“Close friends lang po kami talaga ni Allen. Maganda po kasi ang team-up namin sa social media kaya siguro kinatutuwaan kami.

“Kaya tuluy-tuloy lang po kami na nagva-vlog at TikTok para sa mga sumusuporta sa Team Jolly. Next year po, mas marami kaming gagawin pa na videos.”

SOFIA PABLO MISSES PRIMA DONNAS

Sobrang na-miss na raw ni Sofia ang umarte sa TV.

Matatandaang dahil sa COVID-19 safety and health protocols na sinusunod ng mga lock-in tapings, hindi nakasama si Sofia sa pagbalik-taping ng Prima Donnas. Bawal pa kasi ang mga minors.

RELATED STORY

Pero nakabisita naman raw si Sofia sa set ng Prima Donnas kamakailan.

Na-miss nga raw niya ang buong cast, lalo na raw sina Jillian Ward at Althea Ablan na gumaganap bilang mga kapatid niya sa teleserye.

Continue reading below ↓

“Ang saya po! Since hindi po ako nakapagpaalam sa kanila last March dahil hindi ko po alam na last na pala yun, talagang sinulit ko iyong time na makasama sila. Sobra ko po sila na-miss po."

Sobrang nasabik rin siyang makita ang director nilang si Gina Alajar.

“Sobra ko po na-appreciate lalo na si Direk Gina Alajar kasi masama po pakiramdam niya nung time na yun, pero nag-effort po siya para makita ako at malapitan.

“Nung una po kasi sa bintana lang kakaway lang dapat kasi sobrang pagod niya po. Pero nagulat ako nung bigla po siyang nasa harap ko na.

"Grabe po magmahal si Direk Gina!” masayang kuwento ni Sofia.

Simple lang daw ang Christmas wish ni Sofia, at iyon ay ang matapos na ang pandemic para makapagtrabaho na ulit siya.

“I wish po for this pandemic to end. Sana po makabalik na agad sa work after my birthday next year. Miss na miss ko na po mag-work.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo, one of the country's top Tiktok celebrities, has an advice to users who are below 18 years old. She says, "Better kung approved ng parents." Also in photo, her screen partner Allen Ansay.
PHOTO/S: @sofiapablo on Tiktok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results