Migo Adecer admits pandemic took a toll on his acting: "Parang nabablangko ako"

by Ruel J. Mendoza
Feb 13, 2021
Migo Adecer admits the pandemic had an effect on his acting: "I wasn’t getting into my character."
PHOTO/S: @migo.adecer on Instagram

May epekto raw kay Migo Adecer ang nangyaring quarantine dulot ng cornoravirus noong 2020.

Sa ginanap na Zoom mediacon para sa GMA-7 romantic-fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig noong January 25, 2021, inamin ng Kapuso hunk na nung nagbalik-taping ito, nanibago siya sa pagharap sa camera.

Kasama si Migo sa prime-time teleserye na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Sabi ng Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6, “During quarantine, I mostly concentrated on my music. So hindi ko nabigyan ng time yung mag-practice akong umarte or watch our past episodes online para hindi ko nakalimutan yung character ko as Cocoy.

"That’s why noong magkaroon kami ng lock-in taping last year, after so many months, parang nabablangko ako. I wasn’t getting into my character.

"It’s really frustrating because everything that I learned from acting in all the workshops I’ve attended, it all was like all gone."

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at nagkausap sila ni Direk Mark Dela Cruz, na siyang nagpayo sa binata na huwag madaliin ang bagay-bagay.

Sa pagpapatuloy ng Filipino-Australian star, "That’s why I had a talk with Direk Mark kasi I was having a hard time getting back into the role—getting back to acting."

“He just told me to trust the process and it will slowly come back. Like, I don’t need to be hard on myself because it happens to a lot of actors.

“So I just did my best. And as we were moving along, everything was coming back again. Slowly I was getting into it again.

"Thanks to Direk Mark and most especially my co-stars na sina Barbie Forteza and Kate Valdez. They were a big help sa akin to bounce back,” sabi ni Migo.

MIGO ADECER ON KATE VALDEZ

Mapapanood si Migo sa bagong two-part episode ng My Fantastic Pag-ibig titled “Exchange of Hearts” ngayong Sabado, February 13, at sa susunod na Sabado, February 20.

Continue reading below ↓

Nag-promise si Migo na magpo-focus siya sa kanyang trabaho para hindi na siya mablangko ulit.

“The key really is to study more and always have an open mind. Ito yung pinasok nating trabaho, might as well be good at it every time,” diin pa niya.

In “Exchange of Hearts,” makakatambal ni Migo si Kate Valdez, at gaganap sila bilang sina Popoy and Celine, na nanganganib matapos ang kanilang relasyon dahil sa magkaiba nilang personalities.

Popoy is the “stop and smell the flower” kind of guy, samantalang si Celine ay isang career-driven woman.

Sa kanilang 4th-anniversary vacation, nasa plano na ni Celine na makipaghiwalay kay Popoy. Pero gusto pa rin ni Popoy na bigyan ng isa pang chance ang relasyon nila ni Celine.

Hanggang sa may makilala silang isang plantita na isang witch pala na ilalagay sila sa isang sitwasyon na susubukan nang husto ang pag-iibigan nila.

Dahil magkaibigan na sina Kate at Migo bago pa sila naging mga artista, naging madali para sa kanila ang mga eksena.

Continue reading below ↓

Paano ilalarawan ni Migo si Kate?

“Kasi I’ve seen Kate face so many trials, ordeals. I’ve seen her jump through hoops from when we started until now.

"If she wasn’t strong she would have failed and given up. But that’s what she didn’t do and she came up victorious.

"So when someone says strong, I think of Kate first and foremost. Para sa akin, si Kate ang pinakamasipag, pinakamalakas.”

Samantala, ayon naman kay Kate, sobrang honest, at sasabihin raw ni Migo kung ano ang nasa isipan nito.

“‘Pag sinabing straightforward, si Migo po yung unang pumapasok sa isip ko kasi sa pagkakakilala ko kay Migo, sasabihin niya talaga kung ano yung naiisip niya or nafi-feel niya, and that’s what I like about his personality.”

Makakasama nila Migo at Kate sa kanilang episode ay sina Maureen Larrazabal, Jordan Herrera, Kevin Sagra, at Karenina Haniel.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Migo Adecer admits the pandemic had an effect on his acting: "I wasn’t getting into my character."
PHOTO/S: @migo.adecer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results