Vina Morales says Cedric Lee should answer the question "Nasaan ka nang kailangan kita?"

When it comes to her lovelife, Vina Morales says, “Ang tagal na rin pala. Pero I guess wala pa. Hindi ko pa kailangan.”



Mahalaga ang magiging papel ni Vina Morales sa bagong soap ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, na ipapalabas ang pilot episode by January 19.

Sa trailer pa lang ng primetime teleserye ang karakter na ni Vina ang bumabandera sa pinaka-puso ng istorya. Kasama niya sa project sina Denise Laurel, Christian Vasquez, teen stars Jane Oineza, Loisa Andallo at iba pa. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

Pagsasalarawan ng Kapamilya actress-singer sa kanyang role sa presscon proper ng nasabing drama soap noong January 13 sa 9501 restaurant, “I portray the role of Cecilia Natividad. Ako yung nanay. Sa akin nagsimula yung istorya. Nagsimula sa nanay ko muna and then napunta sa next generation sa akin and then sa mga anak ko.

“Actually, she’s a very loving mom. Gusto niyang gawin ang lahat para sa pamilya niya at mga anak niya.

“Gaya nga ng sinasabi ng lahat sa nakikita ninyo naman sa trailer…ito kasing soap opera na ito hindi lang ito about relationship kundi kung ano ang paniniwala mo sa pag-ibig bilang isang tao.

“So, may kanya-kanya kaming istorya, iba-iba yung mga generations namin. So, I’m the mother of Jane [Oineza] and Loisa [Andalio].”



ON CEDRIC LEE. Meron na ba sa inyong nakapag-dialogue ng ‘Nasaan ka nang kailangan kita?’ at kanino ninyo pinatungkulan ang salitang ito?

“Pareho naman kaming single mom [Denise Laurel]. So, we can relate ‘nasaan ka nang kailangan kita?’

“Yung ama ng anak namin ang makakasagot niyan.”

Ang tinutukoy niya na ama ng anak niya na si Ceana ay ang controversial businessman na si Cedric Lee, ang diumano’y involved sa kasong isinampa ni Vhong Navarro.

Patuloy ni Vina, “I think we’re both single mothers, so, I think yun yung…” putol ni Vina sa sasabihin at saka sinabihan si Denise na siya na muna ang sumagot.

Komento naman ni Denise lagi niyang tsini-check niya kung nandiyan ba siya para kung kailangan siya ng kanyang anak, lalo na't isa siyang single mom.

Pahayag muli ni Vina, “Ako in general sa kung sino at kung kani-kanino. Kasi minsan sa buhay ang dami mong pinagtatanungan na mga tao kung nasaan ka no'ng kailangan kita.

“I guess in general yun.”



ON YOUNG STARS JANE AND LOISA. Bilang senior silang mga actors sa mga baguhang sina Jane at Loisa, ano ang mga experiences ninyo sa kanila bilang katrabaho?

“Actually, mahirap mag-rate kasi unang-una tina-try naman nila yung best nila para maganda yung mga eksena.”

Hindi ba sila mahirap ka-eksena?

“One thing kasi na natutunan ko sa showbusiness dahil matagal na rin ako dito: yung suportahan ang kapwa mo baguhan.

“They’re there naman to listen pag nagbibigay kami ng tips, mas lalo na nandyan yung director na magagaling. Talagang hindi kami pinababayaan.

“So, we never had a hard time sa mga bawat eksena namin.

“Ako, looking forward pa ako to do more scenes, mga iyakan or drama scenes with Loisa kasi kokonti pa yung mga eksena namin, ginagawa naming. Mas marami kaming eksena ni Jane.

“And I could see na talagang she’s really doing her best para mapaganda yung scene and she’s doing very well naman.”

Gaano kalaki yung responsibility na ibinigay sa iyo ng ABS-CBN bilang pinakabida sa buong soap at iikot sa iyo ang buong kuwento?

“Ah, actually, it was done very well kasi kung maumpisahan from the start yung story ni Cecilia talagang makikita mo yung transformation na talagang nagkaroon siya ng pamilya, nagkaroon siya ng anak.

“At first it was…medyo lahat kami honestly, lahat ng characters kinabahan kami at talagang we really made sure kung ano yung continuation ng character namin na magkaroon ng next generation, e, mapantayan namin. Pinagi-ingatan naming lahat yun.

“Para sa akin talagang nahirapan ako, kinabahan ako but hindi naman kami pinabayaan ng aming mga director, ng lahat ng staff at yung mga writers namin bawat isa yung character naming sa magiging present.”

Maraming soaps ang ABS-CBN na nakakakuha ng mataas na TV ratings. Bilang pinakabago ang sa show ninyo sa primetime, malaking pressure ba ito na maging top rater ito?

“Pressure sa aming lahat. Actually, all of us are really praying na sana on January 19 it will be very successful ang aming pagu-umpisa ng aming pilot.

“Itong soap opera na ito, I would say na talagang istorya ito ng pamilya, walang nakaka-angat. Pantay-pantay kami lahat dito ng bawat character.

“It’s just so happened na it all started sa istorya ko nung bata pa ako.

“Katulad nga ng sinabi ni Sir Ricky Lee [writer-screenplay ng serye] nagkaroon lang po ng back story si Cecilia para mas makita ng mga tao yung paghuhugutan ng sakit na naranasan ni Cecilia. And then yung next generation.”

Sa daloy ng career mo ngayon parang hindi mo naman hinahanap ang magkaroon ng lovelife?

“Actually, tinatanong ko na nga ngayon. Ang tagal na rin pala. Pero I guess wala pa. Hindi ko pa kailangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN